I really thought that I had my fair share of unexpected surprises when my brother told me last night that he was about to marry the woman he loved...
I thought that's the only thing that would shocked me. But when I arrived at the City Mayor Office. Naisip ko, hindi pa pala tapos ang surpresa.
I never thought that of all places, dito ko pa makikita ang taong alam kong kailangan kong hanapin pero hindi ko naman hinahanap. I knew that I had to do something, I have to talk to her but how could I do that if I don't even know what I should tell her?
Alam kong nasaktan ko siya.... Kasalanan ko iyon. I made her wait... tapos hindi pa naman ako ready.
I swear, I never wanted to hurt her...
But I guess that doesn't matter because I already did...
And maybe that was the reason why I'm scared of talking to her.
And maybe that's why even though I wanted to run to her, hug her and apologize, I ended up standing near the door, standing there, just staring at her...
I don't know what I should do... At isa pa... sumasakit ang ulo ko sa kakaisip kung bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito?
Bigla ay dinagsa ng tanong ang isipan ko...
Pero sa dami ng tanong na iyon, wala akong nasabi... I was just staring at her... admiring every inch of her face... I couldn't help but smile...
No doubt about it, this is a moment to cherish...
But the moment was ruined when she turned her head and looked at me...
Her eyes widened with surprise... Napapangiti na ako... Jenny looked so cute... Her lips were a bit pouty and pink... and I would give everything to be able to kiss her lips again.
"Anong ginagawa mo dito?!"
She yelled at me.
Hindi naman ako sumagot... I just love that clueless look on her face. Pinigil ko ang ngiti na gustong sumilay sa aking mga labi.
"Quiet!!"
Everybody inside that room, looked at her and yelled. Jenny turned to them...
"Sorry! Library toh?" nakakalokong sagot niya. Muli niya akong tinapunan ng tingin at saka lumipat ng pwesto. I entered the room, greeted my brother, and then the Mayor continued.
Minutes passed. The Mayor smiled and said:
"By the power given to me by the Law. I now pronounce you, Husband and Wife. You may now kiss her...."
My brother JC and I looked away just a second before Aguinaldo's lips landed on his wife's.
"Nakakadiri... Yuck..." JC whispered. I just shrugged. Pasimpleng tinapunan ko ng tingin si Jenny. Nakikipag-usap siya ngayon sa lalaking kasama nila. She was smiling at him. She even tugged his arm... unti-unting kumunot ang noo ko. Jenny pulled the guy's shirt and laughed.
What the hell?
Was she actually flirting with that guy infront of me? Naikuyom ko ang mga palad ko. Ano bang ginagawa ng babaeng ito? Ginagalit niya ba ako o nagpapansin lang siya? Pero kung nagpapansin siya dapat ako ang kinakausap niya.
I should do something. At alam na alam ko kung ano ang dapat kong gawin. I started walking towards her, and when I was just three inches away from her, I grabbed her arm and pulled her through the door. Wala akong pakialam kahit pinagtitinginan kami ng lahat ng tao na dinadaanan namin. Wala rin akong pakialam kung nagagalit siya at pilit niya akong itinutulak.
I needed to talk to her.
"Gago ka talaga! Bitiwan mo nga ako! Tang ina naman eh!" ibinalya ko siya sa gilid ng hagdan. "Aray!" nanlalaki ang mga matang tumingin siya sa akin.
"Nauntog ako nakita mo ba? Bwisit ka!" galit na binalingan ko siya.
"Ikaw, alam mo ba kung anong ginagawa mo? Kung makikpag-flirt ka! Huwag sa harapan ko!" dumadagundong ang tinig na sigaw ko. Lalong nanlalaki ang mga mata niya. Kung hindi ko nga lang alam na singkit siya, malamang matatawa na talaga ako.
"Kanino? Kay Domeng?" nagtatakang tanong niya. Humalukipkip siya pagkatapos. "Wala kang pakialam kahit makipag-date pa ako kay Domeng! At least siya hindi niya ako gagawing tanga." mariing sabi niya. I looked at her.
"Hindi kita ginawang tanga, Jenny." mariing sabi ko. Tumaas ang kilay niya.
"Weh? Utot mo bilog!" muling sigaw niya. "Kung pumunta ka dito para asarin ako, pwes umuwi ka na lang sa mundo mo, dahil ayaw na ayaw na kitang makita. You could go to hell, rip your throath or even jump on that damn building or you could even die right now, and I won't even give a damn!"
Is this how muh she hates me? I didn't mean to hurt her, to drown her into my pool of loneliness...
"Right..." I just said. "Ibig mong sabihin, If I jump out of this building, you won't shed a tear?" I dared her.
"Try me..." nagmamalaking sabi niya. I don't know why, pero parang naniniwala ako sa kanya. Parang wala na nga siyang pakialam sa akin. At ayoko iyon... I want Jenny... Gusto ko ulit na maibalik ang dati.. I want to feel her warmth again. I want to be with her...
At sumasakit ang ulo ko dahil hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang pangungulila ko sa kanya. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.
"You're wearing a yellow lacey dress, your hair - pulled back and your lips were a bit pouty and pink and you have the guts to stand here infront of me, look at me like that and just tell me that you don't give a damn about me anymore?" bulong ko...
"Excuse me, Mr. Emilio... " kumunot ang noo niya. "Packing tape! Related ka kay Agui? Magpinsan kayo?" matamang tinitigan niya ako. Her expression was very comical. "Oh hindi! Masking tape ng nanay sa bulsa! Magkapatid kayong dalawa!" nanlalaki ang mga mata niya. So all along hindi alam ng babaeng ito na kapatid ko si Agui... nakakatawa.
Bigla ay kinagat niya ang labi niya. Damn! Was she seducing me?
No. Of course not. Hindi ganoon si Jenny. But still. The mere fact that she doesn't know what shen was doing to me makes her more irresistable and prettier.
But I have to control this urge ...
The urge of just kissing her savegly...
I have to...
I have...
I hav...
I...
O dammit!
"Anong gagawin mo?" nagtatakang tanong niya. I pulled her closer. I tiltled her head and I kissed her.
Finally... after almost a month... I felt her lips again.. and it was divine. I felt like I'm losing my sanity for Jenny's lips was so intoxicating and all I could think of was how to make this moment last longer...
And the best thing about this is that...
She was kissing me BACK...
With the same PASSION and INTENSITY.
I deepened the kiss. She moaned.
And I knew that the thing that she said about not giving a damn about me... was a lie...
"Your a bad liar, Jenny." I said after kissing her. Bigla ay sinampal niya ako.
"Lapastangan kang nilalang! Huwag na huwag ka na ulit lalapit sa akin dahil kapag ginawa mo iyon, hahanap ako ng daing na bangus para isampal sa mukha mong makapal! Gunggong!"
__________
"Bubuyog ka ba? Bubulong-bulong ka diyan."
Pasimpleng hinarap ko si Tatay. Nakabihis na siya at papaalis na rin...
"Wala ho. Sabi ko, kailangan na naman nating pataasan itong bahay para hindi na tayo masyadong pinapasok ng tubig." ipinagpatuloy ko ang paglilimas. Nakakainis kasi, nag-high tide kasi kagabi kaya ayun, pinasok kami ng tubig. Sanay naman na ako sa paglilimas. Elementary pa lang ako, gawain ko na iyon, sanay na rin ako sa pagbaha sa bahay namin. Malapit kasi kami sa dagat kaya ganito...
"Huuu... sabi mo kanina, naiinis ka sa lalaking iyon kasi ang kapag ng mukha niyang magpakita sa'yo."
"Tatay! Pwede pa.. naglilimas ako. Huwag kayong maingay!" bigla na naman akong nainis. Minsan si Tatay, nananadya talaga. Mana sa kanya ang mga kapatid ko. Mapang-asar.
"O siya sige, mamamasada pa ako. Kapag dumating iyong isa ko pang anak --- si Ella. Pakainin mo, nag-uwi si nanay mo ng pichi-pichi diyan." napaismid ko. Minsan pakiramdam ko mas anak pa ni Tatay si Ellang panget kaysa sa akin.. Kasi biro mo ba naman, nung dumating ako, nagluto lang sila ng daing... saka inihaw na bangus pero noong si Ella ang dumating kinabukasan, nagluto pa sila ng kare-kare at nilaga ---- na hindi ko naman kinakain... ---- Ang katwiran ni tatay, paborito daw iyon ni Ellang panget.
"Siguro, Tay si Ellang Panget ang nawawala ninyong anak." bulong ko. Lumabas si Tatay. Nagpatuloy ako sa paglilimas. Sa awa't tulong ng Diyos, kaunti na lang ang tubig... napagtripan ko lang naman kasi talagang gawin ito...
Kanina pagkagising ko, si Diko ang naglilimas, pinalayas ko na lang siya kasi gusto ko na may gawin para hindi ko maisip ang gunggong na lalaking si Trey!
Ang kapal talaga ng mukha niya! Kiber kung magkapatid sila ni Agui! Ako naman si tanga hindi ko agad naisip iyon noong una pa lang. Hindi ko naisip na kakaunti nga lang pala ang taong may ganoon kabahong pangalan, tapos hindi ko naisip na maaaring magkamag-anak sila.
Tapos.. tapos... tapos...
"Hinalikan pa ako!" naningkit ang mga mata ko. Kapal ng mukha, akala mo gwapo..
"Gwapo naman talaga eh!" sigaw ng mahaderang parte ng isipan ko.
"Oo na, gwapo na.. pero sira ulo pa rin siya!'
Hindi ko maintindihan kung bakita kailangan niyang gawin iyon. Noong hagkan niya ko, doon ko lang napatunayan sa sarili ko na hindi nababawasan ang pagmamahal ko sa kanya, lalo lang iyon nadaragdagan.
"Eherm..." isang nakakairitang pag-ubo ang narinig ko mula sa aking likuran. Malamang si Kuya lang ito, aasarin ako. Hindi ko pinansin. Pero muli ay naulit ang epal na pag-ubo na iyon. Sa sobrang inis ko ay nilagyan ko ng kaunting tubig ang dustpan saka ko inangat iyon, sapat na para mabasa ang kung sinumang hudas na nasa likod ko.
Humarap ako.
Saglit na umawang ang labi ko nang makita ko kung sino ang nabasa ng dustpan.
"Ikaw?!" pasimpleng pinunsan ni Trey ang kanyang mukha.
"Is this your way of greeting your guests?" sarkastikong tanong niya.
"Hoy, nasa teritoryo kita. Walang Neon- neon dito kaya wag kang maarte! Saka ano bang ginagawa mo dito? Lumayas ka nga, ayaw na kitang makita!"
"Eh ako gusto kitang makita, wala kang magagawa." nakakalokong sabi niya. I looked at him. His eyes were still the same.
"Siningaling! Umalis ka na nga!"
"Hindi ako aalis dito hangga't hindi kita kasama.." mahinahong sagot niya. Napamaang ako.
"Isasama mo ako?" bigla ay nag-init ang mga mata ko. "Para ano? Para may laruan ka ulit? Para may masasaktan ka ulit? Wag kang magmaang-maangan, iyon lang naman talaga ang tingin mo sa akin diba? Laruan... Pampalipas lungkot." humikbi ako. "Kung inaakala mong papauto pa ulit ako sa'yo, pwes nagakakamali ka.. umalis ka dito!"
"Jenny.." sinubukan niya akong lapitan... lumayo ako. "Jenny please!"
"Heh!"
"Ano bang nangyayari dito?" nagulat ako ng biglang pumasok si Tatay mula sa kusina. Ang buong akala ko umalis siya.
"Akala ko ho umalis ka na?" hindi ako pinansin ni Tatay. Binalingan niya ang bwisita ko.
"Sino ka, hijo?" biglang tanong niya."At bakit ganyan ang hitsura mo?" Trey nodded and offered his hand to my father.
"Ako ho si Trey at nililigawan ko po si Jenny."
Napaawang ang labi ko.
What the helll?
"Ako po si Trey. At nililigawan ko po si Jenny."
Nagulantang ang mundo ko. Tama ba ang naririnig ko? Hindi... hindi ito maari. nananaginip lang ako. Hindi totoo na sinasabi ni Trey sa akin ngayon, sa harap ng tatay ko na nililigawan niya ako... Nananaginip lang ako... wala... wala... hindi ito totoo..
"Ikaw ba hijo, ay lasing?" biglang tanong ni Tatay... kumunot ang noo ko. Bakit ganoon ang tanong ni Tatay? Bakit parang imposible para sa kanya na maniwala na maaaring mahal nga ako ng gunggong na si Santiago Emilio III?
Sabagay... kung ako nga nahihirapan akong maniwala, si Tatay pa kaya?
"Hindi po." matuwid na sagot niya.
"Puyat ka ba?" muling tanong ni tatay.
"Hindi rin po..." sagot na naman ni Trey.
"Nahihilo? Nilalaganat o di kaya na-dengue?" muling tanong niya.
"Teka nga, Tatay. Parang nakakahalata na ako ah. Hindi ba kapani-paniwala na may nagkamaling manligaw sa akin?" naniningkit ang mga mata ko. Binalingan ako ni Tatay at saka umiling.
"Hindi naman sa ganoon, anak.. kaya lang naniniguro lang ako." muli ay tiningnan niya si Trey. "At kung ako naman sa'yo, ayos na rin ito... mukhang matino naman eh..." wika niya habang titig na titig sa mukha ni Santiago. Napailing ako. Bakit parang ipinagkakanulo ako ni Tatay? Bakit parang ipinamimigay na niya ako...
"Sige, ipamigay ninyo ako. Hindi ninyo kasi ako lab eh..." nakasimangot na sabi ko. Tinitigan ko sila pareho ni Trey at saka ko tinungo ang pinto papalabas ng bahay.
"Nililigawan niya ako?" Lelang niya... ang kapal naman ng mukha niya. Sa tingin ko, kaya niya lang sinabi iyon kasi gusto niya akong sumama sa kanya. Noon pa man... noon pa man na nagpapakatanga ako sa kanya, nilinaw na niya na hinding-hindi niyan kayang buksan ang puso niya para sa akin. Malinaw sa akin na si Angelika ang mahal niya at mamahalin niya siya habambuhay. Alam ko iyon... nakita ko ang katunayan ng pagmamahal nila para sa isa't-isa...
Kaya nga kahit mahirap.... pinipigilan ko ang sarili ko na maniwala...
Pinipigilan ko ang mga paa ko na tumakbo pabalik sa bahay upang yakapin si Trey at hagkan...
Hindi pwede...
Masasaktan lang uli ako...
Tama na ang minsan... Tama na na nagpakatanga ako sa kanya... Tama na iyon.
Suko na nga ako diba?
Kailangan kong ipaalala iyon sa sarili ko.
"Bebang!" binusinahan ako ng tricycle na pinapasada ni Kuya.Tumango ako saka lumapit sa kanya.
"Ibaba mo nga iyang daing sa bahay. Pauwi ni Nanay iyan... mamasada pa ulit ako. Geh.." ang bossy talaga ni Kuya. Kita niyang nagmo-moment ako sa daan tapos inutusan akong mag-uwi ng daing?
Pasira ng moment!
Kinuha ko ang bilao. Naglakad na lang ulit ako pauwi. Nakakainis. Sana wala na doon si Trey, ayoko siyang makita...
Bro.. sana wala na doon si Trey... ayoko pong maging mamatay tao.. marami pa ho akong pangarap...
Pero parang gusto talaga ng destiny na maging mamamatay tao ako, dahil pagliko ko papasok sa may kanto namin, nakita koi si Santiago na nakatayo sa labas ng bahay namin, tila ba hinihintay ako. Nag-init na naman ang ulo ko.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"I'm in love with you..." banat niya. Saglit akong natigilan. Napangiwi ako. Bakit niya ba kailangan sabihin iyon? Hindi naman iyon totoo. Pinapaniwala niya lang ako sa isang ilusyon. Ilusyon na kapag nagtagal ay makakasakit sa akin kasi nga hindi naman totoo iyon.
"Umuwi ka na nga..." naiinis na tanong ko.
"Hindi ka ba naniniwala sa akin."
"Hindi... kung si Tatay ko nga hindi naniniwala sa'yo, ako pa kaya? Umuwi ka na lang sa mundo mo at hayaan mo ako dito sa mundo ko..."
"Jenny.. please..." binalingan ko siya.
"Heh! Ang kapal ng mukha mong pumunta dito tapos magsisinungaling ka lang?! Siguro naniinip ka lang sa Manila. At kaya mo sinasabi iyan kasi gusto mong sumama ako sa'yo para may laruan ka ulit. Pwes nagkakamali ka! Hindi na ako magpapakatanga sa'yo. Kaya tsupi! Alis! Adios! Sayonara! Sa madaling salita -------- LUMAYAS KA MASAMANG ISPIRITU!"
"Jenny..."
Ibinaba ko ang bilaong hawak ko at saka kumuha ng isang buong daing na bangus. Dagupan ang bangus ni nanay kaya nasisiguro kong pag lumapat iyon sa mukha ng animal na ito, mamamaga ang mukha niya.
"Aalis ka ba o isasampal ko sa'yo tong bangus na ulam namin mamaya?" Hindi siya nakasagot. Nakatitig siya sa bangus na hawak ko.
"If I let you slap me with that stinky fish, maniniwala ka na ba sa akin?" napamaang ako. Bakit ba niya kasi sinasabi ito?
"Hindi pa rin..." mabilis na sagot ko.
"Okay... then I'll leave now.. but I'll comeback... kung kinakailangan na araw-araw akong bumalik dito, para maniwala ka na mahal kita, gagawin ko, because I miss you so much and my eyes were emptier than before.. I want you with me Jenny..."
Hindi na niya hinintay na makapag-react ako... tinalikuran niya ako, sinundan ko siya ng tingin..
He said that his yes were emptier than before...
What did he mean? Was he actually saying that his eyes were emptier because of me?
Pero malabong maganap iyon...
Hindi niya ako mahal...
Hinding-hindi...
Hindi talaga...
BINABASA MO ANG
The Last Neon (COMPLETED)
RomanceSantiago Emilio III a.k.a. Trey Emilio - Neon's drummer had a tormented past. He trapped himself inside a world where loneliness and pain dwells his being. But what if one day, an outsider comes into his life and tries breaking the barriers he build...