Sa Hindi makatotohanang pangyayari
Sa Hindi mapaliwanag na bahaghari
Sa Hindi makapagsalitaan
Sa Hindi na matandaanSa pagsali sa pantimpalak
Sa amoy ng mga kalsadang bulaklak
Sa langit ng himpapawid
Sa tulay na walang tumatawidDalamhating Kaarawan
Dalawa't kalahating buwan
Daliring ng parangya
Doon sa malayo ang malayaAng armas nila'y kayamuan
Hagdan ng kaguluhan
Ang hawak sa kamay
Hahanapin ang lumbayNagtataba ang masipag
Nagpapayat ang matatag
Sa salitang patuloy
Sa aliw na gumuhit sa kahoyAng pagpihit ng panganib
Sa silid na nakaliblib
Wala munang sayaw at saya
Nakakaindak umiyak . Hindi kayaSa pagpigil kumalahati ang mamon
Nakakasukang mga hamon
Sa pagbitaw sa istandarte
Pinunit muna ang arteNakakahiyang Saad
Walang agarang lakad
Sa lungkot sa hapag
Sa pag-ingay ng hampas sa lapag::: 🦠🎈🎁🥳🕯️:::

BINABASA MO ANG
Tipsy Poetry
PoetryProblem? Just Drink,feel the vibe,write what you feel and enjoy the moment..