My Focus Get Blurry

4 1 0
                                    

Sa gusto ko sanang mangako
Sa taong naghihintay hindi ako
Sa ganoong katagal
Sa orasang mabagal

Ang radyong kasiyahan
Ang tahimik na aliw
Ang taong inaakalang baliw
Ang mukhang kinakabahan

Sa wari'y ko'y ikaw
Sa ang guni guni ay sari-sari
Sa librong nakatali
Sa ewang ligaw

Ang ating lugar na
Ang sa ating huni ng maya
Ang naghihintay ay mamaya
Ang loob ay puno ng sana

Sa ilalim ng tulay
Sa walang pulis ang nakabantay
Sa manikang galing maynila
Sa batang ipapalit sa kanila

Ang mga punto
Ang pintong nakasarado
Ang mga sabi
Ang ito'y nakahandusay sa tabi

Sa pagod na pagakyat
Sa mataba at payat
Sa mayaman at kapuspalad
Sa pumipigil at lumalahad

Ang pinag-aagawan
Ang puno ng pinagsasawaan
Ang iyong kinakatakotan
Ang ating sanlibutan

Tipsy PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon