21 Root

2 1 0
                                    

Sa hapong taong akala'y tatapos
Sa inay na yumakap ng lubos
Sa itay na sa tubig gumagabay
Pinalitan ng mga kapatid ang lumbay

Sya ang naging bughaw
Sya ay nasa una at umaapaw ang uhaw
Sya ang ngiting hindi makapalit
Kinuha nya ang mundo kahit minsa'y maliit

Sa pagiging pag-asa
Sa taong iniwan at patuloy
Iniwan ang takot at problema ay itaboy
Sa panahong Yun, di sya nag-iisa

Nagpatuloy kahit may espasyo
Kahit wala na ang haligi na nakatayo
Saad ng nakaraan, huni ng kinabukasan
Naging masaya. Naging kumpleto, ang kanilang Laban

Sa paglipas ng kahapon, ang nakasimangot
Ngayo'y patuloy sa mga pangarap, gustong maabot
Sa tindi patuloy sa daang tinatahak
May iyak at halakhak

Sa may damuhan, mga batong may pangalan
Sa mga hawak naming kandila at bulaklak
Na kahit tinatanong parin ang tumulak
Sana'y nandito ka at kami ay tabihan.

Tipsy PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon