Chapter Ten

48.8K 1.1K 32
                                    

"Ang tamad mo yata magsalita ngayon?" 

Marahang inangat ko ang aking ulo at tiningnan si Sir Trey. Nakatingin siya kay Sir Zach na kasalukuyang nasa loob ng recording booth at kumakanta. Napaisip ako, sasagutin ko ba ang tanong niya? Mukha namang hindi siya seryoso kaya hindi na lang ako magsasalita. Itinuon ko na lamang ang atensyon ko kay Sir Zach. Ang ganda ng boses ng kumag. Ngayon lang kasi ako nakasaksi ng ganitong klaseng activity. Ngayon ko lang nalaman kung paano gumawa ng album -- iyong album talaga, hindi iyong album na may picture. 

"Jenny..." muling untag niya sa akin. Pinipigilan kong mapanguso. "Jenny!" he yelled. 

"Ho? Bakit ho ba? Kung magsalita kayo parang nasa kabilag building ako, ito lang ako oh!" nakka-bad trip naman eh. Ano bang akala niya? Sinusubukan ko naman, I'm trying my best to act as normal as I could when he's around, but the thing is, I just couldn't. 

Hindi kasi maalis sa isipan ko ang mga salitang sinabi niya. Masakit. Napakasakit. 

Mahal ko siya, pero kahit na sabihin na hindi naman ako nanghihintay ng kapalit, masakita pa rin kasi binasag niya ang mga ilusyon at pangarap ko. Iyon na nga lang ang meron ako, kinuha pa niya sa akin. 

"Nagugutom ho ba kayo o kaya man nauuhaw? Kung may uutos kayo sabihin ninyo lang. Sisigaw pa, hindi naman ako bingi. Nakakainis." muli ay itunuon ko ang mga mata ko kay Sir Zach na sa mga panahong iyon ay nakatingin pala sa amin ni Sir Trey. 

"Dude, you pressed the talk button..." Zach said grinning. Trey shook his head. 

"Continue na..." muli ay inilagay ni Sir Zach ang headphones sa tainga niya. Ako naman pilit kong inaaliw ang sarili ko, pero hindi ko magawa. I couldn't fool myself. As long as Trey was beside me, I couldn't concentrate. 

Alam mo ba iyong pakiramdam na hindi mo kayang hindi makita ang isang tao? Iyong kapag wala siya hindi ka mapakali, tapos kapag nandyan siya, hindi ka rin mapakali? Noon ganoon ako sa kanya... pero ngayon iba na.. 

Hindi ko kayang hindi siya nakikita, pero ngayong nandito siya, nasasaktan naman ako. 

Ang hirap.... Nasasaktan ako kapag nasa malapit siya, pero alam kong kung iiwasan ko naman siya sarili ko lang ang sasaktan ko. 

Siguro kung maririnig ito ni Shany o kaya man ni Domeng, sasabihin nila na wala akong karapatang masaktan kasi unang-una hindi naman sinabi ng kumag na ito na mahalin ko siya, pero sa tingin ko, sila ang mali, dahil hangga't may nararamdaman ka sa isang tao, may karapatan kang umiyak at masaktan.. 

Huwag mo nga lang ipapakita sa kanya kasi baka isipin niyang nababaliw ka na... 

"Dude, break muna." muling nagsalita si Sir Trey. Pagkasabi ni Sir Trey ng mga salitang iyon ay agad na lumabas ng booth si Zach...

"Aalis muna ako, sige mag-away muna kayo ha?" natatawang sabi niya. Napanguso ako. Tinanguan naman siya ni Sir Trey. Naiwan kaming dalawa sa silid na iyon. Hindi pa rin ako nagsasalita, ganoon rin naman siya. Ni hindi nga niya ako tinitingnan. 

Kinuha lang niya ang dala niyang gamit pagkatapos ay sumunod na rin siya kay Sir Zach, ang kumag, hindi man lang ako inayang lumabas!

"Grrrr.. ang kapal ng mukha mo! Feelingero!" padabog na binitbit ko ang bag ko at saka lumabas na rin, hinanap ko siya pero wala na siya roon. Malamang umuwi na iyon. 

"Ang kapal ng mukha, akala mo gwapo. Ay nako. Mas gwapo pa nga sa kanya iyong prof ko noong college kahit may goatie iyon eh." lumiko ako at tinungo ang elevator. Nakasalubong ko si Sir Anton. 

"Oh bakit nakasimangot ka?" nakangiting sagot niya.

"Mawalang galang na lang po, Sir. Pero huwag ninyo po akong pakialaman." pinilit kong ngumiti. "Nakita ninyo ho ba si Sir Trey?" 

"Akala ko nasa booth pa sila ni Zach? Kung wala na siya doon, siguro nasa conference room iyon, may meeting kasi kami ngayon..." napatango ako. Kita mo na... hindi man lang niya sinabi sa akin. Nakakainis talaga. 

"Gusto mo bang sumama? Sigurado nandoon rin si Ian..." umiling ako. 

"Maghihintay na lang ho ako dito, salamat po..." 

"O sige, see you around..." tinapik niya ang balikat ko at saka umalis na.Saan ako tatambay ngayon? Naglakad-lakad ako, hanggang sa nakarating ako sa cafetria. Nakasimangot pa rin na pumasok ako doon. 

"Kapal talaga ng mukha... nakakainis!" Huwag naman niyang sabihing galit siya sa akin? Bakit naman siya magagalit? Napabuntong hininga ako. Hanggang ngayon hindi pa rin niya ako tinatanong kung anong nangyari sa akin noong araw na lumabas ako ng ospital... ni hindi niya ako tinawagan noong gabing iyon, kahit text wala... tapos kinabukasan, sinabi lang niya sa akin ang sinabi ng doktor, pero pagkatapos noon, wala na... 

Ni hindi niya sinabing.. "Where have you been? I was worried sick...

Gusto ko sanang marinig iyon mula sa kanya, kahit ba halatang scripted lang, pero hindi. Ni hindi niya pinakita na nag-aalala siya. 

Siguro na ganoon ako kawalang halaga para sa kanya. I didn't even stirred worriness in his heart -- and that's just so fucking sad. 

Uupo na saka ako sa isang silya na malapit sa bintana nang may mapansin akong ulo... hindi ko talaga mapigilan ang makaramdam ng tuwa kapag nakikita ko iyon. 

"Mowhawk!" tinawag ko siya. Kunot noong nilingon naman niya ako. 

"Hey woman... I still don't know your name." lumapit ako sa kanya at naupo sa harap niya. 

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. 

"Wait, aren't you gonna laugh at me first?" napanguso ako, sabagay, natatawa rin naman ako sa kanya... kaya tumawa na lang ako.. 

"Ahahahahha... ahahahahaha..." tumigil ako pagkatapos noon at saka muling tumingin sa kanya. "Okay na, bakit ka nandito? Hinihintay mo si Ian?" his eyes twinkled when I mentioned Ian's name. 

"May meeting daw sila..." napangiti siya. "Pero hindi lang naman siya ang hinihintay ko, I'm also waitng for may bandmate, si Calen." 

"Huuuu, adik mo, Kokey..." napapalatak siya. 

"I told you, it's Kerky!" nalukot ang ilong niya. Napangalumbaba naman ako.

"No..no..no... tatawagin kitang Kokey o kaya man Mowhawk kung kailan ko gusto... wala rin silbi kahit itama mo ang pangalan mo kasi tatawagin kitang Kokey o kaya man Mowhawk..." tumaas ang kilay niya. 

"Whatever! Jeez, woman! You're unbearable." napapailing siya. Binelatan ko naman siya. 

"Anyways, boyfriend mo ba si Trey?" he asked me. My eyes widened. 

"Hindi ah!" naramdaman ko ang pamumula ng aking mukha.

"Hindi pero gusto mo siyang maging boyfriend?" nanunudyong tanong niya. 

"Hindi rin..." mahinang sagot ko. Tinitigan ko siya. "Alam mo ba noong nakasakay mo ako sa bus?"

"Noong umiyak ka tapos inaway mo iyong konduktor?" pabirong hinampas ko ang hita niya. "Aw!"

"Oo... may na-realize ako noon. Naisip ko na sa oras na magmahal ka, hindi mo na hawak ang emosyon mo. Magiging magulo hindi lang ang buhay mo o ang isipan mo kundi pati na rin ang kaluluwa mo." I looked at him. 

"Iyong iniiyakan ko noon, iniiyakan ko pa rin siya hanggang ngayon, mahal ko kasi siya, pero ayoko siyang maging boyfriend. Masakit pero hindi ako aasa... pero alam mo iyon? Kahit ilang beses mong sabihin sa sarili mo na hindi ka aasa, aasa ka pa rin... sabi ng kaibigan ko, huwag daw maghintay para hindi mainip.. hindi totoo iyon, ako hindi naman ako naghihitay, pero inip na inip ako...." 

"Naiinip ka kasi gusto mo na mahalin ka niya?" tanong niya. Umiling ako. 

"Hindi.. naiinip ako kasi gusto ko na siyang makitang maging malaya.. kahit iyon man lang masaksihan ko habang kasama ko pa siya..." The mowhawk did not speak... he was just looking at me with amusement on his eyes. 

"You are one deep woman..." he grinned. 

"I know right?" nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko... "Huy..." natatawang sabi ko. 

"Sorry... can't help it... what your name again?"

"Jenny..." natawa siya. 

"Jenny? As in First you say you won't then you say you will, you keep me hanging on but were not moving on? We're standing still, Jenny? You got me on my knees, Jenny? That Jenny?" napahagikgik ako. Bakit ganoon? Kanina badtrip ako pero ngayon parang natunaw na ang badtrip ko? 

"Oo... iyong Jenny na iyon..." natatawang tinampal ko ang hita niya.. I am starting to like the mowhawk... Really... 

"Thank you, Mowhawk..." I said smiling. He winked at me... Umarte ako na parang hindi makahinga.. pero,parang natuluyan akong hindi makahinga nang marinig ko ang boses ni Sir Trey. 

"JENNY!" 

Nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig na iyon. I saw them, Sir James, Sir Robi and Sir Trey, nakatayo sila sa cafeteria. 

Madilim ang mukha ni Trey.. kinabahan ako.. Wait? Bakit naman ako kakabahan? Am I in trouble?

_________

"I cannot believe this..." I muttered. "You won't talk to me the whole day then I'll see you flirting with that guy?!!!" Binitawan ko ang kamay ni Jenny. We were at the parking lot and I was so mad and I don't even know why! Ang alam ko lang ayokong nakikitang nakikipag-usap si Jenny sa lalaking iyon. I hate the Mowhawk! Pakiramdam ko, kapag kasama siya ni Jenny, may mangyayaring masama. 

"I'm not flirting with him! Nag-uusap lang kami!" ganting sigaw niya. Nanlaki ang mga mata ko. Was she actually taking that Mowhwak's side? Bakit? Gusto na niya iyon?

"Kung nag-uusap lang kayo, bakit kailangan niya pang hawakan ang kamay mo?" 

Buong araw kong pinapasakit ang ulo ko sa kakaisip kung bakit hindi na siya ganoon kadaldal tulad noon. Ever since she left the hospital, alone... nagbago na si Jenny. Hindi na niya ako masyadong kinakausap. Naging malamig na rin ang pakikitungo niya sa akin. Noong una, naisip ko na baka naiinis lang siya sa akin dahil pinagpilitan ko siyang ikulong sa ospital na iyon eh walan naman siyang sakit. Akala ko babalik rin ang dati, pero hindi.. I waited for weeks, walang nangyari, mas lumamig pa nga ang pakikitungo niya. 

Nag-alala na ako, hindi naman siya ganoon sa iba. She treats everybody the same, except for me. Naisip ko nga baka nadevelop si Jenny kay Robi, dahil si Robi na ang madalas niyang makausap ngayon. Mas kinakausap niya pa nga si Robi kaysa sa akin... 

I couldn't help but be pissed. Kahit alam kong mahal ni Robi si Ian, hindi ko pa rin mapigilan na mainis sa kanya kasi baka mamaya gumagawa siya ng isang bagay na ikahuhulog ni Jenny sa kanya. 

"Wala namang masama kung hinawakan man ni Kokey ang kamay ko! Bakit kayo ganyan? Huwag mong sabihing nagseselos ka?" napaawang ang mga labi ko. What the hell?

"I'm not jealous. Nag-aalala lang ako kasi iyong mga lalaking ganoon, hindi mapagkakatiwalaan." mariing sabi ko. Binalingan ko si James at si Irish na kasalukuyang nakamasid sa aming dalawa. 

"Tapos na?" nakakalokong tanong niya. I just ignored what she said. 

"Hey, Irish, do you mind if I borrow James' car for a while?" I asked her.. 

"Okay lang naman.. magtataxi tayo?" she looked at him. Inihagis ko kay James ang susi ng bike ko. 

"Nope... use my bike." James gave me his keys. I held Jenny's arm and dragged her to James' car. 

"Get in!" I hissed. Tinabig niya ang kamay ko. 

"Heh! Magba-bus ako pauwi. Diyan ka na." nilagpasan nya ako. Lalo akong nabwisit. Muli kong hinawakan ang braso niya at sapilitan siyang ipinasok sa sasakyan ni Jaime. 

"Ano ba?!!" she looked at me. 

"I'm the boss, Jenny. Kapag sinabi kong sakay, sakay!" umikot ako at sumakay na rin. Pinasibad ko ang kotse ni James. 

"Ihinto mo!" sigaw niya. Lumiko ako. 

"Ayoko." mariing sagot ko. 

"Ihinto mo o tatalon ako!" binalingan ko siya. 

"Fine, then jump." I dared her... natahimik siya... for the first time since I've met her, ngayon ko lang nakitang natahimik siya. She looked away. 

Ang sumunod na mga minuto ay puno ng katahimikan. Ni hindi niya ako tinitingnan. I stopped the car when we reached the driveway of my house. Bumaba siya. Sumunod ako. She walk towards the gate. Napapalatak ako. I ran after her pagkatapos ay hinatak kong muli siya papasok ng bahay. 

"Let go!" she said. 

"I won't! We're going to talk, Jenny. Whether you like it or not, mag-uusap tayo!" Ibinalya ko ang pinto, pagkatapos ay ini-lock ko iyon. I stood infront of her. 

"What the hell is your problem?" I asked her. Nakipagsukatan siya ng tingin. 

"Wala akong problema, ngayon pwede na ba akong umuwi?" 

"Hindi. Anong problema mo?" 

"Wala..." she said in a cold voice.

"You know what, I hate you for making me look stupid. May problema ka. Alam ko dahil kung wala eh di sana ikaw pa rin si Jenny. Pero hindi eh. Hindi na ikaw iyong Jenny na nagpangiti sa akin. So I just want to know, what the hell, Jenny! You won't talk to me, you won't look at me, tapos makikita kita na nakikipagtawanan kay Robi tapos nakikipaghawakan ka ng kamay sa Kerky na iyon?! Your unfair!"

"Unfair?!" she blurted. "Ako pa ngayon ang unfair? Mahal kita! Tapos ako iyong unfair?!" natigilan ako. Did she just say... 

"Gago ka! Ikaw ang unfair! Okay lang naman kung hindi mo ako kayang mahalin, Sir Trey eh. Pero iyong ipangalandakan mo sa buong mundo, sa harap ng kaibigan mo at sabihin mo na I will never love, Jenny that way na para bang diring-diri ka sa akin, nakakasakit ka na!" napasinghap siya. Her tears started falling. 

"Maybe your going to tell me that you never asked me to love you.. oo, tama naman iyon. You never did. But my heart wants too, and there's nothing I can do about it. Mula't sapul alam ko na ang sitwasyon ko, kaya wala kang pwedeng isumbat sa akin. Alam ko naman na hindi ko kayang tapatan ang asawa mo. At kahit kailan hindi ko inisip na kaya ko siyang tapatan pero, masakit.... Ilusyon na lang ang meron ako, pero noong sabihin mo iyon... pati iyon kinuha mo sa akin." humagugol siya... I knew that I should do something or say anything but I couldn't think of anything. 

Right now I'm busy absorbing the facts that Jenny said... She said she love me... despite of my loneliness and my pain, she embraced me and let herself fall.... 

Should I be happy?

"Ang tanga-tanga ko. Dapat hindi ko na lang sinabi...." humihibing wika niya... she wiped her tears with her shirt... Then she looked at me. 

"Kalimutan ninyo na lang ho iyong sinabi ko, Sir Trey. Uuwi na ho ako... siguro pagkatapos nito ayaw ninyo na rin akong makita. Okay lang ho, ako na lang ang magpapaalam kay Ms, Rika bukas. Sige ho. Salamat." 

Tinalikuran niya ako. Binuksan niya ang pinto at saka umalis. She left.. and I watched her as she let herself out... 

I don't know what to do... should I ran after her? 

Do I want to chase her? Think Santiago. 

If I chase Jenny, things will change. Things will never be the same again... If I ran after her, I might be.... 

But if I don't... my life will be the same, nothing will change everything wil remain as it is... 

But if I just stay here... I might lose her... 

And I don't want that to happen...

"Jenny!" I started running. "Jenny!" nagpalinga-linga ako. Nakita ko siyang naglalakad palayo sa bahay ko. I ran towards her. "Jenny! Jenny, please stop!" Hindi siya humihinto. I can hear her soft whimps... umiiyak pa rin siya, I wanted to kicj myself.

I held out my hand to reach for her arm, and when I did, I embraced her from behind.

"Sir naman... uuwi na ho ako, Nagmumukha na ho akong tanga...." humihikbing sabi niya. I rested my chin on her shoulder. 

"Stay.. please.... I don't want to lose you..." my voice was shaking, napaiyak naman lalo siya... 

"Sir.... uuwi na ho talaga ako..." 

"Shh... no... please, Jenny. I'm begging you, don't leave me." I let her go, tapos ay hinarap ko siya sa akin, I cupped her face and wiped her tears. 

"I need you.. I don't know why or how, but I don't want you to leave me.. I'm in pain, still hurting, but whenever you're around the pain stops, the bleeding stops, so please... don't leave me..." 

Jenny looked at me, she was still crying... tila pinag-iisipan niya pa ang mga salitang lumabas sa bibig ko. 

"If I stay, you won't be in pain?"

"Yes...." that was when she nodded. I smiled... I felt relived. "Thank you... thank you so much..." I kissed her forehead then I hugged her tight. 

Hindi ko siya sasaktan... I don't know how I will do that but as long as were together I won't hurt her, I will try my best not to hurt her because I had a feeling, that if anyone can make me believe in HAPPINESS again, Jenny could make me..

The Last Neon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon