Red Flag

6 1 0
                                    

Malungkot sa araw ng pula
Ang araw ko'y parang asul
Nalimutan ni kupido at yun sapul
Parang ako'y isang ekstra sa dula

Oh kay tindi naman
Hindi naman ako'y gahaman
Hindi ako masama at mayaman
Ang lupet ako'y nalimutan

Ang buhay ko'y parang kahel
Ako ay hindi si Beast namahal ni belle
Kumakanta kahit wala sa tono
Naiwang kasama si lolo

Wala panaman sa aking ulo
Si ina'y ang gumugulo
Walang tatagal
Pauulit pero may tumatanggal

Hindi takot
Wala namang lungkot
Inaamin ko may kulang
Sa puso ko pero yun lang

May alaga akong aso
Sya palang ang nasa puso
Ang paligid ay dilaw
Punong puno ng ilaw

Walang kahawak ng kamay
At si ita'y ang aking kasabay
Petmalu  na nakatambay
Sa darating, ako'y hihintay

:: cupid missed me out:::

Tipsy PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon