Maganda lang sa panlabas
Mga ngiting kapaniniwala
Sa tindig, ito'y perpekto sa baba at taas
Mga salitang lumilipad parang bulaAng mukha ay parang ipininta
Kulang na lang gawin kang sinta
Ninakaw pati ang guni-guni
Ang tapang ng boses, ganda ng huniMga pulbo sa loob ng panyo
Papaalam at pupunta sa banyo
Huwag sasabay, yan lang ang payo
Inayos ang mukhaSapagkat upang hindi maging dukha
Ang kanyang kasiyahan ay malubha
Sa tindi ng pula sa labi
Bibighani ang katabiSa prepektong linya sa taas ng mata
Dito , ang may husga
Dito, malalaman ang lahat
Kung ikaw ay sasapatHumanda ka. Kung ito'y bababa
May paghihiwatig na walang paniniwala
Humanda ka. Sa kung ito'y tataas
Takot at kaba ang nasa iyong labasAng kilay na importante sa kanya
At kung walang mata ang isang prutas
Hindi na ito'y matatawag na pinya
Sa mga babae ito'y importante . Yan ang batas.

BINABASA MO ANG
Tipsy Poetry
PoetryProblem? Just Drink,feel the vibe,write what you feel and enjoy the moment..