I couldn't tell if I was dreaming or not. I keep on hearing voices. To be more specific, I keep on hearing Jenny's voice. I opened my eyes. Am I dreaming? Maybe. Paano naman mapupunta si Jenny sa bahay ko. I sighed. Again, my head was killing me, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa sakit ng ulo na dala sa akin ng pag-inom. I really don't want to drink, but if I don't do that, I won't be able to fall asleep.
And falling asleep was my only way out from the sad reality of my life.
Kumirot ang kaliwang bahagi ng sentido ko. Bakit amoy buwang ang bahay ko?I stood up. My eyes widened when I saw a clean living room. No spots, no dirt, and it smelled like roses...
"What the?" kahit masakit ang ulo ay nagalakd-lakad ako. Paano nangyari ito? Did my house clean itself? Kumunot ang noo ko, maybe Rika came over and saw me passed out.. Jeez.. that woman can be sneaky at times. I went to the kitchen to get something to drink...
Ang sakit ng ulo ko. I hate hang overs... kaya nga hindi ako umiinom, pero wala naman akong magagawa.
"Wahhhh!
Napasigaw ako nang makakita ko si Jenny na nakaupo sa dining chair. Nakatitig siya sa akin. Ikinakunot ng noo ko ang pamumula ng mga mata niya. Did she cry?
"What the hell are you doing here?" my head throbbed as I speak. "Aww."
Tumayo siya at kinuha ang coffee maker. Kumuha rin siya ng tasa at saka nilagyan iyon ng kape.
"Magkape ka muna, Sir. Para kilabutan at kabahan ka sa pinaggagawa mo." halata sa tono ng pananalita niya ang pagkainis. Kinuha ko ang tasa.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Anong ginagawa mo dito?" Umupo rin ako. Jenny sighed.
"Pinapunta ho ako ni Ms. Rika dito. Nag-aalala siya sa inyo kasi dalawang araw na raw niya kayong di nakikita. Iyon pala, nahimatay ka na sa sobrang kalasingan." nakasimangot na pahayag niya.
Rika... of course Rika's behind all of these, sa aming dalawa siya lang naman ang may gusto na magkaroon ako ng assistant. I don't need assistance, I don't Jenny but because I love and respect Rika, I accepted her offer. I knew that she's just worried about me... and I don';t want to burden her anymore. It's just that, I prefer to be alone..
And whenever Jenny's with me, imposibleng mangyari iyon.
I looked at her, nakayuko siya at pinaglalaruan ang singsing na nasa kanyang hinalalaki.
I like Jenny.. at kung naiba lang ang pagkakaton nang pagkakakilala namin, malamang naging magkaibigan kaming dalawa.
Jenny is that person who loves to take care of everybody. She makes the people around her special and her beaming happiness reflects. Para siyang full moon sa isang madilim na gabi. She gives light and warmth.
Ganoon si Jenny. And I really like her but I just couldn't let her in my life...
Jenny doesn't belong to my world, she was too shiny, she was too happy and if I let her in. She might drown in darkness and sadness and anger.
"Did you cry?" hindi maiwasang tanong ko. Humanga muna siya bago siya tumingin sa akin.
"Hindi ho. Napuwing lang ako. Nagugutom ka na ho ba? Nagluto ho ako ng adobo at saka sinangag. Pagpasensyahan ninyo na lang ho kasi iyon lang ang alam kong lutuin." bigla siyang napahikbi. "Sorry rin ho kasi nilinis ko iyong bahay ninyo. Sorry rin ho kasi nilagyan ko kayo ng unan kanina..." napanganga ako. Makalipas ang ilang saglit, iyong hikbi ni Jenny, nauwi na sa paghagulgol. Itinakip niya sa kanyang mukha ang kanyang mga palad.
"Why the fuck are you crying?" I asked her, a bit worried.
"Hin-di nga h-ho a-ako u-umi-ii-ya-k. Na-pu-wi-ng la-ang ho -a-ako... wahhhhhh..." her tears awere all over her face.. she was trying to hide her tears from me, pero huli na kasi kitang-kita ko na.
Umaalog-alog pa ang mga balikat niya. Nag-angat siya ng mukha at tinitigan ako. Hilam na nang mga luha ang kanyang mga mata. Sa tingin ko pa nga, lalong sumingkit ang mga mata niyang singkit na. Namumula na ang kanyang ilong pati na rin ang kanyang mga pisngi. Parang kaunti na lang, lalabas na ang sipon niya.
"Jenny..." lalo siyang humagulgol. Napangiwi naman ako. What the hell is happening with this woman? All of a sudden I remembered Rapah ----------- James' sister, she used to do this all the time. Kumbaga sa bata, may tantrums siya, but looking at Jenny right now, I can say that it's not just a simple tantrum... it's something else and somehow... I can hear the pain and sadness in her every whimp.
"Sir, bakit ganoon?" humihikbing tanong niya.
"Bakit ano?" I was starting to be worried. Is she losing her mind? Lumuwag na ba ang tornilyo sa utak niya? Why is she crying like she was in pain... She just lookes so ...
HURT..
The thing with Jenny is that she's so emotional and carefree. Kapag may dinaramdam siya, kitang-kita iyon sa kanya. I've been with her for like a moth and a half pero sa ngayon, masasabi ko na huli ko na ang ugali niya.
"Ang sakit ho...ang sakit-sakit..." lumapit ako sa kanya. I wanted to touch her, pull her closer and hug her, but I was having second thoughts..
"Alin ang masakit?"
"Iyong ingrown ko po..." What the? I pulled away. I stared at her. Was she trying to make me laugh or was she trying to piss me off?
"Sorry ho, ah. Hindi ko lang kasi mapigilan.." sa pagkakataong iyon aay pinapahid na niya ang kanyang mga luha...
I looked at her. Somehow my lonely heart was telling me that she didn't cry because of her hurting ingrown... at hindi rin naman ako naniniwala. I knew for a fact that she's crying because of something else.... someone else...
Umiiyak siya dahil sa akin.
Naalala ko pa noong hinatak niya ako sa rooftop ng Revert Records, umiyak rin siya noon, ako ang dahilan. Nararamdaman niya ang sakit ko... nararamdaman niya ang hapdi ng kawalan sa puso ko. Nahahawahan siya ng kalungkutan ko, and maybe umiiyak siya ngayon dahil sa parehong dahilan.
I took a deep breath. Bakit ba kailangan pumasok ng babaeng ito sa buhay ko?
"Fix yourself, Jenny. We're going to Rika's house.." muli ay napabuntong hininga ako. Tumayo ako at sak tinalikuran siya. Pasimpleng tinapunan ko siya ng tingin. I sighed again. She was wiping her tears and she was trying to fix her hair.
I couldn't help it.. Jenny was one of a kind, She's unique.. she's a wonderful person, and maybe.. those were the reasons why I let her hang around me... for whenever I'm with her, I don't feel so alone...
guso ko. Mag-a-alas tres na noon ng hapon, mainit, nakakapaso ng bumbunan.
"You do realize that I can still hear you even when you are whispering..." natigilan ako. Itinaas ko na lang ang dalawang daliri ko saka ngumiti.
"Peace, Sir..." natatawang wika ko. Trey shook his head and continued walking, ako naman sumunod sa kanya habang inaayos ko pagkasukbit ng body bag ko.
"What's inside your bag?" out of nowhere he asked. Ikinagulat ko iyon. He's trying to start a conversation.
"Ah ito?" binuksan ko ang zipper ng bag ko. "Ito lang, wallet, novena, rosary, masking tape, scotch tape, electrical tape, double tape, tape, candy, iyong cellphone kong decepticon, extra panyo saka baby powder..." nang muli kong balingan si Sir Trey ay kunot na kunot ang noo niya.
"Why do you have tape on you bag?" nagtatakang tanong niya, lumiko siya sa may oangalawang kanto, sumunod pa rin ako.
"Kasi noong bata pa ako, tinapalan ako ng teacher ko ng masking tape sa bibig kasi sobrang daldal ko. Tapos tatanggalin lang niya iyon kapag nakabunot ako sa ulo niya ng isang uban sa pamamagitan ng dalawang pisong pinagdikit. Mula noon, inisip ko na maghihiganti rin ako sa kanya! Kaya may dala akong masking tape at kung anu-ano pang tape lagi kasi baka makasalubong ko siya papaulanan ko siya ng tape!"
Sa tuwing naiisip ko nang mabangis na teacher na iyon, parang nararamdam ko pa rin ang sakit ng masking tape sa bibig ko.
"Nakapaghiganti ka?" alam kong nagbibiro lang siya sa tanong niya iyon pero hindi ko naman maiwasan ang madisappoint. Nagbibiro siya pero malungkot pa rin ang mga mata niya.
"Hindi. Nag-retire na kasi. Masyado ng thunders kaya ayon. Force retirement. Uy, alam mo ba? teacher din ako." nakangiting sabi ko. Trey turned to me.
"Hindi halata..." biglang sabi niya. Napanguso ako. Sabagay alam ko na iyon, at alam kong binibiro niya lang ako pero hindi pa rin siya ngumingiti.
"Ih, kainis ka!" sinuntok ko ang balikat niya. He looked at me with that ridiculous look on his face.
"We're here." huminto kami sa tapat ng isang malaking bahay. Parang naliligaw nga yata ako. Puro malalaki ang bahay sa village ni Sir Trey, iyong tipong bawal ang mahirap. Kung nandito lang si Tatay, matutuwa iyon, frustration kasi noon ang maging architect. Binuksan ni Sir Trey ang gate, walang kaabog-abog na nagtuloy-tuloy kami papasok sa main door ng bahay.
Pagpasok namin sa loob, may narinig akong kumakanta...
"All I wanna do is find a way back into love..."
"Rapah's singing again.." bulong niya. Rapah.. saan ko ba narinig ang pangalang iyon? Asawa yata siya noong matangkad na lalaking mukhang totoy.
"Wow, muntik nang maiwala..." natatawang sabi ko.
"Ang alin?" nagkibit balikat ako.
"Muntik na ho niyang maiwala iyong tono." inismiran ako ni Sir Trey, tinungo namin ang malaking dining area... Nakakalula... Napatingala ako. Wow! May chandelier sa itaas.. Sigurado ako na mas mahal pa iyon kesa sa buhay ko. At kapag nalag;ag iyon, mas gugustuhin ko pang saluhin iyon kesa iligtas ang buhay ko.
"Look who's here! It's our long lost brother!" napuno ng kantyaw ang buong dining hall. Nakatayo lang ako doon at pinagmamasda sila. Ito ang unang pagkakataon na nakita kong kasama ni Sir Trey ang mga bandmates niya... pati na rin ang mga asaw nila.
"Hi Jenny..." bati sa akin ni Ms. Rika.
"Good afternoon po..." magalang na sabi ko. Ngumiti siya sa akin.
"Have you met the wives? This is Audrina, Zach's wife, Rapah, Ali's wife and James' little sister and that's Irish, James wife." I smiled at them... napapatanga ako, wala rin silang pimples.
"Ang cute naman ng mata mo..." nakangiting sabi ni Audrina.
"Ay, salamat po..." natatawang sabi ko. Pinaupo ako ni Ms. Rika sa isa sa mga silya roon. Sumunod naman ako. Pinagmamasdan ko si Sir Trey at ang mga lalaking nagtatagalay ng makalalag pusong kagwapuhan.
"Kulang pa sila niyan, wala pa si Robi eh..." untag sa akin ni Irish. I looked at her, she's so beautiful.. "Ang gwapo nilang lahat noh? Pero siyempre pinakagwapo si James ko..."
Napangiti ako... Ms. Irish looked so in love with her husband. And she looked so happy too..
"O ayan na pala si Robi.." sigaw ni Sir Anton. Napatingin ako may entrada ng dining hall. Napangiwi ako, ganoon ba talaga ang mga tao sa mundo ng Neon? Puro malulungkot? Isa pa itong malungkot, kasing lungkot niya iyong babaeng nakita ko sa bus stop noong isang buwan.
"Hey guys? Alam ninyo ba? When I first met Jenny, hindi niya kayo kilala..." natatawang pahayag ni Ms. Rika. Namula naman ang mukha ko. They Neon guys turned to me with a comical look on their faces.. even Sir Trey's face looked funny..
"You don't know Neon?" naeeskandalong tanong sa akin ni Sir Ali.
"Hi-hindo ho eh..."
"What?! Eh anong kilala mong banda?" tanong ni Sir zach.
"Super Junior po..."
"That Stupid Korean BoyBand?" nanlaki ang mga mata ko.
"Super Junior is not stupid, Sir... ah... ano hong pangalan ninyo?" tanong ko sa lalaking nagsalita. They all laughed... we'll except for Sir Trey..
"His name is James, Jenny.. kumain na tayo..." nakangiting sabi ni Ms. Rika.
I just sighed. Naku-culture shock ako sa mga taong ito.
We ate that delicious food Ms. Rika prepared, after eating nagsimula na ang couples game.. tahimik lang akong nakamasid sa kanila, ganoon din si Sir Trey at iyong lalaking Robi daw iyong pangalan.
I was staring at the both of them, they both have empty eyes and sad faces... pero mas malungkot si Trey, walang duda iyon..
Naiinip ako... wala naman kasing gustong magsalita sa kanila. Tumayo ako at nagpasyang maglibot-libot sa kabahayan...
Iyon na yata ang pinakamalaking bahay na napuntahan ko, lahat yata ng gamit doon, mas mahal pa sa buhay ko. Kung nandito si Bling at si Shany may kasama akong tatanga sa mga gamit nila dito...
Lumabas ako sa garden... may swimming pool doon, ang sosyal talaga nila... Sa kabila ng swimming pool ay may isang malaking silid. At dahil usisera ako, pinuntahan ko iyon para tingnan. Bukas ang pinto kaya pumasok ako. Recording studio pala iyon. Humanga na naman ako.
Sa loob noon ay mag mga instrumento, may gitara, piano, drum set at nagtataka ako, peromay tamborine din. Pumasok ako at naupo sa couch. Ngayon lang ako nakakita ng ganito. Nakangiting inabot ko ang gitarang kulay berde.
"You play?" nag-angat ako ng tingin ng marinig ko ang boses ni Sir Trey. Pumasok na rin siya at naupo sa tabi ko.
"Oho.. tinuruan ako ng tatay ko, ayun sa sobrang galing ko isang kanta lang ang kaya kong tugtugin."
"Anong kanta?" natawa naman ako, nakaramdam ako ng hiya.
"Wag na Sir, baka humanga ka sa akin..."
"Sige na.. tumugtog ka na..." napangiwi ako, posible pala talaga sa tao ang magsalita ng walang emosyon.
"Sige na nga, pero secret lang ito ah..." ngumiti muna ako bago ko simulang kapain ang mga strings sa gitarang iyon... pumikit pa ako, pagkatapos ay nagsimula na akong kumanta..
"I love you, you love me, we are happy family, with a great big hug and a kiss from me to you, won't you say you love me too..."
Itutuloy ko pa sana ang pagtugtog, balak ko kasing buuin ang kantang iyon ni Barney, pero na-amaze ako nang makita kong nakangiti si Sir Trey...
Nanlaki ang mga mata ko...
Ang lapad ng mga ngiti niya. Ngayon ko lang nakita ang ngipin niya.. nakakatuwa, nag-init ang sulok ng mga mata ko. Ngiting-ngiti siya, hanggang ang mga ngiti niya ay nauwi sa halakhak...
Trey is laughing out loud... as in. The crisp of his laugh makes my heart flutter...
Si Barney lang pala ang magpapatawa sa kanya ng ganoon, kung alam ko lang eh di sana noon ko pa ginawa.
Naluha ako, sa ikalawang pagkakataon ngayong araw na ito humagulgol ako, pero ngayon, dala na ito ng kasiyahan.
I made him laugh... Pero natigilan siya nang marinig niya akong humahagulgol.
"O bakit na naman?" he even cupped my face, then he wiped my tears away.
"Tumawa ka..." humikhikbing sabi ko.
"Yes, I did. It's because your funny.." muli na naman siyang natawa. Itinakip ko ang mga palad ko sa aking mukha.
Tumatawa siya... he laughed and it's all because of me. I didn't know that making him laugh would mean the whole world to me. I'm just so happy that I made him laugh.
I stared at him, my tears were still falling.
I made him laugh.
The sadness in his eyes, was gone... and it's all because he is laughing, his eyes, doesn't look that empty..
He's laughing... and in my head all I could think about is how good looking he is when he's laughing.
"Jenny, huwag ka ng umiyak." natatawang sabi niya.
"Hindi ko ho mapigilan, ang saya-saya ko, tumatawa na ho kayo.. kahit alam kong temporary lang iyan, kahit alam kong pagkatapos, malulungkot ka ulit, at least nakita kong tumawa ka na.." humihikbing sabi ko.
To my surprise, I felt his hand on the top of my head. Napayuko ako, I was still crying, then all of a sudden, I felt a force that's pulling me closer to me...
Trey embraced me... My cheeks were flushed. He embraced me...
Kanina tumatawa na siya ngayon, he's embracing me...
Bigla tuloy akong nakadama ng pagkalito..
Bakit nga ba ako masaya? Dahil ba sa tumawa na siya o dahil sa init ng mga yakap niya...Bakit nga ba?
BINABASA MO ANG
The Last Neon (COMPLETED)
RomanceSantiago Emilio III a.k.a. Trey Emilio - Neon's drummer had a tormented past. He trapped himself inside a world where loneliness and pain dwells his being. But what if one day, an outsider comes into his life and tries breaking the barriers he build...