Sa parte na may hinihintay
Sekreto tinago kay itay
Masaya yan, ang akala nila
May lungkot na paparating, babala
Sa pintuang kabubukas lang
Sa taong takot maging matapang
Sa umaapak at naglalamang
Wag ipakita. Malamang
Sa huni ng pako
May babaeng hintay ay pangako
Sa iyak ng hangin
May lalaking naghihintay lambingin
Sa talon ng ulan
May batang naiwan kung saanman
Sa padyak ng kamay
May lola na matamlay
Sa ayaw ng sayaw
May ibong nasa ibabaw
Sa sigaw ng bote
May taong mahilig sa kabote
Sa takot ng lakad
May pusong nakalahad
Sa ingay ng kanta
May paparating na binata
Sa pihit ng bintana
May taong naghihintay ng sana
Sa wakas ng simula
May nakaupong tulala
Sa tahol ng aso
May nakatayong di marunong magloko
Sa pitik ng sapatos
Di akalain , walang tatapos
BINABASA MO ANG
Tipsy Poetry
PoetryProblem? Just Drink,feel the vibe,write what you feel and enjoy the moment..
