Sa lamig ng kahapon
Sa init ng kahon
Mga salita mong dapat ibaon
Sa pagbagsak ng tubig sa talon
Ugoy niya'y kay tamis
Iyak mo ay walang nais
Pagod makinig
Nakakairitang tinig
Sa pagsapit ng gabi
Ni isang siya wala sa aking tabi
Pangako mo'y wala sa tono
Maniwala sayo
Ang dali mong makalimut
Mga salita mo'y may mga lumot
Sagad ng isa diyan
Nakakasakit ng tiyan
Saan man patungo
Sa marahas mong pagtutungo
Sa gilid ng ulan
Mga taong naghihintay ay ilan
Ngiting hindi kawiliwili
Lahat na lang nagbabakasali
Sa pagsarado ng ginto
May papalit na tanso
BINABASA MO ANG
Tipsy Poetry
PoetryProblem? Just Drink,feel the vibe,write what you feel and enjoy the moment..
