Chapter Two

67.4K 1.3K 77
                                    

"Are you happy?"

A smile formed on her face, she turned to me and kissed my lips. 

"The happiest. Thank you, Trey. I love you." Those were the sweetest melody I've ever heard. Everytime she says I love you, my heart beat fast like theres no tomorrow. 

"I love you more, Angelika." I kissed her forehead. I never realized that marrying the woman of my dreams will lead me to the path of un-ending happiness. Ang saya-saya ko. Sa bawat araw na lumilipas na kasama ko siya, lalo ko siyang minamahal. 

I cab still remeber that day when I realized that I want to spend my life with her. It was raining then, and we were having a petty fight. I walked out, she followed me. Nakaabot kami sa park ng villege, she was still yelling at me, but when I turned around, nawala ang lahat ng galit ko. She was soaking wet, and she was also crying. I was just standing infront of her and all I could think of is how I wanted to change her bad rainy day memory.

"I love you, Kai. Marry me..." her mouth fell open and she blushed. Her eyes widened with surprise. 

"Wag ka ngang ganyan? Alam mo ba kung gaano ka ka-wrong timing? Nag-aaway tayo tapos aayain mo ako magpakasal?" malumanya ngunit naiiyak na pahayag niya. 

"We can fight later, but answer me first. Will you marry me?" 

"Yes!" 

That's the happiest day of my life. I thought that I'll be happy forever, Kai is my source of happiness, but when that fateful day came.. It changed everything..

"Trey? Are you even listening to me?" nakatitig lamang ako sa mukha ni Rika habang nagsasalita siya sa harapan. Titig na titig ang mga mata niya sa akin. Noon ko lang naisip na sa akin pala siya nakatingin at ako pala ang tinatanong niya. 

"Trey.... please tell me that you were listening..." I just smiled at her. Iyon ang problema ko. Hindi ako nakikinig sa kanya. Ni hindi ko alam kung bakit ipinatawag ni Rika ang meeting na ito. I was away, my mind was resting on that place i made up inside my dreams where I can still be with my wife. 

"Alright. Meeting adjourned." tila nanghihinayang na sabi niya. Anton sighed. I looked at him. He was staring at his wife. 

"Look at her, she's so tired." pagkatapos noon ay saka niya ako binalingan. "Please tell me you were listening." 

"I'm not..." bulong ko. Tumayo ako at saka nagpaalam na kay Rika. I apologixed for being absent minded, she said it was okay, kahit na alam kong it was the other way around. 

"Trey..." I didn't realize that Anton followed me. "Dude, seriuosly. How long do you plan to live like this? Nag-aalala kami sa'yo. Even Rika's worried about you. Trey naman..." 

I'm grieving. Bakit ba hindi ila maintindihan iyon? Bakit ba hindi nila makita na kailangan kong maging malungkot dahil nasasaktan ako. 

It's hard to be surrounded by happy couples. Sa tuwing nakikita ko sila, naaalala ko lang that I was once like them. I was once in a couple. Actually, I was the first one to be married, pero hindi ko alam na ako rin pala ang mauunang mawawalan.

"I'm okay Anton. Wala naman dapat ipag-alala." Why is everubody worried about me? I'm okay. Theres no need to fuss about it. I'm fine ------- we'll except for that aching part of my heart, okay na okay naman ako.

"Hindi mo naman kami masisi, Trey eh..." napatitig ako sa kanya. 

"Oh yeah?" sarkastikong tanong ko sa kanya. "Is that why James declared the Trey watch?" halatang nagulat siya sa sinabi ko. Napailing naman ako. "Dammit, Anton. Don't look so surprised. I know what you're up to and I'm not happy about it. Do not snoop around my house like I'm some kind of criminal." huminga ako ng malalim. 

"My wife died. When I buried her, I buried half of my heart with her." namataan kong papalapit na rin sa amin si Ali at si James. "At wala kayong magagawa kung habambuhay kong gustong maging malungkot. Buhay ko ito. Ako ang masusunod. Wala kayong karapatan na pakialaman ako."

"Hey, easy Trey. We're just trying to be a friend to you." 

"Pwes ayoko ng mga kaibigang pakielamero. Just stay away from me. Let me grieve. Let me drown myslef with loneliness." 

"But it's been a year." Ali whispered. Inirapan ko siya. 

"So? Kung isang taon na hindi na ako pwedeng magluksa? She's my wife. Not just my girlfriend but my wife. And I love her with all my heart, at kung habambuhay man akong magluksa dahil sa pagkawala niya, wala kayong pakialam, palibasa hindi ninyo alam ang nararamdaman ko." inis na sabi ko. Tinitigan ko sila isa-isa... then I shook my head. No one in this room knows how it feels to lose their hearts... 

We'll except for Robi... but that was another story...

Tinalikuran ko silangh lahat. Wala akong pakialam kung na-offend ko man ang kahit kanino sa kanila. I'm to hurt to even care. 

"Trey." nakasalubong ko si Robi sa may parking lot, tulad ko naiinis rin siya kina Anton dahil sa ginagawa nilang Ian watch. 

"Wanna drink?" I asked him. Robi sighed. 

"Yeah... let's go..." 

Sa ngayon, iyon muna ang alam kong tanging paraan para saglit na makalimutan na wala na si Kai sa aking piling. Sa ngayon, pagkakasyahin ko na lamang ang sarili ko sa mga panaginip at imahinasyon na siya ang kasama ko...

_________

"Salamat talaga sa pagpapatuloy mo sa akin ha?" Ngiti lang ang isinagot sa akin ni Maria Shany Magracia. Kanina pagkatapos akong palayasin ng land lady ko, si Shany ang tinawagan ko. Matagal naman na niya kasi akong kinukumbinsi na timira sa bahay niyang malaki kasama niya, ang ampon nilang si Letlet at si Bling. 

Nahihiya lang ako sa kanya noon, at saka isa pa, malayo kasi ang bahay niya sa school na pinagta-trabahuhan ko kaya hindi ako sumasama sa kanya, pero ngaon, matapos akong palayasin ng landlady ko, wala na akong ibang matatakbuhan kung hindi siya lang. Matagal ko naman ng kakilala si Shany. Kaklase ko siya noong college at isa rin siya sa mga malalapit kong kaibigan. Kaya nga malaki ang pasasalamat ko na sinundo niya ako dahil kung hindi, malamang maglalakad ako papunta rito. 

Wala na rin kasi akong pera, kahapon, noong iniligtas ko ang babaeng walang black heads at pimples, akala ko siya lang ang nanakawan, iyon pala, ako din. Pagsakay ko ng dyip, noon ko lang nakita na may laslas na ang bag na dala ko, mabuti na lang at may singkwenta pesos ako sa bulsa kundi, hindi na ako makakauwi. 

Malas talaga ako. Kapag nagsimula na ang kamalasan ko sa buhay, nagkakanda sunod-sunod na iyon. Ngayon, wala na akong pero, homeless pa ako. mabuti na lang at nadyan si Shany kung hindi sa bangketa ako pupulutin. 

"Ano ka ba? Okay lang iyon. Ikaw na ang bahala ha? May tatlo pang kwarto sa taas, mamili ka na lang kung saan mo gustong matulog. Tapos, ilapag mo na lang iyong gamit mo saka kumain ka na.. May ulam pa sa kusina." napasinghot ako. Natawa naman siya. 

"Jen, umiiyak ka ba?" pasimpleng pinahid ko ang mga luha ko. 

"Hindi ko mapigilan eh.. salamat Shasha ha? Ang bait-bait mo... alam mo naman ang sitwasyon ko, ayokong umiwi sa probinsya ng walang dala... pangako, makahanap lang ako ng pamasahe at makaipon lang ako ng kaunti, babaik na ako sa amin." 

"Uy, may drama. Ano ito MMK?" tuluyang napalis ang mga luha ko ng marinig kong magsalita si Bling. Kanina pa yata siya nakaupo sa may sofa, nanonood ng T.V. at kumakain ng cereals. 

"Anong pinapanood mo?' tanong ni Shany. Lumipat siya kay Bling at saka naupo. "Penge bebe..." 

"T.V. Patrol. Bading pala si Boy Abunda noh?" humagalpak ng tawa si Shany at saka binatukan si Bling. Lumabas mula sa ilong niya ang gatas na nilulon niya. "Anong nakakatawa? Ngayon ko lang nalam,an na bading siya." lumapit ako sa kanilang dalawa. Niyakap ko si Bling. 

"Salamat ah... promise kapag nagkatrabaho ako, bibili ko kayo ng chocolate." 

"Pwedeng lalaki na lang sa akin?" nakangising tanong ni Shany. 

"Makakabili kaya si Jenny ng lalaking tanggap ka kahit naghihilik ka?" nang-aasar na tanong ni Bling. 

"Bakit bibili pa? Nadyan naman si Domeng?" hinatak ni Shany ang buhok ko... natawa ako. Kahit paano ay magaan na ang pakiramdam ko. 

"Musta na iyong job fair mo?" tanong ni Bling. 

"Ayon, sa tingin ko pinapaasa lang nila ako. Hindi naman talaga nila ako bibigyan ng trabaho..." bigla kong naalala ang babaeng walang black heads at pimples. Dumiretso ako ng upo. 

"O bakit?" 

"May babae akong niligtas kahapon.. sabi niya, bibigyan niya ako ng trabaho..." 

"O tapos?" sabay na tanong nila. 

"Bibigyan niya ako ng trabaho kapag alam ko na daw iyong Neon." 

"HINDI MO ALAM KUNG ANO ANG NEON????"

Nalunod ako sa lakas ng boses ng dalawang babaeng katabi ko. Bahagyang napangiwi pa ako pero agad rin akong natawa ng makita ko ang hitsura ni Bling. 

"Eww, may bangas ka sa cheeks..." maarteng sabi ko. 

"Design yan, wag kang magulo." muli ay sumubo siya ng cereal mula sa bowl. 

"Hindi mo alam ang Neon?" hindi maka-move on na tanong ni Shany. 

"Ano ba iyon? Alam ko kasi ilaw iyon." humagikgik si Bling. 

"Grabeh. Kahit si Bling na walang hilig sa ganoon, alam niya ikaw pa? Puri kaso super junior iyang nasa utak mo samatalang ang hot hot ni James. " kumunot lalo ang noo ko. Natatandaan kong may binaggit na James ang babaeng walang pimples. 

"Ahh.. si James? James Mascara?" lalaong natawa si Bling. Kulang na lang ay ibuga niya sa mukha ko ang kinakain niya. 

"Maxcardo! Jeez!"

"Teka.. ano ba kasi iyang Neon na iyan? Party List baga iyan?" 

"Hindi! Banda sila! The most wanted and the hottest pinoy band in the music industry, and they are bigger than that stupid korean boy band!" 

"Super Junior is not Stupid!" ganting sigaw ko. 

"That's not the point!" sigaw ni Shany. "The point is, mas may sense ang kanta nila kesa sa Super Junior mo na puro nuga, nuga, nuga, nuga iyong nasa kanta. Eeww!"

Banda iyong Neon? Teka, bakit hindi ko sila kilala? Napaisip ako. 

Call me if you already know what or who Neon is...

"Tapos ano pang alam mo sa kanila, Shasha?" interesanteng tanong ko. May posibilidad na magkatrabaho na ako kapag nalaman ko na ang lahat tungkol sa Neon na iyan. 

"We'll may pito na member ang Neon. Si James, lead guitars, si Zach, vocalist, si Anton, base guitar at si Robi sa drums. Tapos iyong remaining two members, substitute sila, habang si Ali, siya ang song writer nila. Ian --- the only girl is their stylist/ drummer at si Trey, drummer din siya." 

"Bakit madaming drummer? Ano ba iyang banda nila? marching band?" natawa ako sa sarili kong joke. 

"Eh bakit labing tatlo ang super junior? Wala namang ginagawa iyong iba?" binelatan ko si Shany. Tinaasan niya ako ng kilay. 

"Wait!" biglang sumigaw si Bling. Nagulat ako, sabay kaming napatingin ni Shany sa kanya. 

"Bakit?" sabay na tanong namin. Tahimik lamang si Bling. Nakatingin lamang siya sa T.V, subo niya ang kutsarang kanina pa niya hawak. Ano bang problema?

"Nauutot ako." biglang sabi niya. Hinampas ni Shany si Bling ng unan sa mukha,. ako naman napailing. 

"Kung gusto mong malaman ang neon, magsearch ka na lang sa google." nakangiting sabi ni Sha... timingin ako sa kanya... search pa ba? Napaisip ako... sapat na ba ang impormasyong alam ko? Pero teka,.. paano kung tanungin pa ako ni Ms. Rika tungkol sa kanila tapos wala akong maisagot?

Ah, bahala na.. hindi naman siguro niya ako papahirapan. Saka isa pa, kailangan ko ng trabaho. Tatawagan ko muna si Ms. Rika, tapos magse-search ako tungkol sa Neon na iyan.. tapos.. tapos... bahala na si Batman.. 

Tumayo ako at saka naglakad patungo sa silid ni Bling. Doon,. pinakialaman ko na ang laptop niya at saka tumingin-tingin ng kung anu-ano tungkol sa Neon. 

Kinuha ko na rin mula sa wallet ko ang calling card ni Ms. Rika at saka idinayal ang number niya... sana talaga tama iyong sinabi niya kahapon na qualified ako sa trabahong iyon. 

"Hello, Rika Perez, speaking.." napahinga ako ng malalim. 

" Uhm, Miss Rika.. si Jenny po ito. Jenny Salaveria..." narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Hello, Jenny. So you know Neon?" she asked. I smiled to myself. 

"Yes, Ms. Rika." kumabog ang dibdib ko. 

"Good. Then I want you in my office tomorrow morning at exactly 8 am. Okay?" Kahit hindi niya ako nakikita ay napatango ako. 

"Yes! Yes po!" ibinaba na niya ang telepono. Ako naman ay tuwang-tuwang nagtatatalon s akami ni Bling.

"Blingerz baby! Shany boy! May trabaho na ako?!!!!!" humahangos na pumasok sina Shany at Bling sa kwartong iyon. 

"May trabaho ka na?" tanong ni Shany. 

"OO!!" sumampa rin sila sa kama at nagtatalon. "Ang saya-saya naman! May trabaho na--" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil bigla akong may narinig na...

Pruuttt 

Napangiwi ako.

"Ewwww! Umutot si Jenny Salaveria... kadiri!" kung gaano kabilis na pumasok sila sa kwarto, ganoon rin kabilis na lumbas sila. Napakagat-labi ako... Masama bang umutot? 

At least umutot ako ng may trabaho na ako... 

"Keri lang, bakit ba..." 

The Last Neon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon