Chapter Five

50.6K 1.1K 36
                                    

"Kamusta iyong boss mo, Jenny? Masungit pa rin ba?"

Sumubo muna ako ng pandesal bago ko tinitigan si Shany. Tulad ko ay nakataas rin ang paa niya at nagpapalaman ng tinapay. 

"Bakit ang panget mo kapag umaga?" biglang tanong ko. Inirapan niya ako pagkatapos ay inilayo niya sa akin ang supot ng pandesal. 

"Huwag kang kakain ah! Diet ka ngayon!" gigil na sabi niya. natawa ako. "kinakausap ka ng maayos tapos babanatan mo ako ng ganyan? Nakakainis ka!"

"Hindi na siya masungit." natatawang sabi ko. Pasimpleng inabot ko ang pandesal mula sa kanya. "Medyo parang kahit papaano ay tanggap na niya na I'm here to stay and that he couldn't get rid of me that easy."

Halos isang buwan na rin akong nagtatrabaho bilang P.A. ng kumag na iyon at kahit papaano, masasabi ko na nagkakasundo na kami.

Madali lang naman siyang pakisamahan. Tahimik siyang tao kapag nasa silent mode siya, ayaw niya ng maingay. Ang ayoko lang sa kanya ay ang pagiging topakin niya at ang gabi-gabi niyang pag-iinom. Pero sabagay, hindi ko rin naman siya masisi, one time, I heard him say that drowning himself with alcohol was the only way for him to fall asleep.

Naisip ko, kung hindi niya gagawin iyon mas mahihirapan siya, baka kasi sa pagtulog lang niya panandaliang nakakalimutan ang sakit at hapdi na nararamdaman niya sa kanyang puso. 

"Mabait na?" muling tanong ni Shasha. 

"Hindi. Pero hindi na siya nagsusungit tulad noon." may sapak pa rin siya pero ayos na. Nakakatuwa nga dahil kahit papaano ay naaaninag ko ang Trey noon sa Trey ngayon. Nakikita ko ang aninong iyon, nakatago sa likod ng malulungkot niyang mata. 

One time, he gave me half smile... kalahati pa lang iyon, pero natutuwa ako dahil kahit paano ay may pagbabago na sa kanya. Kahit half smile lang, nakita ko sa kanyang mukha.. kahit na hindi noon naabot ang mga mata niya, ayos na sa akin. 

I always thought that if he smile, he'll be more good looking. Gwapo naman talaga si Sir Trey – sa totoo lang, sa tuwing tinititigan ko siya, hindi ko maiwasan ang hindi humanga. Tulad kasi ni Ms. Rika, wala rin siyang black heads at pimples. 

Plus, I really like his eyes. Kahit na malungkot ang mga iyon. I like looking at his eyes, somehow when he was staring at me, it makes me feel really special. May tingin kasi siyang kakaiba, iyong tipong kapag tumitig siya sa iyo, pakiramdam mo ikaw na lang ang nag-iisang babae sa mundo.

Hindi pa rin nagbabago ang misyon ko. Gusto ko pa ring ibalik ang mga ngiti sa kanyang labi. Gusto kong makita ang kislap ng kaligayahan sa kanyang mga mata... Gusto kong makilala ang Trey na sinasabi ni Ms. Rika. At kahit parang imposible, gagawin ko, basta gusto kong makita ang mga ngiti niya. 

"Akitin mo kaya, baka kulang sa kembelar..." ngingisi-ngising suhestiyon ni Shany. Nanlaki ang mga mata ko. Bigla akong nakadama ng pagka-uta. 

Kahit kailan hindi ko maisip ang sarili ko na nang-aakit ng lalaki. Kahit siguro katapusan na ng mundo, at iyon na lang ang nag-iisang paraan para masagip ang buong kaluluwa ko, hindi ko gagawin! 

Trey was like a delicate white flower that needed to be sheltered. He was too fragile and I'm scared that if I move him too much, he might break. Ewan ko nga ba kung bakit bigla akong tinubuan ng pakialam sa nilalang na iyon. 

Maybe I'm just overwhelmed by the fact that he's the saddest person I've ever known. And I want to change that. I wanna make him smile. 

"Sinong kulang sa kembelar?" naghihikab na lumapit sa amin si Bling. Bagong gising lang siya, gulo-gulo ag buhok at ni hindi pa naghihilamos. 

"Ikaw..." sabay na sagot namin ni Shany. Nagtawanan kaming dalawa, habang si Bling hindi kami pinapansin at nagtuloy-tuloy na lamang basta sa kusina. 

"How can I make him smile?" I said outloud. Shasha grinned. 

"Seduce him..." sinabayan niya pa iyon ng pagtawa. Napailing ako. 

"Oo, utak mo iyan, malantong ka kasi." naiinis na sabi ko. Paano ko nga kaya papangitiin si Sir Trey? Noong isang araw, binilhan ko siya ng Chocalate Gold Coins, nagpasalamat naman siya pero wala man lang siyang karea-reaksyon. Tapos madalas ko pa ring marinig mula sa kanya na "I'm falling to pieces..." 

It saddens me that I'm this close to him and yet I couldn't do anything. Kung pwede lang na hatakin ko palabas sa katawan niya ang lahat ng kalungkutan niya, gagawin ko. Makita ko lang siyang masaya. 

Kung totoo nga lang si Doreamon, talagang hahanapin ko siya para humiram ng time machine.. ibabalik ko ang panahon kung saan kasama pa ni Sir Trey ang asawa niya.

"Si Ate Dian?" tanong ni Bling ng bumalik siya. 

"May date, ako rin may date. Kaya ikaw langa ng maiiwan dito sa bahay kasama ni Kulet." pahayag ni Shany. Binalingan ko ni Bling. 

"May pasok ka, Bebang?" napangiwi ako nang tawagin niya ako sa pangalang iyon. 

"Oo, may gig sila. Kailangan ko ulit pilitin si Sir Trey na magpunta doon.." humigop ako ng kape. 

"Linggo ngayon. Wala ka bang off?" napaisip ako. May off nga kaya ako?

"Meron yata... Anong oras na ba?" muntik ko ng maibuga ang kape sa bibig ko nang makita ang ayos ni Bling. Kamukha niya iyong nanay nung bata sa The Grudge. "magsuklay ka nga!" 

"Mamaya na, tinatamad pa ako..." 

"Tita Bling!" natuon ang atensyon naming lahat ng sumigaw si Letlet. Makalipas lang ang ilang sandali ay nakatayo na siya s amay hapag, at pilit na hinahatak ang bestidang suot niya... 

"Bakit?" tanong ni Bling... 

"May naghahanap po sa'yo..." nakangusong sagot niya. Kahit ayoko ay napanguso rin ako... 

"Sino Kulet?" may narinig akong mga yabag, a moment later, isang lalaking naka-coat and tie at may taglay na makalaglag upuang kagwapuhan ang pumarada sa harapan namin. 

"Hi... Good Morning..." hindi ko maiwasan ang mapangiti. 

"Ahahay... M.H. na ako dito... halika na Kulet..." tumayo si Shany at saka hinatak si Letlet, nakaramdam din naman ako. Nagyuko ako ng ulo at saka um-exit na rin. 

"Sino iyon?" bulong ko kay Shasha nang nasa may front door na kami. 

"Iyon si Agui... gusto mo kwentuhan kita?" bulong pa rin niya. Napangiwi ako, gusto ko pa sanang makinig sa kwento niya pero nang muli kong tingnan ang oras nadismaya ako. 

"Maya na lang, male-late ako... geh, bye!" Lumabas na ako ng bahay at naglakad papunta sa paradahan ng dyip. Noon ko naramadaman ang panginginig ng cellphone kong kaunti na lang ay mamamaalam na. Sabi ng 3310 ko, one message recieved.

"Uy may nagtext sa akin!" sigaw ko. Iyong tipong pinaparinig ko sa buong mundo na may nagtext nga sa akin. Galing ang mensahe ko kay Ms. Rika at ayon sa kanya kailangan kong puntahan si Sir Trey sa bahay nito dahil as usual nag-aalala na naman siya. 

"Grabe, di kaya naglason na iyon?" mahinang bulong ko. Nakadama ako ng kaba. "Hindi! Huwag! Hindi ako mag-iisip ng ganoon!" 

"Miss, okay ka lang?" tanong sa akin ng barker ng dyip. Ngumiwi ako. 

"Oo kuya, okay lang ako, ikaw okay ka ba?" sigaw ko sa kanya. Nadistort ang mukha ni Kuyang Barker ng dyip. Akala yata niya galit ako. Tumalikod ako para maghintay ng taxi. Agad na pinara ko ang paparating. 

"Saan tayo Ate?" tanong ng driver. Grabe.. naki-ate pa... 

"Dito sa address na ito, manong." Ipinabasa ko sa kanya ang address na sinend ni Ms. Rika sa number ko.

"Bagung-bago iyang cellphone mo, Ate ah may scotch tape pa..." aktong hahawakan niya ang cellphone ko ng hampasin ko ang kamay niya. 

"Huwag mong hawakan. Decepticon iyang cellphone ko. Magta-transform siya tapos hihigupin niya iyang utak mo." Hindi na nagsalita si Kuyang Taxi Driver, Pinasibad niya ang sasakyan at maya-maya ay tinatahak na namin ang daan patungo sa bahay ni Sir Trey.

Saglit na pumikit muna ako, ma-traffic kasi. Iimaginin mo muna si Kyu Hun – pero bakit ganoon? Imbes na si Kyu HUn ang makita ko, nakikita ko ang nakangiting mukha ni Sir Trey. In my head, he was smiling, in my head he was laughing with me. Sa isipan ko, wala siyang pangamba at sakit. Sa imahinasyon ko masaya siya at walang bahid ng kalungkutan.

Too bad dahil ang lahat ng iyon, sa isipan ko lamang.

"Miss, eto na iyon oh..." mula sa loob ng taxi ay sinilip ko ang bahay sa aming harapan. Iyon pala ang bahay ni Sir Trey. Dumukot ako ng pera mula sa aking bulsa. 

"Magkano ba kuya?" tanong ko habang nagbibilang ng barya. 

"Sixty..." napasimangot ako. Tiningnan ko ang metro ng taxi. Inabutan ko siya ng singkwenta pesos. 

"Tawad na iyong sampu. Thank you kuya!" agad na bumaba ako ng taxi. Alam kong hihirit pa si kuya kaya pumasok agad ako sa gate ni Sir Trey... walang nagawa ang taxi kaya ayun, umalis na lang siya. Huminga ako ng malalim. Tinitigan ko muna ang bahay ni Sir Trey bago ako nagsimulang maglakad papunta sa main door. 

Pinakikiramdaman ko ang buong bahay. Napakatamihik niyon. Morbid images started flooding my brain.. napapangiwi ako. Paano kung naglason si Sir Trey? Paano kung naglalas siya o kaya man nagbigti? Magagawa niya kaya iyon? Eh teka... muntik na nga siyang tumalon sa 30th floor ng building, malamang magagawa niya iyon? Paano kung gusto niya talagang mamatay? Paano kung hanggang ngayon naiisip niya na kapag namatay siya magiging masaya na siya?

"OhemGiee!" natatarantang tumakbo ako. Kabang-kaba ako. Anong mangyayari kapag nakita ko siyang nakabulagta doon, walang malay at duguaan? Grabe.. takot ako sa dugo at hindi ako kumakain ng dinuguan! Kakatok sana ako nang mapansin kong nakaawang ang pinto.. dahan-dahan kong binuksan iyon... ipinasok ko ang aking ulo at nagmasid-masid... Nang tuluyan na akong makapasok, sumalubong sa akin ang mas nakakbinging katahimikan. 

"Sir Trey?! Yuhu?" sigaw ko. Walang sumasagot. Nasaan na kaya iyon? "Aray!" natapilok ako nang may maapakan akong bote ng alak. "Grabe! Nag-iinom pa rin siya?" napapalatak na tumayo ako. Buti na lang hindi napuruhan ang sakong ko. Nagtuloy-tuloy ako sa sala. Tumambad sa akin ang isang katutak na kalat. 

"Grabe naman, nalipat yata dito ang waste land..." bulong ko. Nagkalat ang iba't-ibang plastic ng pagkain, alak at mga instant noodles... pero hindi talaga ako maka-move on sa alak... hay... I guess I should be happy dahil kumakain pa rin siya habang umiinom. Napapailing ako. 

"Nasaan na ba siya?" Di kaya natabunan iyon ng basura? Naglakad-lakad pa ulit ako... nagpapalinga-linga, hinahanap ang lalaking may malungkot na mga mata... At nang yumuko ako para tingnan siya sa likod ng couch na nakalagaya sa gitna ng sala... nakita ko siya. 

Wala siyang malay, malamang nakataulog sa kalasingan ang kumag. Napasimangot ako. Bakit ba ginagawa niya ito sa sarili niya? Umikot aako para malapit ko siya. Umupo ako sa tapat niya at saka pinakatitigan siya. Ilang araw na kayang ganito si Sir Trey? Dalawang araw ko siyang hindi nakita... hindi ko rin siya nakakausap sa mga panahon iyon...

Napabuntong hininga ako. I just stared at him. May five o' clock shadow na siya, tapos hapis na hapis pa ang kanyang mukha... it was a paniful sight... 

"Hindi kita kayang buhatin kaya diyan ka na lang... lilinisin ko na lang muna itong bahay mo..." bulong ko. Tumayo ako para umabot ng throw pillow, bahagyang inangat ko ang kanyang ulo at saka ko inilagay ang unan... 

Nakakalungkot ang ganitong sitwasyon. Kanina, mdeyo masaya pa ang disposisyon ko sa buhay, pero ngayon, nalulungkot na naman ako. Isa-isa kong pinulot ang mga kalat na iyon at nilagay sa trash bag na nakita ko sa kusina... 

"Bakit mo ba kasi ito ginagawa sa sarili mo?" tanong ko sa kanya. Naroon pa rin siya sa likod ng couch... "Sa tuwing ganyan ka hindi ko maiwasan ang hindi masaktan... naiinis na nga ako sa'yo eh... puro ka na lang negative..." malakas lang ang loob kong sabihin iyon dahil alam kong tulog siya, pero malamang kapag gising ang kumag, hindi ako makakapagsalita.

siya, pero malamang kapag gising ang kumag, hindi ako makakapagsalita. 

Ayoko lang naman kasi ng ginagawa niya... masakit sa mata... nakakainis. 

Super pulot ako ng mga basura niya. Hindi maiwasang malukot ng ilong ko sa masangsang na amoy na dala ng mga bote ng alak. Ang baho... paano kaya siya nakakatagal. Kumuha ako ng walis para maalis ang maliliit na cornik at mani... habang ginagawa ko iyon, may napansin akong mga lukot na papel na nasa ilalim ng coffee table... pinulot ko iyon... 

Ano kaya ito? Bigla na namang nabuhay ang pagiging usisera ko. Dahan-dahan kong binuksan ang papel na iyon... napasinghap ako ng mabasa ko ang naroon.. 

How am I supposed to move on if I don't want to run away?
All I could think of is that day when you promised me that you'll stay... 
It's like I'm stuck in a situation I don't know how to escape. 
Please comeback to me, I wanna breathe again...

I think he was trying to write a song. A song for his wife..

My tears were falling down, and I couldn't help but to feel this unwanted pain in my chest. Obviuos naman na hanggang ngayon, he was still hoping that his wife would come back. Somehow in a twisted way, I found that romantic. And yet everytime I think of reality, hindi ko maiwasan ang malungkot para sa kanya.

The Last Neon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon