Chapter Three

65.2K 1.2K 44
                                    

"Are we having a meeting again?" 

I couldn't help but ask Rika that. She smiled at me, she looked as if she was going to yell at me or something. Alam ko naman na matagl-tagal nang pinagtitiisan ni Rika ang topak ko. I knew that sonner or later she would burst and yell at me or worse, punch me in the face. Naalala ko, she used to tell me that I'm her favorite Neon, but I guess that changed now. 

"No Trey, we're not. May mga announcements lang ako, and after that you can leave." mahinahong pahayag niya. I was sort of worried about her, mula noong sinabi ko sa kanila ang nangyari kay Angelika habang nasa New York kami, si Rika ang pinaka-nag-alala sa akin. She did almost everything just to make me feel better. Kulang na lang sabihin niya sa akin na tumira muna ako sa kanila so that she could look after me. Naiintindihan ko naman siya, Rika loved Kai too... she treated her like her little sister, and maybe the reason wahy she's looking after me is because of that. 

"Wait, Ako muna..." Zach called our attention. "Magiging ninong na kayo!" biglang sigaw niya. Nahigit ko ang aking hininga. Another happy moment... I don't know why, but it seems that happiness breaks my heart. 

Ayokong maging masaya, ni ayaw kong ngumiti. Mali man pero mas gusto kong magpakalunod na lamang basta sa kalungkutang bumabalot sa buo kong pagkatao. Paano pa ako magiging masaya kung iyong nagpapasaya sa akin hindi ko na makikita kailanman?

"After two years, finally you got your wife pregnant, dude." nakatawang wika ni James. Inaasar na naman niya si Zach... but I guess the man was too happy to even care... Just like me.... I'm too sad tro even care about others. 

"Congrats.." I mumbled. Zach nodded at me. I sighed. I couldn't bear the happiness that's beaming around me. Imbes na mapagaan niyon ang nararadaman ko, lalo lamang akong nalulungkot. All I could see are happy people, it saddens me because everytime I see them I couldn't help but to feel terribly sad for my loss. 

"Ninong kayong lahat ah... hindi pwedeng tumanggi, first baby ko ito..." nakita kong ngimiti si Rika. 

"O sige na.. sino pa ang may sasabihin?" no one raised their hands, so Rika continued. 

"First of all, good job boys. Your new single is number one again... I love it when that happens, at dahil natutuwa ako... you're all getting a week vacation." nakangiti pa rin si Rika. 

"One week lang?" tanong ni Anton. Rika turned to him. 

"Bakit honey? May angal ka?" 

"Wala... naman..." Anton just smiled. I heard Ali mumbled the word "UNDER after that I saw James and Ali laughing... 

"Another one is about The Pastels... sa Monday na ang audition nila kasama ang mga producers, I want James and Ali with me there on Monday. Tapos si Ian, if you must know, she will be the stylist of Caleb's band too..." Robi stiffened, I knew because I'm sitting next to him. He gritted his teeth. 

"Why? I mean Ian is Neon's official stylist. Wala pa siyang ibang band na binihisan!"

"Are we having this argument again, Robin?" Rika looked at him. I don't know about these guys but everytime Rika looked like gthat, she freaks me out. 

"BUT -----"

"No buts! I know you love her but this is work Robi, so just let it slip..." she said calmly... I was just watching them... Rika remained calm while I could see Robi palpitating... I nudged him. Mainitin talaga ang ulo ng taong ito.... and Ian is the only person that can calm him down.... 

Kung tutuusin, pareho lang naman kami ni Robi, pareho kaming naiwang 
mag-isa, pareho naming hinihintay ang mga mahal namin, ang pagkakaiba lang, Ian is here habang si Angelika, hindi ko na mahawakan. 

"Ang lungkot-lungkot ko, at sa tuwing nakapalibot sa akin ang mga taong ito, lalo ko lang nararamdaman na nag-iisa na talaga ako...

"And lastly..." Rika eyed me. Nagtatakang tumitig rin ako sa kanya. What the hell is wrong? Heto na ba iyon? Is she gonna burst now? Is she gonna yell at me for isolating myself from everybody? "Trey gets to have a new P.A." kumunot ang noo ko. 

"Sweet. We have a P.A." Ali nudged James. Rika looked at him. 

"I said TREY, Ali. Not NEON..." Rika smiled. Ali's forehead wrinkled. 

"But that's unfair. Trey has a P.A.? Hindi naman siya sumasama sa mga gigs eh..."

"Sasama lang siya kapag may drinking session sila ni Robin Hood..." dagdag pa nin Zach. 

"Whatever... adjourned na tayo. Trey, follow me. Ipapakilala kita sa P.A. mo." A P.A. Bakit may P.A. ako? I'm not Neon's drummer now, Robi took Ian's place which made me the substitute again. But why do I get to have my own personal assistant? I followed Rika as she walk towards the door. What will I do with my assistant? Rika knows that I want to be alone. I need to be alone because I want to be with Kai. I'd rather die ith loneliness than live forever with my heart. 

"Rika, I don't need this." bulong ko.

"Of course you do! Lagi ka na lang mag-isa. Ayaw mong sinasamahan ka nila, so kung hindi ka mababantayan ng mga kumag na, naghanap ako ng magbabantay sa'yo." we headed to the waiting area. Hindi na ako nakapagsalita. Rika just kept on walking. I was silently praying na sana, lalaki ang kinihang assistant niya para sa akin. 

But when I saw that girl sitting on the green chair, looking at the glass window, I knew that I'm screwed. I smirked while I was looking at her. She looks weird. She's wearing a pair of faded blue skinny jeans, a plain black shirt that hugs her body just right and a pair of black skate shoes... great I'm stuck with this... this. I don't even know how to describe her... to top her look, she's wearing a green cap... hindi ko tuloy makita ang mukha niya. 

"Jenny..." Rika called her. Agad naman siyang tumingin sa direksyon namin at saka tumayo. Inalis niya ang sumbrero niya at saka ngumiti.

"Good morning, Miss Rika.." she flased her friendliest smile ----- I think. 

"Sorry to keep you waiting, miniting ko pa kasi sila. Anyways, this is Trey ---- Santiago Emilio III, and you're gonna be working with him...." ibinaling niya sa akin ang kanyang tingin. Her eyes were so little, it made me think kung Filipina lang ba siya o may halo.. for her eyes we're so chinky, I couldn't even tell if she's awake or asleep. 

"Hello po, Sir Trey? Nice to meet you po..." inilahad niya ang kaliwang kamy niya. Nakipagkamay naman ako sa kanya. 

"Oh paano, iiwan ko muna kayo. You can interview her if you want to Trey.. I have to go.."Rika left.. I was waiting until I couldn't hear jer heels anymore... Then I looked at Jenny.. She was playing with the ends of her hair... that gave me the impression that she didn't know that I was looking at her.

"Ang dami kong split ends.. grabeh.." bulong niya, nakanguso pa siya habang nakatingin sa buhok niya.

Jenny.... what a weird girl... 

"Hey.." I called her. Agad naman siyang nag-angat ng ulo. 

"PO? Bakit, Sir?" her pronounciatuion of SIR sounded more like "SERR"

"Do you wanna keep you job?" I asked her. Napangiti siya. 

"Oo naman, yes, Sir.." her tone was light as if she was just playing with an eight year old kid. 

"Good. Then STAY AWAY FROM ME." binigyan ko ng diin ang mga katagang sinabi ko. Hindi agad siya nakakibo. She just stood there like her feet was glued on the floor. I looked nat her again... then I turned away. 

Bakit ba hindi maintindihan ng mga tao sa paligid ko na gusto kong mapag-isa?

_____________

Stay away from me? Nakakabigla naman ang unang sentence na binitiwan sa akin ng bago kong boss. Hindi ako agad nakakibo, at mas lalong hindi agad ako nakagalaw dahil ang sungit-sungit ng dating niya. Sinundan ko siya ng tingin. Stay away from me? Inglisherong palaka din pala ang isang ito... Napapailing na sumigaw ako. 

"Sir! Teka ka lang!" sigaw ko. Kinuha ko ang bag ko na nakapatoong sa isang upuan sa tabi ko. Habang tumatakbo ay isinukbit ko iyon sa balikat ako at walang humpay na sumigaw ako ng.. "Sir, sandali!" 

Ang bilis naman maglakad ng kumag na iyon. Ano kayang masamang elemento ang nasa utak niya? Bakit kaya pinapalayo niya ako sa kanya? Ang wirdo.... kung hindi lang siya gwapo malamang mapagkakamalan siyang emo sa sobrang lungkot ng mga mata niya. 

Kanina habang nakatitig ako sa kanya, ang mga malulungkot na mga mata agad niya ang napansin ko. Para bang walang kalaman-laman iyon. It lacks of emotion. Puro yelo ang nakita ko.... Sayang ang ganda pa naman ng mga mata niya. 

"Sir! Wait lang, ang bilis ninyo maglakad!" lumiko siya at saka tinunton ang hagdan. Parang wala siyang naririnig. "Ay ayos, naghandan pa siya. Pinagti-tripan yata ako nito eh..." inis na sabi ko, hindi ko napansin na huminto pala siya at saka tumitig sa akin. 

"Trip? Pinagti-tripan? I told you to stay away from me. I'm your boss, I get to state the rules." matapang na sabi niya. Tumaas ang kilay ko. 

"Ay sorry, Sir. As far as I know, si Miss Rika ang boss ko dahil siya ang nagbigay ng trabaho sa akin at siya rin ang magpapasweldo sa akin noh... Sorry ka..." pumipilantik ang nguso ko. Ang sungit ng taong ito, akala yata niya siya ang pinakagwapong nilalang na ginawa ng Diyos dito sa ibabaw ng mundo. Nagpi-feeling gwapo eh mas gwapo pa sa kanya si Dong Hea ko!

"What did you just said?" humakbang muli siya sa itaas. Nakaramdam ako ng kaba, pero hindi ako papatalo sa kanya. 

"Ang sabi ko ho, si Ms. Rika ang boss ko hindi kayo." saglit na natigilan ang masungit na kumag sa aking harapan. Ang akala niya yata miinitmidate niya ako. Ha! Pwes nagkakamali siya. Tatlo ang kapatid kong lalaki at sanay na sanay na ako sa tantrums nila kaya ang pagsusungit ng kumag na Trey na ito, walang-wala lang.

"You do realize that I can tell Rika things that will change her mind..." may diin ang bawat katagang binitiwan niya. Napanganga ako. Bakit ako kinakabahan? Hindi ako dapat kabahan dahil unang-una, hindi ako dapat magpatalo sa kanya. Ano bang akala niya sa sarili niya. Humalukipkip ako at saka taas noo ko siyang tinitigan. 

"Eh di sabihin ninyo. Akala mo takot ako sa'yo?" nanghahamong banat ko. Hindi agad siya nakakibo. Yehey! Two - Zero na.. 

"God! I'm starting to hate you!" sigaw niya sa akin. Ngumuso ako. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking maarte. Grabe, daig niya pa si Shany kung magsalita. 

"Waw! I hate you din, Sir. Pero wala naman tayong magagawa. I need this job to earn money, and Ms. Rika said you need someone to be with you. Ako iyong instant companion mo. Ako ang personal alalay mo.." napangiwi rin ako sa huling sinabi ko. Alalaya... ano kayang sasabihin ng mga naging estudyante ko kapag nalaman nila na naging alalay na lang si Ma'am Salaveria ngayon? Ang masama, alalay ng isang masungit na nilalang. May gawd! Pero wala akong magagawa, mas gugustuhin ko pang maging alalay ng taong ito kesa ang magutom... mas gugustuhin ko na ang makisama sa lalaking may masamang ugali kaysa ibenta ko ang katawan at puri kong sigurado naman akong walang bibili. 

"Kahit na kamuhian ninyo ako kaisa ng lahat ng kawal ni Gerard Butler sa pelikulang 300, wes akes careness! Basta magtatrabaho ako, and there's nothing you can do about it. Are we clear on that, Sir?" nakatitig lamang siya sa akin. Hindi kumikibo, hanggang sa makita kong ipinilig niya ang kanyang ulo. 

"Uulitin ko, Sir, there's nothing you can do about it... okay?" I smiled at him. "See you tomorrow, Sir!" I waved him goodbye, pagkatapos ay tinalikuran ko na siya. Ang akala yata ng lalaking iyon ay kaya niya akong takutin. Nagkakamali talaga siya... napapailing ako.. maling-mali siya ng pader na tinatahulan...

Teka... parang mali... uhhhhh... let me get to that thought again... 

Maling-mali siya ng pader na tinitibag... 

There, that sounded much better.

"Hindi niya ako matitibag... nag-cobra yata ako.." tinahak ko ang daan palabas ng building na iyon. Uuwi muna ako sa ngayon. Magpapahinga ako agt sigurado bukas, magtutuos na naman kami ng lalaking iyon. At hinding - hindi ako papatalo... 

Tumayo ako sa bus stop. May nakita akong babaeng nakatayo rin roon. May hawak siyang mga shopping bags at saka nakatingin sa papalapit na bus. Mukha namang hindi siya sasakyan, bakit kaya siya nandoon? Binukan ng konduktor ang pinto ng bus... 

"Kuyang konduktor, pasakay ako." nakangiting sabi ko. The girl on my left turned her back and walked towards the Revert records building. Napangiwi ako, bakit kaya ang daming taong may malulungkot na mata sa lugar na iyon? 

Weird day...

__________

Kinabukasan, maaga akong umalis para simulan na ang official first day ko sa trabaho. Hindi ako excited tulad ng iba. Sa tuwing naiisip ko kasi ang klase ng ugali ng taong makakasama ko sa buong araw na iyon, nauuta ako, para akong manlalata na nasusuka.. in short, para akong magkakasakit.

"Hay nakoo.... kay gwapong lalaki, kasama-sama ng ugali..." mahinang bulong ko habang hinihintay kong bumukas ang elevator na iyon. Akala ko talaga noong nakita ko siya kahapon, mabait siya. Pero noong ibuka niya ang bibig niya, nawala lahat ng akala ko. Aba'y pagkasama-sama ng ugali. Hindi ako makapaniwalang nabuhay pa sa mundo ang taong ganoon. Biro mo, handa niya akong siraan para lang mawala ako sa buhay niya? Kalalaking to kung umasta akala mo walang pakialam sa mundo. 

Sa bagay, ganoon naman talaga ang halos lahat ng mga lalaki. Pero bakit ganoon? Parang gusto kong maniwala na hindi talaga ganoon ang ugali ni Sir Trey? Noong makita ko siya, una ko agad napansin ang mga mata niyang kahit yata ngmuti siya ay maiiwang malungkot. 

His eyes were full of sadness. And the thing that scared me yesterday was that his eyes were empty too. Wala ng kaemo-emosyon nang mga mata niya, at kahit na noong nakikipag-usap ako sa kanya ng pabalang, naiinis lang siya pero hindi iyon nakarehistro sa mga mata niya. 

It's like he won't allow himself to feel anything, which made him not human at all. 

"Ikaw si.... uh...iyong P.A. ni Trey noh?" napatigil ako sa paglalakad ng masalubong ko ang isang lalaking matangkad. Siya lang ang matangkad na lalaking mukhang totoy na nakita ko. 

"Jenny ho, Sir.." ngumiti siya. Bigla ay nagbago ang hitsura niya, he looked younger when he smile like that. 

"Ako naman si Ali. Wag mo na akong i-sir. Ali na lang.. Kung hinahanap mo si Santiago, malamang nandoon iyon sa rooftop. Akyatin mo na lang.."

"Ano hong ginagawa niya doon?" hindi ko maiwasan ang magtaka. Ano naman kayang gagawin ng lalaking masungit na iyon sa itaas ng building na ito?

"Oh, I don't know, he just like to go up there every morning and think..." 

"Ahhh.... nag-e-emo..." napapatangong sabi ko. 

"What?" kunot-noong tanong niya. Inirapan ko siya. 

"Wala ho, sige diyan ka na..." nilagpasan ko siya. Mukhang mabait naman iyong Ali na iyon. Mukha nga siyang harmless eh... mukha siyang masayahing tao, mukhang kng magtatagal ako dito ---- ay mali pala ---- kung matatagalan ko ang ugali ng Trey na iyon, makakasundo ko siya. 

Umakyat ako sa hagdan patungo sa itaas ng building. 

"Waw, ang sosyal naka-glass door..." saglit na inipit ko sa kili-kili ko ang dyaryong hawak ko pagkatapos ay inilapag ko ang basok ng kape, saka ko itinulak ang pinto. Sumalubong sa akin ang malakas na hangin... nilapad niyon ang sumbrero ko kaya sumabog ang buhok ko... natatawang pinulot ko ang dyaryo at kapeng kanina ay hawak ko. Hinayaan ko na lang muna na tangayin ng hangin ang buhok ko. 

"Sir? Sir?" nagpalinga-linga ako habang hinahanap ko ang pamilyar na bulto ng lalaking masungit. Napasigaw ako nang makita ko siyang katayo sa dulo ng rooftop at nakatitig sa ibaba.. 

"O my patatas na ginisa sa magic sarap at may kasamang argentina! Anong ginagawa mo diyan?! Umurong ka ng kaunti! Baka may magbiro sa inyo, malaglag ka diyan!" sigaw ko sa kanya. He turned his lonely empty eyes on me... 

"Leave me alone!" he said. My mouth fell open, my head was throbbing, my mind was racing. Magpapakamatay ba siya? Is that his last words? He said life is a big joke. 

"Ayoko po!." nanginginig ang tinig na pahayag ko. Kahit kailan ay hindi pa ako naka-encounter ng taong ganito. Bakit? Balak niya ba talagang magpamakamatay? At bakit gagawin niya iyon, ngayon pa na nandito ako. 

Pinagpawisan ang kili-kili ko. Kailangan kong mag-isip ng gagawin, baka mamaya maisipan niyang tumalon doon!

"Ahh..." tumingin ako sa kanya. Lumapit. Lalong lumalakas ang hangin. He was wearing a black suit and a black tie. Mukha siyang super junior sa suot niya kaya lang hindi siya marunong kumanta ng korean. 

"Alam mo ba na ang sarap ng umami aay nakakatulong sa ating katawan? Kaya halika na, bumili tayo ng maraming vetsin at sabay nating papakin!" napangiwi ako. Bigla kong naisip na kung hindi man siya mamatay sa pagtalon sa building mamamatay naman kami parehas sa high blood! He didn't move. Nakatayo pa rin siya doon, kapagkuway ay inalis niya sa pagkakatapak ang paa niya sa kinatatayuan niya at inalawit iyon kung saan hindi na abot ng railings. 

Lalo akong kinabahan. Nasa 30th floor kami. Kapag nalaglaga siya diyan, kung hindi siya mamamatay, magiging parang gulay naman siya habambuhay. 

"If I die... I'll be with her.." he said in a low voice. Hindi ko siya maintidihan. Naiiyak na ako. Napakagat-labi ako nang maramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko. Hala! Bakit ba ako naiiyak para sa kanya? Bakit ba ako nag-aalala samantalang kahapon ko lang siya nakilala.. Bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko...

"Parang awa ninyo na, Sir Trey, bumaba ka na diyan.." hindi pa rin siya tumitingin sa akin. He closed his eyes, that scared the hell out of me. 

"I miss her..." he whispered... Oh god.. was he going to jump? Hindi. Hindi siya pwedeng mamatay, hindi siya pwedeng magpakamatay. Huminga muna ako ng malalim-lalim bago ako lumapit sa kanya at hinatak ang kamay niya. I pulled his arm so hard I thought it's gonna break. At sa sobrang lakas ng force na inilaan ko, nahatak ko nga siya, napaupo ganoon rin siya. 

He looked at me, anger was written all over his face, excpet for his eyes.. kahit na galit na galit na ang hitsura niya, malungkot pa rin ang kanyang mga mata. 

"Why the hell did you do that?!" galit na tanong niya. Naiyak pa rin ako. Noon lang ako natakot ng ganoon. Hinawi ko ang buhok na tumabing sa aking mukha, pagkatapos noon ay tiningnan ko siya. Nanghihina ako, kahit nanginginig ang tuhod ay tumayo ako. 

"I-kaw na nga iyong ... iyong niligtas ko, tapos ikaw pa iyong galit." humihikbing sabi ko. He stared at me. Tila ba hindi siya makapaniwalang umiiyak ako. "Ba-bakit? Ngayon ka lang nakakita ng taong umiiyak?" 

He stood up, the he looked away. I stared at him. Napahagulgol ako. I realized there and then that Trey is one lonely man and that he wanted to die because he wa thinking that's it's his shorcut to happiness. 

"Bakit ka ba umiiyak?" asar na asar na tanong niya. Lalo akong humagulgol. Paano kaya ito? Parang damang-dama ko kasi ang sakit niya... Not only his eyes were empty but also his heart. 

He's not letting himself feel anything cause his heart was in so much pain, that he just wanted to be numb, even for a while. Yumuko ako, napahawak ako sa tapat ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit ako ngumangalngal ng ganito, pero ang sakit sakit ng puso ko... at dahil iyon sa lalaking nakatayo sa harapan ko... 

He's hurt... he's wounded.. and I just want to make the pain go away... but how? He wouldn't even let me in... 

"Ka-kasi.. uh... ang sakit-sakit..." tumitig ako sa kanya. His eyes looked more empty now.... I just couldn't bear seeing that. Inilang hakbang ko ang distansya sa pagitan naming dalawa. Wala na akong pakialam kung magmukha akong tanga ngayong araw... nang tuluyan akong makalapit sa kanya, niyakap ko siya ng mahigpit... 

"Jenny!" pilit niya akong tinutulak... 

"Ang lungkot-lungkot mo, Sir Trey..." humahagulgol na sabi ko... kung pwede ko lang tunawin lahat ng lungkot na nararamdaman niya at ipunin sa isang glass globe ang sakit na nararamdaman niya, gagawin ko.. ayoko lang talagang makita siyang ganito... 

The Last Neon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon