Kettle Burst

4 1 0
                                    

Sa mga taong Hindi takot sa salitang gumahis
Walang teknolohiya, sapat na sa papel at lapis
Walang takot at buong loob
Nasasayahan sa kidlat at kulob

Sa paglakad sa daang pasukit
Di malinaw ang mga guhit
Sa mga di totoong talimuwang
Di pa na niniwala sa aswang

Sa mga taong bahag ang buntot
Iniyakap sila ng kanilang takot
Sa pagpigil at bumuwag
Di mapigalan kahit sumigaw ng 'huwag'

Ni katiting na natakot Hindi Makita
Sa pagbitaw palang wala na diba?
Sa pagiging taong malilom
Ginagaya kahit ang pag-inom

Sa pagtakbo di mapigilan ang matalapyok
Hangin na nakakasira Ng magandang buhok
Sira na ang isip kakaisip
Sa ilaw na nakaidlip

Pangakong hinihintay
Pinapalo parin ni itay
Sa pagiyak , may dalang padyak para sayo
Iniiba ang isip papunta na sa orgulyo

Sa mundong maraming pagtakhan
Puno ng galit at kababalaghan
Bitawan ang tinatawag na samahan
Takot. humakbang sa simbahan

Kahit anong pilit, Wala ng magawa
Sa takot at pangamba
Ang pusong puno ng bahay ng gagamba
Naiwan sa kadilimang kinain ng sawa.

::::In n out  . Legit angry:::

Tipsy PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon