"Hindi ka ba inaantok?" tanong ni Jenny. I glared at my watch, four-thirty in the morning, and she was asking me kung inaantok ba ako.
"I don't want to sleep..." I rested my head over her shoulders, I filled my lungs with her sweet powdery like smell. I looked at her. She looks tired and sleepy, alam kong kailangan ko na siyang iuwi, pero gusto ko pang maging makasarili sa ngayon. I want her here with me. I need her here. Sa tuwing kasama ko siya, nababawasan ang kalungkutan ko, kahit paano ay naiibsan ang kakulangan sa puso ko.
"Sir..." tinawag niya ako. "Salamat ho ah..." mahinang wika niya. Nag-angat ako ng ulo at saka tumitig sa kanya.
"I should be the one saying thank you." umiling siya.
"Hindi rin... Kasi Sir, feeling ko iyong nangyari kagabi... iyong pag-iyak ninyo, malaking bagay ho iyon. Gusto ko lang magpasalamat kasi sa dami ng friends, ninyo, sa akin ninyo pa naisipang magwala."
Magwala? I smiled at her term. I poured my heart out, and she called that pagwawala?
"Pero, Sir, ayoko naman hong sirain ang moment ninyo ano? Pero kasi nagugutom na ako..." pagkasabi niya noon ay saka siya yumuko. I can see her cheeks turning red. Nahihiya ba siya? Sa tagal ng pagsasama namin, ngayon ko lang naisip na capable rin pala siyang mahiya.
Jenny is one of a kind, iyon ang madalas kong description sa kanya. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng hindi natatakot o na-iintimidate sa isang tulad ko. --- o sa buong Neon. Rika even told me that when she met her, she didn't know that Neon exists... maybe that's why Rika likes her so much.
And maybe that's why I like her so much...
Siya lang yata ang nakakagawa ng mga bagay na ginagawa niya sa akin. All my life, wala pang taong tumawag sa akin ng "emo", "adik" or "ungas." My mother never yelled at me, pero si Jenny, nagagawa niya iyon. She treats me just like she treats everybody else. Hindi siya tulad nila Rika o nila James na kung tratuhin ako, para bang mababasag ako ako anumang oras.
Jenny treats me like an ordinary dude, and yet she makes me feel special everytime...
"Where do you wanna eat? May nakita akong starbucks doon sa ibaba kagabi. Doon na lag tayo." she stood up.
"Ungas. Starbucks pa kayo diyan! Alam ninyo ba? Ang presyo ng kape doon, pwedeng panggastos ng isang pamilya sa maghapon! Starbucks! Kumain tayo ng goto doon sa may gotohan sa may kanto." she snapped. I raised my brow.
"But I don't eat that kind of food." I said in a low voice. Sumunod ako sa kanya.
"Ang chuchal ninyo naman, Sir..." she shook her head. "you know what lugaw is? Or Arrozcaldo?" tumango ako. "Kumakain ka noon?" I nodded again. "Ganoon lang iyon, ang pagkakaiba lang nila, iyong goto ang halo twalya o kaya man itlog. Ang arte ah..." kinuha niya ang helmet ko at saka ibinato iyon sa akin. I started the engine. Pinapanood ko siya habang umaangakas siya sa likod. Napapailing ako, wala siyang poise... that makes her unique, hindi siya maarte...
"Saan ba iyon?" tanong ko pa...
"Sige na, paandarin ninyo na itong motor mo. Sasabihin ko na lang iyong direksyon." I did what she said and ten minutes later, natunton na namin ang Goto place na sinasabi niya.
"Manang tatlong special nga ho, tapos apat na tocilog..."
"Malinis ba dito?" nag-aalalang tanong ko. Jenny made a face.
"Grabe, siyempre naman, aayain ba kita dito kung hindi? Siguro, Sir, ang yaman-yaman ninyo, hindi kayo kumakain ng pagkaing mahirap?"
I couldn't help but smile. Pagkaing mahirap... what the hell?
"Uy, napapadalas ang pagngiti ng birthday boy..." nakatawang sabi niya.
"Is that a subtle way of greeting me a happy birthday?" I asked her playfully. Ngumiti siya... lalo akong natawa. Sa tuwing ngumingiti si Jenny, lalong sumisingkit ang mga mata niya... she looked so cute...
"Heto na ho..." dumating na ang order namin. Three bowls of special goto, and four plates of tocilog.
"Iyan ang sa'yo.." ibinigay niya sa akin ang isang mangkok pati na rin ang isang plato ng tocilog... I looked at her...
"Huwag mong sabihing sa'yo lahat iyan?" if she says yes, i would be so amazed.
"Gutom nga ako diba? Gutom.. saka sabi mo di ka kumakain niyan?" sinimulan na niyang kainin ang tocilog... "Manyang... may tokwa't baboy ka?" it was an amusing sight, Jenny talking while chewing, I should be disgusted, pero hindi, I find it CUTE...
"Shige na... dig in..." muling bumalik ang babaeng nagdala ng order ni Jenny kanina. "Chenks ate... penge ng sili saka tubig ah..."
I was staring at her.. natutuwa ako sa paraan ng pagkain niya. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng kung kamain akala mo hindi pa nakakatikim ng kanin kahit kailan.
"Ang takaw mo..." humigop siya ng goto. She sstuck out her tounge.. then she spilled goto on her shirt.
"Ay ano ba yan!" ang buong akala ko, papahirin niya iyon ng tissue, but then kinuwit niya iyon ng hintuturo niya at saka sinubo ulit. My mouth fell open.
"Oh!" itinapat niya sa akin ang kutsarang hawak niya. "Huwag ka na... salaula talaga akong kumain... saka sayang kasi, madami pa namang batang gutom ngayon.. Kumain ka na nga..." napapailing na sumubo ako... and she was right, this Goto is delicious.
While I was eating, I was watching her... para siyang bata kung kumain... pero nakakahawa naman... hanggang sa maya-maya ay mukhang busog na siya..
"Arghhh..." napadighay na siya... napangiti naman ulit ako. "Bunsol na bunsol na ako..." sabi pa niya... "Masarap ba Sir?" tanong niya sa akin.
"Oo, masarap..." sagot ko. Napapalakpak pa siya..
"Talaga? O sige, dahil nasarapan ka, ikaw na magbayad ha?" napailing na lang muli ako... tinawag ko na ang babaeng naroon sa Goto palace na iyon... nagbayad ako pagkatapos ay sumunod ako kay Jenny sa labas. Natagpuan ko siyang tumatalon.
"Hindi kaya sumakit iyang tiyan mo? Kakakain mo lang..." untag ko sa kanya...
"Ay, hindi, siya nga pala, Sir, may bibigay ho ako sa inyo.." may dinukot siya sa bag niya... she took oput a long blue folder and a tiny box.
"Happy Birthday ho..."
"You got me something..." hindi makapaniwalang pahayag ko... I was lookng at the blue folder... iniisip ko kung kukunin ko pa iyon.
"Oho, pasensiya na sa nakayanan ko, Sir ah... hindi ko naman ho kayo kayang ibili ng bagay na sa tingin ko ay kailangan niya..." kinuha ko ang folder sa kanya at binuksan iyon. I was touched when I saw what was inside.
"You drew me..." I said as I was looking at her drawing...
"Oo, sana nga naging kamukha ninyo... sa tingin ko kasi hindi masyado..." napakamot pa siya ng ulo niya. She drew me, or should I say she drew a version of me SMILING...
"Tapos ito pa ho..." iniabot niya sa akin ang isang maliit na kahon. I took that, and opened it... Inside lies a silver dog tag with a silver tube of a super glue and a yellow round button. Sa likod ng dog tag, may naka-engrave na salita..
Haengbok
"Haengbok?" tanong ko.
"It means HAPPINESS, Sir Trey. Naisip ko ho kasi na kahit isangla ko ang lahat ng kayamanan ko, hindi ko kayo maibibili ng HAPPINESS. That's why i ended up wishing happiness for you... tutulungan ko na lang ho kayong hanapin ang happiness at alam ko, someday mahahanap ninyo iyon, at kapag nangyari iyon, hinding-hindi ka na malulungkot ulit."
Nanatili lamang akong nakatitig sa kanya. I ended up wearing the dog tag she gave me..
"Nice.. but what's the yellow button for?" I asked out of curiousity.
"Yellow si Bumblebee... ako si Bumblebee diba po? Hinding-hindi kita iiwan..." nakangiting pahayag niya. I nodded.
When Angel died... I stopped believing that HAPPINESS will exist in my life again... but as i was looking at Jenny's eyes, I realized that HAPPINESS can still be gain for my happiness is standing right infront of me... smiling ear to ear looking like a foolish little grl wh just had a satisfying luch.
"You have a heart of gold, Jenny. Thank you.."
"Golden heart? Alam ninyo ho ba? Sa probinsya namin, pawnshop iyon.." natawa siya. Napailing naman ako. Another foolish joke.
"Whatever, Jenny. Let's go home..."
___________
Wala namang dapat magbago... Hindi naman ibig sabihin na tinamaan ako ng matindi kay Sir Trey, kailangan ng magbago ng pakikitungo ko sa kanya. Basta hindi ko na lang sasabihin na mahal ko siya...
Hay... bakit kaya ganoon? Two nights ago I was fighting so hard not to fall in love with him, pero ngayon, nakalatag na sa harap ko ang katotohanan na hindi ko na pwedeng itatwa pa. I'm in love with him...
Bakit?
Ewan... maybe because behind his sad eyes, undreneath his dark and lonely heart lies a good man, an incredible man who can make my heart flutter and can make my cheeks red.
And I just couldn't fight it anymore.
"Jenny..." napahinto ako ng may tumawag sa maganda kong pangalan. Agad ko namang nakilala ang lalaking nakaupo sa waiting area.
"Sir Robi, ang aga ninyo naman. May rehearsal kayo?" Tinabihan ko siya. May hawak siyang kulay asul na gitara. I didn't know he can play the guitar too.
"May hinihintay kasi ako..." he turned to me.
"Ay malamang nga may hinihintay kayo, nandito kayo sa waiting lounge eh.. ako rin ho, may hinihintay ako..."
"Talaga? Parehas pala tayo.." matamang tinitigan ko siya, tapos napailing ako.
"Hindi rin.. magkaiba naman ho tayo." kunot noong tiningnan niya ako.
"Eh kasi iyong hinihintay ninyo, hanggang ngayon hindi pa bumabalik. Nandyan nga siya pero ayaw naman niya kayong salubungin. Naghihintay kayo kahit walang kasiguraduhan, habang ako iyong hinihintay ko darating ngayon tapos kapag dumating na siya, aalis na kami." natatawang pahayag ko. Nararamdaman ko ang mga mata niya sa akin. Kunot na kunot ang noo ni Sir Robi ng muli ko siyang tingnan.
"Why is it so easy for you to read me?" hindi makapaniwalang tanong niya. I shrugged.
"Ewan ko.. hidden talent ko iyan. Bukod sa ability kong maglakad ng parang nakapikit... iyan ang isa ko pang ability." huminga ako ng malalim. "Sa tingin ko naman ho kasi, iyong hinihitay ninyo, natatakot lang ulit siyang masaktan..."
"Nasasaktan din naman ako..." bulong niya. Hindi ko na lang din pinansin ang huli niyang sinabi. Bigla ay naisip ko, kung sakaling lumalim ng lumalim ang nararamdaman kong pagmamahal kay Sir Trey, magiging kapareho kaya ako ni Sir Robi? Naghihintay ng sa isang bagay na walang kasiguraduhan?
Sir Robi looked miserable, lonely and tired... parehong-pareho sila ni Trey... Pero tulad ng mga nauna ko ng findings, mas malungkot at mas malalim ang sugat ni Trey...
"I'll be back, Jenny, I think I heard Ali's voice..." tinanguan ko na lamang siya. Naiwan akong mag-isa sa waiting area.. naiinip na nga ako. Nasaan na kaya ang amo kong kumag? Hay.. paimportante...
Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa iba... kumunot ang noo ko nang may makita akong isang lalaking may mowhawk. Pamilyar na pamilyar ang hilatsa ng mukha niya sa akin. He was walking towards me.. malamang uupo rin siya dito...
"Hi.." he greeted me, nang makalapit na siya. My eyes widened. Tumayo ako at saka tinuro siya.
"Mowhawk!" sigaw ko pagkatapos ay sinabayan ko ng halakhak. Grabe, noong nakita ko siya sa magazine, ang sagwa ng dating niya, pero hindi naman pala ganoon kasama ang hitsura ng buhok niya.
"What the hell is wrong with you, woman?" he asked a bit irritated. Naningkit ang singkit ko ng mga mata.
"Angad mo pare ha? Natatawa ako eh, anong masama? Dibdiban kita eh..." maangas na sabi ko. Tumayo rin siya.
"Ngayon ka lang ba nakakita ng taong may mowhawk? Ang gwapo ko diba?" nakakalokong sabi niya. Gwapo?
"Huh? Saan banda at kailan?" napailing ako. "Ang lakas ng tama mo, dude. Nagpapatawa ka eh hindi ka naman kalbo." tumawa ako. Tinanguan ko na lang siya at saka nilagpasan na, sa iba na nga lang ako maghihintay, baka magkakabag pa ako sa kakatawa sa gupit niya.
Habang naglalakad palayo ay nakatingin pa rin ako sa direksyon niya... nakakatawa talaga ang buhok niya. Hindi ko lubos maisip kung bakit nagpagupit siya ng ganoon, eh maganda namang siyang lalaki? Siguro nagpapapansin lang ito.
"Aray!" napadaing ako ng mauntog ako sa glass door ng waiting area. Napaupo ako sa sahig. "Ang sakit..." hinawakan ko ang noo ko. Bakit ba nakalimutan kong may pinto nga pala doon?
"Miss, okay ka lang?" dinaluhan ang ng Mowhawk. Kokey yata ang pangalan niya, ewan basta may K saka Y siya sa pangalan. Inalalayan niya akong tumayo. "Okay lang ako..."
Nakaramdam ako ng pagkahilo, grabe... medyo napalakas yata ang hampas ng ulo ko...
"Nahihilo ako, kokey..." biglang sabi ko. Napayuko pa ako.. Oo nahihilo nga ako...
"Anong meron?" may narinig akong nagsalita. Pilit kong inaangat ang ulo ko, sigurado akong si Sir Ali iyon.
"Who is she?" tinig naman ng isang babae iyon.
"Trey's assitant, Is she okay?" another voice filled the room. Nahihilo na talaga ako.. umiikot ang paligid ko.
"Kokey, lumilindol ba?" tanong ko sa lalaking may hawak sa akin.
"What? Huh? Hindi ako si Kokey..." nakaramdam ako ng antok... parang may humihila sa akin pababa... ewan ko ba.. basta bigla ko na lang gustong matulog... namimigat ang talukap ng mga mata ko....
Pero alam kong hindi ako dapat matulog.. pero kasi, iyong mabigat na humihila sa akin...
teka....
Nasaan na ba si Sir Trey?
"Who are you and why are you touching her?" was that his voice? Sana... gusto ko ngang tingnan pero kasi ang bigat na ng ulo ko...
"Kokey, nahihilo ako...."
__________
No one dared to talk. Everyone's just looking at the Mowhawk guy and Jenny. Why is he holding her like that... Is she hurt? Did he hurt her?
"Kokey... nahihilo ako..." Jenny's voice sounded so weak, she lloked tired too... I was staring at her, I wanted to take her from that guys arms but it I couldn't move...
Pamilyar sa akin ang eksenang ito...
And then, my hear stopped beating when Jenny's left arm dropped.
"Oh my god!" Ian gasped. I couldn't move.
"Hey.. hey... wake up!" sigaw ng lalaking may mowhawk. Napatda naman ako. What is happening?
Ali ran to Jenny, sumunod sa kanya si James. Ian stood by me, while Robi followed James and Ali..
"What happened?" Robi asked looking at the guy. "Did you hurt her?" gigil na tanong nito. Itinaas ng lalaki ang kanyang kamay.
"I swear I did not touch her." Tumayo ang lalaki, tumayo rin si Robi.
"Maayos naman siya kanina noong iniwan ko siya!"
"Robi! Stop bullying Kerky. Wala siyang ginawa!" Ian yelled at him.
"How would you know? Nasa loob ka kasma namin?!"
"Just shut up!" sigaw ko. Natigilan ang lahat. Dinaluhan ko si Jenny. Nakapikit ang kanyang mga mata. I was so scared of touching her.
But I know I have to... I have to save her. I don't even know what really happened but I knew that I have to save her. Hinawakan ko ang kamay niya.
"Dude, give her space!" itinaboy ko sina Ali at James. I took her to my arms.
"Jenny! Jenny! Wake up..." nanginginig ang tinig ko. I was looking at her, she's in my arms, unconsious, I couldn't even tell if she's breathing or not...
I was so scared. Paano kung mangyari kay Jenny ang nangyari kay Angelika? What if she dies too..
Sabi niya, hindi niya ako iiwan. She promised me that she'll help me find my happiness. But why is this happening now?
"Jenny!" marahang tinapik ko ang pisngi niya.
"We have to take her to the hospital, Trey. She's been out for 15 seconds.."Alam kong kailangan kong gawin iyon, i don't want her to die.. but I just couldn't think clear.
"Jenny... please... don't do this..." a tear fell from my eye. I was so scared. It's like having my worst nightmare right infront of me..
"Jenny!" I was still trying to wake her up... I prayed silently... sana gumising siya... I don't want her to fade... She's too important for me... huwag ngayon.. please...
Then suddenly... she stirred..
"She's waking up..." Ali annouced.
"Tatay.. tatay..." imunulat niya ang kanyang mga mata. "Sir Trey? Akala ko ikaw iyong tatay ko..." biglang sabi niya... Hindi ako makapagsalit, ni hindi ako makangiti. Tinitigan ko lang siya. She's awake... hindi ito tulad noong nangyari kay Angel noon. Hindi siya mawawala sa akin.
Hindi niya ako iiwan.
"Bakit ho? Anong problema?" takang-taka siya.
"Come on, let's take her to the hospital." James tapped my shoulder.
"Ho? Aano ho tayo?" Inalalayan ko siyang tumayo. Robi stood on her other side. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at saka ppinakatitigan.
"Do not scare me like that again, do you understand me?" Puna ko sa mga mata niya ang pagkalito... pero sa huli, tumango na lamang siya... "Good... now let's go..."
I kissed the top of her head.
BINABASA MO ANG
The Last Neon (COMPLETED)
RomanceSantiago Emilio III a.k.a. Trey Emilio - Neon's drummer had a tormented past. He trapped himself inside a world where loneliness and pain dwells his being. But what if one day, an outsider comes into his life and tries breaking the barriers he build...