Moving on...
Lecheng moving on iyan! Ang dali-daling sabihin, ang pagakhirap-hirap gawin. Napabuntong hininga ako. Ngayon ko lang naiisip na kahit gaano pa siguro ako kalayo kay Trey, hinding-hindi ko matatakasan ang anino niya ng basta-basta na lamang. Ang buong akala ko, kapag umuwi na ako dito sa amin, mas magiging madali ang gagawin kong MOVING ON na iyan... pero hindi, lumayo lang ako, pero parang nandyan pa rin siya... I couldn't get pass through that shadow he painted on my soul..
I guess that's the price I have to pay for falling in love with a Neon.
I never wanted to get involve in his world.. much more, I never planned on falling in love with him, may mga ibang plano ako, ibang gusto pero ngayon hindi na mahalag iyon kasi, I ended up this way...
I'm miserable. I'm lonley, i feel so empty and I'm dead...
And maybe, this is how he felt when a big part of him died...
Pero kahit na halos mamatay na ako sa sobrang sakit at kalungkutan, iniisip ko pa rin siya... I miss him.. at paminsan-minsan naiisip ko na sumakay na lang ulti ng bus at balikan siya...
Pero kapag ginawa ko iyon, kamumuhian ko ang sarili ko.
Tanga ako.... at ayoko nang maging tanga. Tama na iyong nasaktan ako.. itinaas ko na nga ang white flag eh.. tama na...
"Oh, Bebang, dito ka na lang ba talaga sa bahay?" tanong ni Tatay nang madatnan niya ako na nakaupo sa labas ng pinto namin.
"Opo.. aalis na kayo?" tanong ko bago humigop ng kape.
"Oo, mamasada pa ako. Magpahinga ka na lang ha.. si nanay mo nasa palengke na... si Diko mo naman nasa trabaho na iyon... si Kuya mo, malamang namasada na rin, ikaw na ang bahala dito ha.. huwag kang iiyak ng malakas baka marinig ka ng mga tita mo..." napanguso ako. Tama pala ang hinala ko na alam na ni Tatay na may problema ako.
"Tatay naman.. aalis na lang, mag-eemo pa ng ganoon." Tumayo ako. "Mano ho.. pasalubong ah..." ginulo ni Tatay ang buhok ko...
Kaninang madaling araw lang ako dumating... pero ang bilis talaga ng radar ng mga magulang ko... last night, I heard the two of them talking... tinanong ni Tatay si Nanay kung bakit daw namumumgto ang mga mata ko...
Nakakainis naman kasi.. ang liit na nga ng mata ko, nahalat pa nila na kagagaling ko lang sa pag-iyak...
Hindi ko naman gusto na idamay sila sa kalungkutan ko... ang gusto ko lang habang nandito ako, makalimot... gusto kong lumayo kay Trey at sa mga bagay na maaaring magpa-alala sa akin sa kanya.
Pero mukhang malabong mangyari iyon...
Kanina pagbukas ko ng t.v., balita agad tungkol sa Neon ang narinig ko... I guess the concert was a success, they did it again...
Maybe now, they're celebrating.. siguro ang saya-saya nila... At dahil masaya sila, malamang hindi rin ako naiisip ni Trey...
Bakit naman niya ako maiisip, eh wala naman akong halaga para sa kanya?
Ni hindi nga niya ako hinabol kagabi...at kahit siguro habulin niya pa akong muli... hindi na ako papagil dahil malinaw na malinaw na sa akin ang lahat...
Hindi niya ako mamahalin... kahit gaano pa ako katagal tumanghod sa kanya. hinding hindi mangyayari iyon...
Tumayo ako nang maramdaman ko ang pag-iinit ng sulok ng aking mga mata... ayokong umiyak sa labang ng bahay namin, baka makita ako ng mga pinsan at mga tyuhin ko kung ano pang isipin nila...
Pumasok ako sa loob at saka doon nag-iiyak... ang sakit-sakit.. kahit siguro gaano pa karaming luha ang mailabas ko ngayon, hindi pa rin noon kayang pawiin ang sakit sa aking puso...
Bakit ba kasi siya pa ang minahal ko? Bakit sa kanya pa ako nahulog eh ang dami namang lalaki sa mundo...
Mahirap makipagompetensiya sa isang alaala... unfair kapag alaala ng taong mahal ng mahal mo ang kalaban mo.. hindi mo alam kung paano ka kikilos, hindi mo alam kung paano mo matutumbasan iyon...
"Bebang!" natigil ako sa pagngawa nang makarinig ako ng pagkatok sa pintuan... "Bebang! Bebang!"
Bumaba ako sa kama at saka nagtatakbo papunta ng sala.. sino naman kayang lapastangan ang kakatok sa bahay namin ng ganoong kaaga. I opened the door, I saw my friend --- Marcela Saison --- standing outside holding a cup of cold coffee and a news paper.
"Marcela?" ngumiti siya...
"Bebang!"
"Marcela!"
"Jenny!"
"Ella!" sa sobrang tuwa ay niyakap ko siya... "I missed you! Tara, pasok ka..." hintak ko siya sa loob ng bahay. "Ang lakas naman ng pang-amoy mo.. paano mo nalaman na nandito ako? Tinawagan ka ni Tatay?" hindi siya sumagot... sa halip idinuldol niya sa mukha ko ang dyaryong hawak niya.
"Aray! Muntik mo nang ipakain sa akin itong dyaryo ah!" naiinis na kinuha ko iyon sa mga kamay niya. "Oo na, ikaw na ang nagbabasa ng dyaryo! masaya ka na!" bintaukan niya ako.
"Gaga! Magbasa ka kasi!" naguguluhang binaling ko ang mata ko sa dyaryong hawak ko... kumunot ang noo ko. "Anong gagawin ko kung successful ang concert ng Neon?"nakaramdam ako ng pait sa aking lalamunan. She took the paper away from me and turned the page...
"See?" she asked.. "Late Night Lover's Quarrel. Trey Emilio Neon's Drummer with his P.A./ Lover --- Jenny Salaveria."
Nanlaki ang ulo ko. Hindi ko maintidihan kung anong nagaganap sa paligid ko. Anong nangyayari? Bakit nakabalandra sa dyaryo ang mukha ko at ang eskenang iyon? Ang eksenang halos dumurog sa puso ko...
"Lover?! Lover?! Okay na iyong P.A. pero iyong Lover? Boyfriend mo si Trey?!?!" halos lumabas lahat ng ugat niya sa lalamunan habang nagsasalita. Hindi agad ako nakasagot, binasa ko muna ang article na iyon na tungkol sa aming dalawa.
Just hours before the big concert, Trey was seen having an argument with his P.A./ Girlfriend... nobody knew what the argument was about but it seemed like the newly discovered couple put an ending to their so called relationship last night...
"Hoy! Magsalita ka! Huwag mo akong tangahan! Alam mo ba nang mabasa ko ang balitang iyan, hindi ako pumasok sa first period ko para makausap ka lang? At malamang ngayon, umuusok na ang ilong ng mga co-teachers ko.. May faculty meeting kami eh!" nagpalakad-lakad si Ella sa sala. Para na namang machine gun ang bibig niya. Sabagay, sanay na ako. Ella and I had been the best of friends since we were in college. At alam kong kailangan lang niyang ilabas ang lahat bago ako makapagpaliwanag. Pero paano ako magpapaliwanag kung hindi ko alam ang sasabihin ko?"Akala ko nuno ng super junior iyang utak mo! Grabe! Boyfriend mo si Trey Emilio?!
Ibinaba ko ang dyaryo. Sumakit ang ulo ko. Ang buong akala ko kapag umalis ako sa lugar na iyon, matatahimik na ang buhay ko, babalik na sa normal ang lahat pero nagkamali ako.
Hindi pa pala doon nagtatapos iyon... Hindi pa pala sapat ang sakit na nararamdaman ko ngayon dahil kay Trey, kailangan pa talagang malaman ng buong mundo ang sitwasyon ko.
"Akala ko kapag umalis ako, tapos na.." mahinang bulong ko. Napaluha na naman ako...
"Ne..." Ella sat beside me...
"Ang hirap naman kasi, Ella... tinanggap ko na na hindi niya ako mahal, pero bakit ganito pa? Kailangan pa bang malaman ng buong mundo na halos magmakaawa na ako sa kanya para lang mahalin niya ako?" huminga ako ng malalim, kasabay noon ang sunod-sunod na paglaglag ng mga luha ko.
"Ayoko na... hindi ko na kaya..."I put my hands on my face. It's just so fucking sad. Here I am, trying to move on and yet I cannot just ran away from him.
___________
"What's this?" ibinato ko sa mesa ni Rika ang hawak kong dyaryo. Rika's eye widened when she saw what's written on that peice of junk.
"Is this why Jenny resigned?" balik tanong niya sa akin. Ako naman ang hindi makasagot. "She was your lover?" hindi makapaniwalang tanong niya. "And you had a fight? Is that why she left?"
I wanted to say something. But I just couldn't think of any. It's like a cat caught my tounge and put it away someplace where I couldn't see it.
Ano bang dapat kong isagot kay Rika? Jenny was not my lover... but that would be a lie.. Something happened to us and we kissed, not just once but many many times...
Ano ngayon ang isasagot ko kay Rika?
"Answer me, Trey! Is she your lover?" muling tanong niya.
"No!" I said out loud. "She's not..."
"Then do you have any idea why she resigned? Sinabi niya ba kung bakit?" bigla siyang tumayo.. nagpalakad-lakad siya sa harapan ko.. "Na-stress na naman ako.. isipin mo na lang kung araw-araw akong ma-stress ng ganito, anong magiging hitsura ng baby namin ni Anton? Lagi ninyo na lang pinapasakit ang ulo ko. And this Diego character,kung anu-ano ang inilalabas niyang tsimis tungkol sa Neon eh hindi naman lahat totoo!"
"Rika, please, gawan mo ng paraan ito. I don't want to drag her into this dirty cruel world.." Rika sighed. Then she started making calls... nakatayo lamang ako habang ginagawa niya iyon.
I was thinking of Jenny and that last conversation I had with her... Her face flashed in my memory.. I can still see the hurt, the tears and the pain..
Hindi ako makapaniwala na ako ang may gawa nang lahat ng iyon.
I never wanted to hurt her... Pero too late.. nagawa ko na.. I've already broke her perfectly good heart at hindi ko na magagawan iyon ng paraan.
I cannot be her super glue... at kahit na gustung-gusto ko siyang hanapin, hindi ko naman alam kung nasaan siya...
I wnet to her house this morning but her firend told me that she packed all her things, then I asked her where Jenny went, she slammed the door at me...
I wanted to apologize for breakeing her heart.. but how can I do that if I don't even know where to find her?
Rika put the phone down. I looked at her...
"Ginagawan na ng paraan ng mga tao ko, Trey.. I'll call you kapag maayos na ang lahat..." I just nodded. I left her office. my mind was racing. I want to know where she is, but how can I find her?
Sigurado ako na kahit kanino ako magtanong, hindi nila sasabihin sa akin kung nasaan siya...
"Trey!" it was James' voice. I face him.
"What?" inis na tanong ko.
"I heard the news... may plano ka ba na hanapin siya?" tanong pa niya. Huminga ako ng malalim.
"Hindi ko alam.. Umalis siya, Jaime. That means she wants me to stay out. She said goodbye..." napapikit ako nang maaalala ko kung gaano kasakit sa aking pandinig ang salitang iyon.
Jenny promised me that she will never leave me, but she left...
Ngayon, nag-iisa na naman ako... At ayokong maging mag-isa... lalo ko lang kasing nararamdaman kung gaano kalungkot ang buhay ko.
"Dude, if you love her, then look for her..." mahinahong sabi niya, Napatitig ako. Ano na naman bang sinasabi ni Jaime?
"I'm not in love with Jenny!" I yelled at him.
"You keep saying that but it's not really how you feel. You're in love... no maybe, your falling for Jenny you're just too scared to admit that because you're worried that if you do that, makakalimutan mo si Angel."
What the hell? Bakit ba sinasabi niya sa akin ang lahat ng ito? he's making me doubt myself. Hindi ako pwedeng main-love kay Jenny, unang una dahil mahal ko pa rin ang asawa ko.
It's Angel.. siya pa rin hanggang ngayon.. at kahit kailan hindi na ako magmamahal ng iba... I promised that I'll love her forever... and I don;t have any palns of ruining my promise.
"Just shut up, James!" napikon ako. I walked away... In my head I waa telling myself that I'm not in love with Jenny...
Pero bakit parang ayaw nang pumayag ng puso ko?
BINABASA MO ANG
The Last Neon (COMPLETED)
RomanceSantiago Emilio III a.k.a. Trey Emilio - Neon's drummer had a tormented past. He trapped himself inside a world where loneliness and pain dwells his being. But what if one day, an outsider comes into his life and tries breaking the barriers he build...