Sa simula ay takot
Sa ugnayang may nagsasabing salot
Sa unang baitang na wala sa labag
Nagsimula ang naghihintay na bitag
Patuloy sa sana'y tutungo
Sa hindi masagot at tango
Sa simoy na mabango
Sa ilaw na may kung ano
Sa pangalawang baitang. Huminto
Sa nakausling pako
Nakaramdam ng unang sakit
Nakatikim ng mapait
Patuloy sa pataas na hagdan
Paano makakalampas?
May sakit pero patuloy sa daan
Aalis pero may dalang hampas
Pangatlong baitang. Tinutulak
Tinutulak papaalis
Ikaw nama'y puno na ng inis
Lumalanta na ang bulaklak
Pangapat at hindi pa ang huli
Marami ang sumisira at sumali
Lumalambot na ang tuhod
Parang ikaw ang hinuhuli ng tanod
Sa tindi ng pinagdaanan
Ikaw ay malayo sa kabihasnan
Hindi. Hindi pa ito ang pagtatapos
Sa kahit anong gawin ay ikaw parin ay papaos
Sa panglima. Ikaw ay pagod
Patuloy lang, sugod lang ng sugod
Malapit na, tanaw mo na ito
Ngumiti at patuloy sa pagtayo.
BINABASA MO ANG
Tipsy Poetry
PoesíaProblem? Just Drink,feel the vibe,write what you feel and enjoy the moment..
