When the Fade is gone

7 1 0
                                    

Iniwang hindi pa handa
Di alam kung saan sya banda
Hindi naman siya ang tinakda
Sigaw ay ihiga.

Putol na pangako
Sa taong nakasako
May mga taong hindi tinagpo
At pilit ipinaglayo

Ang kamay ay bibitaw
Titigil sa sayaw
Pilit parin, may pipigil
Gusto ay gigil na gigil

Iyak ng manika
Damit ni ina
Sadyang kay pait
Habang malayo sa bait

Hapong naging umaga
Sa taong nakatalinhaya
Pinunit, di sinasadya
Lungkot ay kay saya

Pagkain naitapon
Totoong dapat ibaon
Masaya lang dapat
Kahit ay hindi sasapat

Tipsy PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon