Chapter One

80K 1.4K 41
                                    

"Bakit ba hindi umuusad ang pila?" bulong ko. Tumingkayad ako at pilit na pinapahaba ang leeg ko upang makita ko ang unahan ng mahabang pilang iyon.

Sa lahat ng ayoko iyong naghihintay sa mahabang pila. Kaya nga noong college ako, kapag magababayad ng tuition sa cashier, five' o clock pa lang ng umaga gising na ako para bago mag six thirthy nasa harap na ako ng opisina nila. Sadyang minalas lang ako ngayon dahil bukod sa tinanghali na ako ng gising, na-traffic pa ako.

Kainis. Bakit kasi hindi ko naisip na mag-MRT na lang?

"Number one hundred forty three." namuo ang excitement sa utak ko nang marinig ko ang numerong hawak ko.

"Ako iyon!" hindi ko maiwasan ang hindi mapapalakpak. "Ako ho iyon!" pakiramdam ko natawag ako sa eat bulaga.

"Ikaw pala iyon eh di lumapit ka na dito!" sigaw pa ng masungit na babae sa tapat ng mic. Napangiwi ako. Ang taray, siguro kulang sa kembelar ang babaeng ito. "Pumasok ka sa loob tapos ibigay mo iyang resume mo sa babaeng naka-green, pagkatapos umupo ka doon sa lalaking naka-kulay asul." napatango na lang ako saka sinunod ang lahat ng sinabi niya.

Medyo matagal ang proseso at naiinip ako. Pero kung hindi ako magtitiis dito sa job fair na ito, hindi ako magkakaroon ng trabaho.

Nakakainis naman kasi. Kung hindi kasi ako pinagtripan nung maniac na principal doon sa dating school na pinagta-trabahuhan ko, eh di sana hindi ko kailangan maghanap ng trabaho ngayon.

Naalala ko pa ang nakakapangilabot na indicent proposal niya sa akin.

"If you give me what I want, your life will be better..."

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang nakakasulasok na ngisi sa kanyang bibig habang nasa mga tuhod ko ang kamay niya. Sa sobrang pandidiri ko sa kanya noon, nasipa ko siya sa mukha. Iyon, nagkaroon ng injury sa ilong. Buti nga sa kanya, maniac kasi siya.

Akala ko nga titigil na siya dahil binigyan ko na siya ng baling ilong pero nagkamali naman ako, hayun nagsampa ng reklamo sa akin. Kesyo may ka-student affair daw ako, ang masama pa, naniwala sa kanya ang mga mga school official at nasesante ako.

Ngayon, wala na akong pera, wala pa akong trabaho at hindi pa ako pwedeng mag-apply sa ibang schools dahil sa paninirang ginawa ng maniac na principal na iyon!

"Miss Salaveria..." ngumiti ako sa lalaking naka-asul. "Graduate ka ng education?"

"Yes sir. Filipino major, but I can also speak english." ngumiti ang lalaki sa akin.

"I see. I was just wondering, why do you want to work as a call center agent? Why did you resigned?" napangiwi ako. Iyon na namang tanong na iyon. Bakit ba sa halos lahat ng pinag-apply-an ko tinatanong nila iyon.

"Hindi po ako nag-resign, sir." Ipinaliwanag ko sa kanya ang nangyari panaka-naka ay tumatango siya. Sa huli, sinabi na lang niya sa akin na tatawagan nila ako kapag training na. Kahit paano ay napasaya ako sa sinabi ni kuyang nakakulay blue. Kahit hindi pa sigurado ang sagot nila, ayos na sa akin, at least pwede na. Pwede na akong umasa.

Naglalakad na ako palabas nang mall. Nagmumuni- muni. Hanggang sa mapatingin ako sa kaliwang direksyon ko. There, I saw a woman wearing a gray casual dress, walking around the mall like she owns everything inside it. I smiled. I was watching her, and in my head I was thinking that I want to be like her. I want to be as pretty as her.

Pero parang imposible kasi hindi naman ako maganda. Ang liit-liit kaya ng mga mata ko, sabi nga ng mga friends ko, ako lang daw ang taong gising na eh nakapikit pa rin.

Dinedma ko na ang babaeng magada, lalabas na talaga ako ng mall nang biglang may sumigaw ng...

"Dammit! Iyong bag ko!"

Kitang-kita ko na may dumaklot sa bag ng magadang babaeng kanina ay pinagmamasdan ko. Mabilis akong kumilos at saka tumakbo papapunta sa kabilang direksyon ng mall. Nakita ko ang gunggong na magnanakaw na iyon, nagtago ako at nang malapit na siya sa akin, inlabas ko ng bahagya ang paa ko para matalisod siya.

Natawa naman ako ng malakas ng makita kong nakipag-face to face ang kumag na snatcher sa matigas na sahig ng mall.

"Guard! Guard! Siya iyong kumuha noong bag nung babaeng maganda!" nagtititili ako roon, kulang na lang lumabas ang ngala-ngala ko sa kakasigaw.

Maya-maya ay nakita kong lumapit na sa akin ang guard pati na rin ang magandang babae. Dinampot ni Kuyang Guard si Manong na snatcher. Bahagayang ngumiti pa si Kuyang Guard kay Ateng Maganda - halatang nagpapa-cute, habang si Ateng Maganda ay nakatitig sa akin..

Marahil nagagadahan din siya sa akin..

"Miss, heto na iyong bag mo..." inabot ko sa kanya ang bag niya. Ngumiti naman siya sa akin.

"Thank you, uh.. Miss?"

"Salaveria, Jenny Salaveria." tumango siya.

"Okay Jenny. I'm Rika. Rika Perz - Abella. Nice meeting you..." kinamayan niya ako. Ang lambot ng mga palad niya. "Hey, do you wanna have coffee with me? Sige na, pumayag ka na. This is my way of thanking you.."

Kape? Hindi ako nagkakape pero baka juice meron doon o kaya man ice cream.

"Sige ba, hindi ako tumatanggi sa libre..." nakangiting sagot ko.

"Good. Halika na..." nagpatiuna na sa akin ang babaeng nagpakilala bilang Rika Abella - Perez. Hindi ko alam pero parang nakita ko na siya noon. Hindi ko lang talaga matandaan kung saan pero pamilyar siya...

__________

Rika and I ended up having coffee in a library/coffee shop. The place looked so 1920's it creeps me to see a wax figure of Manilyn Monroe.

"Thank you so much for doing what you did, kanina. Jenny..." nakangiting sabi niya. Humahanga talaga ako sa ganda ng babaeng ito. Wala siyang kapeklat-peklat sa balat at hindi uso sa mukha niya ang black heads o kaya man pimples.

"Okay lan iyon, Miss Rika. Kahit kanino mangyari iyon, gagawin ko pa rin."

"Anyways, Ayokong maging tsismosa, pero ano iyang nasa brown envelop mo?" tanong niya. Napatingin din ako sa envelop ko.

"Ah eto? Resume po. Nag-aaply kasi ako ng trabaho diyan sa job fair eh..." tumaas ang kilay niya. Humigop naman ako ng tea. Ewan ko ba pero sa tingin kong ekspresyon ng mukha niya ayb parang gumana ang radar sa magkabilang tainga niya.

"A job? Bakit?"

"Eh kasi ho, kailangan kong kumita ng pera, tatalong buwan na ho akong walang trabaho at nauubos na ang ipon ko." nakadama ako ng hiya.

"Really?" she said in a very myterious tone. She smiled. "Then what if I tell you that I can give you a job?" muntik ko ng hindi malunok ang tsaang nasa bibig ko. Trabaho? Bibigyan niya ako ng trabaho? As in iyong may sweldo? Iyong may benefits?

"Ho?"

"And let say na interview mo na ngayon. Okay ba iyon, Jenny?" Okay? Nababaliw na yata ang babaeng ito. Hindi naman niya ako ganoon kakilala pero bakit ganyan siya magsalita? Sigurado ba siya na bibigyan niya ako ng trabaho? Eh kakikilala pa lang namin kanina!

"First question. Do you have any criminal records?"

"Wala! Wala po.." mabilis na sagot ko. Bigla tuloy akong naintriga, ano kayang klase ng trabaho ang ibibigay sa akin ng babaeng ito?

"Okay. I can have someone look at that. Hope you don't mind. Are you single? married or annuled?"

"Single and very much available, Miss Rika.."

"Good. Last question..." napatitig ako sa kanya. Last question? Hay naku. Nagbibiro lang yata ang babaeng ito. Biro mo, interview ko raw ngayon pero tatlong tanong lang ang binitiwan niya sa akin? Ano ba ito? Iba talaga ang mayayaman kapag naiinip.

"Who's your favorite Neon?" kumunot ang noo ko. Nagkaroon ng question mark sa mga mata ko. Neon? Anong Neon?

"Ho? Anong neon? Ano iyon? Ilaw ba iyon?" nanlaki ang mga mata niya at hindi mapaniwalang tumitig sa akin. She even took my hand and pulled me closer.

"You don't know Neon?!" tila naeeskandalong tanong niya.

"Ilaw iyon diba? Neon Lights... "

"Oh my god..." napahawak siya sa dibdib niya. "Am I losing my magic?" tanong niya sa kanyang sarili. "Are you telling me that you don't know anything about Neon?"

Neon. Ang alam ko talaga, ilaw iyong Neon. Iyon yata iyong nilalagay sa mga light saber para nagkakulay sila. Iyon ang alam kong Neon. Pero bakit parang litong-lito na si Miss Rika ngayon?

"Okay. Do you know Trey Emilio?" she asked me again. I shook my head. "Zach Laundrize?" again I shook my head. "Ali Katigbak? James Maxcardo? Anton Perez or Robi Santos?!"

"Sorry talaga pero hindi ko sila kilala. Hahabol ho ba silang Presidente o Congressman?" clueless na tanong ko. To my surprise, Rika laughed.

"You are so qualified for this job!" nakangiting sabi niya. "And did I mention na ikaw ang kauna-unang babaeng nakilala ko na hindi kilala ang Neon. Nakakatuwa ka!"

"Mawalang galang na ho ah.. Ano po ba iyong Neon?" nakakunot ang noo ko.

"Sabihin na lang natin na parte sila ng magiging trabaho mo if ever na tatanggapin mo ang inaalok ko."

"Ho? Seryoso ho talaga kayo?" napangiti siya. May kinuha siya sa bag niya at saka ibinigay sa akin iyon. "I have to go, Jenny, but I would like to hear from you. Tawagan mo ako kapag handa ka ng tanggapin ang alok kong trabaho at kapag kilala mo na ang Neon." tumingin ako sa mga palad ko. Isang puting tarheta ang nakita ko roon.

Rika Abella - Perez
Zenith Productions
09478804343

"I have to go, Jenny. Call me if you already know what or who Neon is..." nakangiting pahayag niya. Tumayo na siya at saka tinungo ang exit ng coffee shop.. kunot noong sinundan ko siya ng tingin.

Neon. Neon. Neon.

Ano nga kaya ang Neon na iyon? At anong trabaho ang ibibigay sa akin ng magandang babaeng walang pimples at blackheads na may kinalaman sa Neon?

The Last Neon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon