Bawat pighati ng alon
Sa naghihintay ng kahapon
Sa pusong talon ng talon
Sa dalampasigan na hugis kahonSa barkong lumalayag
Sa taong na iwan at hindi pumayag
Pag-ibig na matatag
Takot at panggamba ay nasa lapagSa sinag ng lampara
Sa ilaw ng tubitubi
Sa anak mong nasa tabi
Wala namang natiraTirahan na walang isa
Siya ang pag-asa
Sapagkat para umiba ang lasa
Tinitiyak sa kabiyak sa kanyaMatang malayo ang tingin
Naghihintay para lambingin
Nawala sa isang paningin
Sa ihip ng hanginTumulo ang tubig galing sa mata
Gumuguhit ang linya sa mukha
Nandoon siya, gabay ay tala
Tiwala, kapit. itapon ang bahalaBuwan at bituin ang naging ilaw
Ang lahat ay para sa kanya at ikaw
Paparating na at ito'y na tatanaw
Ikaw nama'y parang gugunawNalimut ang nakaraan
Nakatayo ngayo'y sa harapan
Mga ngiting nasilayan
Walang magbabago kailanman

BINABASA MO ANG
Tipsy Poetry
PoetryProblem? Just Drink,feel the vibe,write what you feel and enjoy the moment..