Trying The Flies

4 1 0
                                    

Sa una pa lang, sana alam mo na
Baka kasi di naman tayo itinadhana
Sanayin na natin ang isa't-isa
Baka maumay ka at umiba ng lasa

Pasensya. Nabingi na ako sa paulit-ulit
Parang saleslady ang kulit
Di ako negatibo
Nasa ibang planeta kamo

Respeto para sa ating dalawa
Hindi ako madali at mabola
Nasaktan na kasi ako
Ang daming tao ang lumapit at lumayo

Pagod sa pekeng pag-ibig
Pagod sa kakaintindi na galing sa kanilang bibig
Baka Oo o hindi tayo sa hangganan
Dito lang ako sa taas ng hagdan

Ang ganda lang sana
Kung ikaw ang naging una
May sumira parang huli na
May iniwan kaya . Nga nga

Tipsy PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon