Quarantine Heart

6 1 0
                                    

Sa ngayong patago
Sa ngayong may gulo
Sa ngayong may takot
Sa ngayong walang sagot

Sa ngayong iba na
Sa ngayong puno ng bahala
Sa ngayong palibot ay kaba
Sa ngayong walang pahinga

Sa ngayong hindi maintindihan
Sa ngayong kailangan ng simbahan
Sa ngayong kailangan natin ang panginoon
Sa ngayong sabay-sabay at samahan

Kailangan may takot tayo sa Diyos
Para walang gulo at umayos
Huwag pasaway
Huwag maging kaaway

Tahimik ang mundo
Baka siguro malapit na ang sundo
Tayo ay talak ng talak
Sila nga ang mga paa ay nakatapak

Kailangan tayo magtulong-tulong
Magpasalamat sa lahat
Sa mga taong nagtataguyod ng batas
Sa ating binibigyan ng lakas

Mga taong nasa harap
Mga taong patuloy kahit wala na ang sarap
Mga taong patuloy sa paggalaw
Mga taong lalakad sa sasayaw

Maraming salamat po
Sa ating diyos kami ay sasamo
Bigyan kayo ng lakas
Bigyan ng magandang kalusugan ito ang aming binibigkas

Salado sa sa lahat
Kung wala kayo, wala din kami
Ako'y palaging nakatamimi
Mga positibong nakakalat

Kaya natin to.
Tayo pa ba.. ako ay Pilipino
Tayo para sa isa lahat ay matatamo
Magsama-sama todo nato..

...

Tipsy PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon