Chapter Twelve

48K 1.1K 95
                                    

Mali ba na umalis ako? Mali ba na basta na hindi ko man lang hinintay na magising siya? But if I do that... if I stayed and waited for him to wake up... it might hurt me... 

"Miss, bayad?" nag-angat ako ng tingin at saka inilagay sa palad ng konduktor ang pamasahe ko, pagkatapos noon ay muli akong tumingin sa labas... Ayokong isipin si Trey, pero siya lang ang tumatakbo sa utak ko ngayon... ano na kayang ginagawa niya, gising na kaya siya? Iniisip niya kaya ako? Hinanap niya kaya ako? O baka naman mas natuwa siya dahil wala ako nang magising siya? 

Maybe it was the right thing to do. Maybe leaving him alone is the the best descision I've ever done... 

"Nagmo-moment na naman..." tumaas ang kilay ko nang marinig ko ang bulong ni Kuyang Konduktor. Hinarap ko siya. 

"Ano bang pakialam mo kung mag-moment ako? Naiinggit ka lang eh!" napaingos pa ako. Bakit ba pati konduktor ng bus nakikialam sa akin. Masyado siyang feeling close... kainis!

"Ano ba kasing ginawa ko?" kanina ko pa tinatanong iyon sa sarili ko. Mula noong nalaman ko na mahal ko siya, ni minsan hindi naman sumagi sa isipan ko na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Ang gusto ko lang noon ay tulungan siyang hanapin ang happiness na maaaring makapagbalik sa dating siya, I never planned on telling him. But last night... It just slipped. 

I told him I loved him kahit na alam ko na kapag sinabi ko iyon, magbabago ang lahat. Masydong matigas ang ulo ko, at kahit na alam kong mali ginawa ko pa rin. Ang hirap naman kasi ng sitwasyon ko, ang hirap palang magmahal ng isang tao sa tahimik na paraan. Tuwing nakikita ko siya, all I wanted to do was to tell the whole world how much he means to me. Pero hindi ko naman magawa... 

Siguro kaya ko nasabi sa kanya iyon ay dahil na rin doon. 

I hate myself for telling him the truth...

And maybe he hates me for it too... 

Siguro ngayon sising-sisi siya dahil hinabol niya pa ako kagabi. Kung hindi naman niya ginawa iyon, malamang umuwi ako, malamang nag-iiyak ako kay Shasha. Malamang pagtatawanan ako ni Bling. Malamang ngayon wala na ako sa buhay nihya.. 

But he said he didn't want me to leave him. 

Does that matter? 

Marahil kaya niya lang nasabi iyon kasi nagi-guilty siya dahil sinabi kong mahal ko siya habang siya, walang nararamdaman para sa akin... 

Marahil naaawa siya sa akin... 

Pero ayoko namang isipin na kaya niya lang ako hinabol kasi naaawa nga siya.. gusto ko pang lokohin ang sarilin ko, gusto kong maniwala na totoo ang sinabi niya at marahil ayaw niya akong umalis...

I regret telling him that I love him... 

Pero hindi ako nagsisisi na ibinigay ko sa kanya ang sarili ko. Gusto kong isipin na kaya nangyari iyon ay dahil mahal ko siya at gusto niya... hindi dahil naaawa siya sa akin. 

Kasi kung naaawa siya sa akin, magiging pathetic ako. Ayokong maging pathetic.

"Kuya, paraness na!" sumigaw ako. Muntik na akong lumagpas ng Revert Records... dali-dali kong inayos ang sarili ko, bago ako tumayo may napansin akong mga salitang nakasulat sa likod ng upuan sa may seat number seven... 

Super Ian & Robin Hood

Ang galing naman... may stick figures pa sa itaas ng mga pangalan nila. Maybe they were lovers, maybe they wrote their names in this bus so that they could be reminded of how much they love each other. 

I felt envoius.

"Huy, Miss, bababa ka pa o makikipagtitigan ka sa upuan na iyan!" tanong ng kundoktor. Inirapan ko siya at saka naglakad na ako papunta sa pinto ng bus. Bago ako bumababa ay binalingan ko ang kundoktor... 

"Manong kung naiingit ka dahil nag-moment ako, try mo ring magmahal ng taong hindi kayang i-reciprocate ang nararamdaman mo, tapos umupo ka doon sa likod at mag-moment! At kapag nakita kitang ganoon, aawayin din kita! Bwisit!" 

Hindi kumibo si Manong, hinayaan niya akong makababa ng bus. Siguro hindi na ulit dadaan iyong bus na iyon dito, siguro iiwasan na niya iyong ruta sa kalyeng ito.

"Good Morning, Jenny.." binati ako ng Mamang Guard. Ngumiti lang ako at saka tinungo ang pinto, papasok na ako noon nang may mapansin akong mamang nagtitinda ng kwek-kwek... kumalam ang sikmura ko nang maamoy ko ang tindan niya.. 

Nakalimutan ko, hindi pa nga pala ako kumakain...
"Kuya Guard, gusto mo noon?" inginuso ko ang kwek kwek. Umiling siya. "Mayaman, di kumakain ng pagkaing pangdukha..." lumapit ako sa tindero.. gutom na talaga ako... 

"Kwek-kwek miss?" tanong niya sa akin. Gutom na talaga ako.. 

"Sige kuya, tapos may tokwa ka?" kumuha ako ng stick a plastic cups.."Kakain na ako.. grabeness!" na-eexcite na sigaw ko. 

"Grabe ka naman.. parang di ka pa kumakain ah..." kumunot ang noo ko nang may narinig akong nakikialam. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Mowhawk na nakaupo sa gilid ng bike ni Kuyang Nagtitinda ng kwek-kwek. Nalukot ang ilong ko. "Good morning Hakune..." 

"Anong good sa morning kung iyang masagwa mong mukha ang nakikita ko? At anong hakune? Sampalin kaya kita ng kumukulong mantika?" tumayo siya, may hawak rin siyang plastic cup. 

"Ang sungit mo, lilibre sana kita eh..." bigla akong ngumiti. 

"Joke lang, ikaw naman hindi ka na mabiro..." lumapit ako sa kanya. "Uy, amoy five hundred ka, sumweldo na siguro kayo noh, Mowhawk?" itinaas baba ko pa ang mga kilay ko... 

"Secret.. gusto mo ba?" tanong pa niya. Tumango ako. 

"Kukuha na ako, ikaw magbayad ha. Ang bait mo naman, Kokey.." kinurot ko ang ilong niya. 

"Aray! Lilibre ka na nananakit ka pa..." tumusok ako ng kwek-kwek.. "Nasaan iyong boyfriend mo?" kumunot ang noo ko. 

"Sinong boyfriend? Wala akong boyfriend... Kuya palagay naman ng sauce, suka po..." 

"Anong tawag mo kay Trey?" muling tanong niya. Nalungkot na naman ako. Bakit ba kasi kailangan pa niyang ipaalala sa akin ang isang bagay na pilit kong iwinawaglit sa aking isipan?

Okay na eh... hindi ko na siya naiisip. Hindi ko na naiisip na pwedeng ngayon ay gising na siya tapos nagsisisi siya dahil hinayaan niyang may nangyari sa pagitan naming dalawa. 

Maybe now he was feeling guilty because he felt like he cheated on his wife. It maybe weird but that could be the truth. Minsan nasabi sa akin ni Trey na nangako siya na habambuhay niyang mamahalin si Ms. Angelika... 

Habambuhay... 

Anong panaman ko roon? Sino ba naman ako. 

I'm just a random stranger his friend/manager hired para maging assistant niya. And falling in love with him was not included in my job description, but damn it! I ended up falling.

Habambuhay.

Iyon ang binitiwan niyang pangako.

Samantalang ako, wala akong pwedeng panghawakan. Kahit na may nangyari na hindi ko naman pwede hawakan iyon. Hindi naman niya hiningi sa akin iyon. Kusa kong binigay. 

"Sir Trey..." mahinang sagot ko. Natawa si Kokey. 

"Sir Trey daw.. may gusto ka doon eh..." naningkit ang mga mata ko. 

"Nakakita ka na ba ng kamukha mo na sinampal ng kwek-kwek ng kamukha ko?" nanggigil na tanong ko. Tsismoso ang lalaking ito ah. Mas matindi pa siyang matanong kaysa kay Shany. Lalo siyang natawal. Hinawakan niya ang balikat ko..

"Easy, Jenny... nagbibiro lang ako..." inambaan ko siya ng sapak. Hinawakan naman niya ang braso ko, pilit siyang nakikitusok sa kwek-kwek ko.

"Wag... madamot ako! Wag kasi. Tutusukin ko iyang mata mo!" 

"JENNY"

Tumigil ang pag-inog ng mundo ko nang marinig ko ang boses ni Trey.... pumikit ako ng mariin. Heto na niyon.. dumating na iyong oras na sana ay gusto ko pang iwasan. Lumingon ako... 

Madilim ang kanyang muka at nagtatangis ang kanyang mga bagang.. He looked angry.. mukhang bad trip siya. Siguro nakalimutan niyang mag-tooth brush. 

"Oh-oh.. someone's in trouble..." bulong sa akin ni Kokey. Lumayo siya ng bahagya. Inilang hakbang naman ako ni Trey at saka hinablot ang braso ko. 

"Teka, iyong kwek-kwek ko...." nagugulumihanang wika ko. Tiningnan ko si Mowhak, nakangiti siya at kumakaway.. Napangiwi ako. Leche kang Kokey ka, may araw ka din sa akin!

"Huy, teka, saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Trey. Hindi siya nagsasalita. Naglalakad lang kami at kahit na noong batiin siya ng guard, hindi siya kumibo.


"Sir, Trey..." untag ko sa kanya. Tinungo niya ang elevator, pabalyang pinapasok niya ako doon. Hindi pa rin siya kimikibo. Kinabahan ako, anong problema niya?

He pushed the red button. Dahilan para tumigil ang pag-akyat ng elevator. 

"You know how I felt when I woke up and you weren't there?" he asked me in a very harsh tone. Napalunok ako. 

"S-sir..." 

"I was worried sick! Bakit ba ugali mo iyan?" gigil na gigil siya. "Ginawa mo na iyan noong naospital ka, ginawa mo na naman ngayon. Alalang-alala ako sa'yo tapos madadatnan kita dito kasama ng lalaking iyon?! What the hell is your problem, Jenny?!" 

Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako. I was kinda hoping that this tears won't flow, but damn it.. 

"Fuck! Stop doing that! I'm not making you cry!" medyo bumababa ang tinig niya. Napailing ako...

"Diba sabi mo wag kong sasabihin na okay lang..." I looked at him. "Hindi ako okay, Sir Trey.... Nasasaktan ho ako..." nagyuko ako ng ulo... 

"Jenny..." 

"Pero wala na rin naman akong magagawa. I couldn't control the pain, much more I couldn't take back what I said last night, and I couldn't undo what I did... I'm sorry..." napahagulgol ako. Ang sakit... Alam kong kailangan ko nang wakasan ang kahibangan ko, pero bakit ganito, my head was telling me to stop but my heart was just too stubborn to listen?

My mind and my heart were fighting. At sa ngayon, puso ko ang nangingibabaw... 

Kahit ang sakit-sakit na, titiisin ko basta huwag lang malayo kay Trey... 

Ganoon ko na ba siya kamahal?

Sa napaka-ikling panahon, nalunod ang puso ko sa kanya?

"I knew I should've ran away, dapat hindi ko tumigil noong hinabol mo ako.... dapat hindi ako nagpauto sa nararamdaman ko. Ngayon, nasasaktan kita... sorry..."

"Why are you saying that?" tumitig ako sa kanyang mga mata. I could still see loneliness... but what I wanted to see was regret... and I couldn't find that... 

"Hindi ka galit?" humihikbing tanong ko. Trey shook his head. 

"I was just pissed cause I saw you talking to that guy and you didn't even had the decency to stay and wait for me to wake up..." lalo akong napaiyak.. "Jenny..." he sighed. "I'm sorry if I'm hurting you..." he embraced me.. 

Nasasaktan ako.. ang hirap, ang hapdi, pero ang nakakatuwa, unti-unti iyong nawawala... it seems like his warmth was the perfect remedy for my aching heart...

"I'll try my best to not hurt you... I'll try my best.." he keep whispering.. A sad smile formed on my face.. last night after the intense love making, he embraced me tightly and said thank you... now I'm crying and I wanted to hea those three words, and yet he said "I'll try my best not to hurt you.."

Minsan nasabi ng kaibigan ko na huwag daw maghintay para hindi mainip... hindi pala totoo iyon... dahil kahit gaano ka-unselfish ang nararamdaman mong pagmamahal para sa taong iyon.. you would want him to say the words "I LOVE YOU..

Because apparently, those words are the key to a land where happiness is un-ending and love doesn't just fade away... 

How I wish he could've said those words... 

But I knew he couldn't... 

So I'll just settle for "I'll try my best." Cause maybe he would. And someday, I might be able to enter that land with him. 

______________ Neon's concert... huminga ako ng malalim.. nararamdaman ko na ngayon ang totoo kong trabaho.. malayo pa naman ang concert na iyon pero ramdam na ramdam ko na ang pressure... lagi na lang silang busy, lagi na lang stressed si Ms. Rika, lagi na lang siyang nakasigaw. Minsan naiisip ko na kapag sumisigaw siya, doon niya lang nailalabas ang lahat ng stress niya sa katawan. 

Araw-araw may rehearsals ang neon, araw-araw nasa Studio 10 kami, at araw-araw ko ring kasama si Trey... at halos gabi-gabi, late na kami kung umuwi

Masaya naman ako... kahit minsan parang hindi ako makapaniwala na nangyayari ang lahat ng ito... minsan pakiramdam ko, na-trap ako sa isang masayang panaginip... iyong tipong ayoko nang magising, pero tuwing yayakapin niya ako at hahawakan niya ang kamay ko, ramdam na ramdam ko, totoo talaga ito... 

"Okay ka lang?" tanong niya sa akin, he took my hand... Napangiti ako. Sa tuwing gagawin niya iyon, hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kilig. Alam ko he was trying his best to fulfill his promise, sabi niya noon, susubukan niya akong wag saktan... ginagawa naman niya iyon.. nakikita ko.. 

"Oo..." binelatan ko siya. 

"Eh bakit ngumingiti ka mag-isa?" pabirong kinurot ko ang tagiliran niya. 

"Adik kasi ako...." huminga siya ng malalim. 

"Thank you, Jenny.. for putting up with me..." mahinang bulong niya. I just smiled. Lagi na lang niyang sinasabi iyon. Siguro hanggang ngayon hindi niya naiintindihan na hindi niya kailangan na mag-thank you sa akin. 

Kung anuman kasi itong ginagawa ko, ginagawa ko dahil gusto ko, kasi mahal ko siya, at sarili ko rin ang pinapasaya ko. Kahit kailan hindi ko naisip na darating sa akin ang pagkakataong ito.. 

Ang saya-saya ko, kahit minsan natutulala na lang ako dahil iniisip ko ba kung hanggang kailan ang pagkakataong ito para sa akin... 

"Ang O.A. mo, uuwi na ako." tumayo ako pero muli niya akong hinatak paupo... 

"Stay with me tonight..." he said smiling. I stared at him. I didn't know what to say... Nagsimula nang gumana ang brain cells ko.. if I'll stay with him, anong mangyayari? 

"Ayoko..." mahinang sabi ko... 

"Bakit?" biglang tanong niya.. 

"Kasi baka ma-rape ulit kita..." humalakhak si Trey,.... napangiti ako.. 

"Then control yourself..." he put his head on my neck.. napakislot ako.. 

"Inaakit mo ako, paano ako magbe-behave..." sagot ko sa kanya... naramdaman ko ang pag-alog ng balikat niya. He pulled away and looked at me. 

"Do you know why I like you, Jenny?" my heart did the somersault.. kahit kailan hindin niya pa sinabi sa akin na he likes me...

"Kasi singkit ako at naiingit ka sa mata ko?" he kissed my forehead. 

"No, silly..." he sighed. Inalis niya ang buhok nan tumatabing sa mukha ko. "It's because whenever I'm with you, I don't feel so alone..." My heart blossomed with so much joy. I never thought that I'll hear him say that. "Oh, iiyak ka na naman?" he cupped my face. "You brought color back to my life, Jenny..." he gave me a light kiss on my lips... "Huwag kang umiyak.." 

"Ang O.A. mo kasi..." nanginginig ang aking tinig.. "Alam mo, hindi mo naman kailangan sabihin sa akin ang mga bagay na iyan... kung anuman iyong ginagawa ko at ibinibigay ko sa'yo ginagawa at binibigay ko iyon kasi mahal kita.. hindi mo kailangan, magpasalamat, hindi mo kailangan suklian..." Trey embraced me... 

"I just..." he sighed.. "Will you wait for me?" napaluha na naman ako. Hindi naman na niya kailangan sabihin iyon eh... kahit hindi niya sabihin iyon, iyon naman talaga ang gagawin ko... 

Kahir hindi ko inaamin sa sarili ko, hinihintay ko siya... mula noong gabing sinabi ko sa kanya na mahal ko siya, naghintay na ako... kahit walang kasiguraduhan... hinhintay ko siya,....

"Will it be chessy if I say, no matter how long it takes?" I looked at him... Trey shook his head... I saw a glimpse of happiness in his eyes... that touched my heart... Did I made him happy with my answer? I'm really waiting for him... kahit hindi niya sinabi iyon ngayon, naghihintay na ako... 

At ngayong sinabi niya... He made me so happy... Now, I can hold on to something.. 

We stayed that way for a while, hanggang sa kalaunan, inaya na niya akong mahiga sa matress... he hugged me tighly.. like he was scared that if he falls asleep, I'll be gone.. 

"You better be here when I wake up tomorrow.." he kissed my cheek... 

"Yes boss.." natatawang sagot ko. I closed my eyes, but I couldn't sleep. Masyado akong masaya para matulog, that's I ended up watching him asleep... 

"I love you...." I whispered. Maybe he did't hear me. But I don't care. I just wanted to say that. Kung bibigyan ako ng pagkakataon, gusto kong sabihin iyon sa kanya, araw-araw hanggang sa dumating na ang panahon na sasabihin niya sa aking "I love you too, Jenny..

"I love you..." marahil narinig niya ako, cause he smiled the pulled me closer. I savored this moment. Nag-mo-moment na naman ako and it was a good momentum, but then, he spoke... 

"I love you, Angelika..." 

My heart was shattered.... 

The Last Neon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon