Weird Circles

5 1 0
                                    

Tulala sa dagat
Inaalala ang pamagat
Dinadala ng habagat
Iiyak sapagkat

Paulit-ulit na nagmamakaawa
At ako'y naman ay sawang sawa
Puno ng nakalipas ay tawa
Isa na ngayon, ang dalawa

Tumatakbo papalayo
Na dapa at tumayo
Ang init ay biglang lumamig
Naging wala, ang may tubig

Kakatok sa may pinto
Bubuksan ba? Ako'y nalilito
Naging matigas , ang isang malambot
Ang kamay nito'y parang aabot

Gusto kong tumakas
Paulit-ulit na alam kong hindi ako malakas
Naguguluhan . Napipilitan
Ang mga guni nila'y salitan

Tatakbo pero gulong-gulo
Iiyak na lang kasi alam s'ya ay talo
Walang direstong daan
Sa taong puno ng nakaraan

Tipsy PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon