I Am Here

24 3 0
                                    

Ako yung tao na nagpapasaya
Yung taong magulo kausap
Yung pwede mong makasama
Makasama sa kalokohan
Kalokohan man o kasiyahan

Pero bakit ganon?
Mas masakit iwan ng kaibigan
Kaibigan yan ang kasama mo sa lahat
Kung ano baon mo, baon din ng lahat
Kung cr ng isa sasama ang buong barkada

Pero iba ang plano at tinakda
Ang saya lang
Parang kayo na lang natitirang nilalang
Ang saya ulit-ulitin

Yung niligyan ng bato ang bag mo
O yung tali ng sapatos mo tinali sa upuan
Yung mga kalokohan
Hindi na maitatamo

Yung tatakbo dahil may aso
Yung susunod kayo sa uso
Para kayong mga ulol
Parang nakalinghap ng katol
Pero its cool

Susunduin ni mama sa computershop
Pero ayaw baka ikaw ay machop
Masaya lahat dahil nakatop
Maglalakwatsya pero walang pera

Hihingi ng pera para daw sa project
Pero may bibilhin na mang palang object ..
Object na para sa lahat at ikaw din ang subject
Takot na baka kasi ikaw ay mareject

Expectation
Yan ang salitang gusto ipahiwatig
Pero ikaw ay nasa imagination
Pero SILA ang naging sandalan
Nagbibigay ng payo
Payo namamakatulong
Payo na walang katulong-tulong
WOW.. its been so long

Yung iba may trabaho na
Yung iba nabuntis
Yung iba may pamilya
Yung iba umiba ang landas
Yung iba wala na
Yung iba  nagsasnob kala mo paymus
Yung hindi mo matiis
Yung hindi mo makaya

Nawala na sila
Marami noon, ngayon wala na
Dito lang ako ...
naghihintay kaylan ulit kaya
makukumpleto ang barkada
Dito lang ako ....

Tipsy PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon