Noong may tahanan
Noong masaya at puno ng totoo
Sa mga taong lagpas tatlo
Sa mga taong hindi kilala ang talo
Naging masaya pero dumating siya
Sa unang kay ganda
Yun pala may dala itong granada
Pasabog na mabilis sa may tala
Tumama, sakit na paunti-unti
Sa umasang walang iwanan
Ayon.. pumanta kay kapitan
Sa iiyak na tumitimpi
Nakayukom at dumudugo
Sa pagkagat sa ilalim na bibig
Sa iniwan pero tunay na umiibig
Sa taong hinahanap ang tumatago
Hinahampas ang puso
Sa taong bibitaw na at susuko
Lumalakad papalayo
Walang may ari'ng kasamang tumayo
Ang isip ay walang katuturan
Ang sakit na walang katapusan
Ang tuhod na pagod sa kalalakad
Ang taong ito'y walang alam patungkol sa nakalahad
BINABASA MO ANG
Tipsy Poetry
PuisiProblem? Just Drink,feel the vibe,write what you feel and enjoy the moment..
