Chapter Nine

49.9K 1.1K 93
                                    


"Ang sweet ninyo naman, dinalaw ninyo ako dito kahit wala naman akong sakit..." 

I'm still very pissed at Sir Trey because he insisted that I should stay in this friggin' hospital for further observation. Hindi siya naniniwala na wala talagang masakit sa akin at wala akong nararamdamang kakaiba at okay lang ako. 

He keeps on telling me that this was for my own good. Para daw kung may sakit ako, maagapan na kaagad kaysa naman tuluyan pa akong lumala. Ang problema nga wala akong sakit. Kaya naiinis ako kasi nagmamarunong pa siya sa akin samantalang ako iyong may katawan!

"Wala ka naman palang sakit, Bebang, eh bakit ka nandito?" natatawang tanong ni Shany, kasalukuyan siyang nagbabalat ng orange pagkatapos iyong nababalatan niya siya rin iyong kumakain. 

"For further observation daw." nakasimangot na sagot ko. Dalawang araw na akong nasa loob ng apat na sulok na silid na iyon, wala akong ibang nakikita kundi kulay puti. Palagay ko kapag nagtagal pa ako dito, magkakasakit na talaga ako. 

"Ano ba kasing nangyari?" sumabat si Domeng ------- another friend of mine - his real name was Alfonso Domingo. 

"Nauntog ako sa glass door nung waiting lounge dun sa Revert nakalog iyong utak ko, kaya nawalan ako ng malay." 

"Kasi, Bebs, kapag naglalakad ka, sa harap ka titingin, hindi sa likod.." muling pahayag ni Shany. Umingos ako. Hindi naman ito iyonhg unang beses na nangyari ito eh.
"Hindi iyon eh, try mong maglakad ng nakadilat." Nginishan ako ni Bling. Pinanlakihan ko naman siya ng mta.

Noong grade 3 ako, nabangga iyong tuhod ko sa tricycle ng tatay ko, ayon pagkalipas ng limang minuto, nawalan din ako ng ulirat. Tapos noong graduation ko ng grade 6, nahulog ako sa hagdan, hindi naman ako nasaktan pero nawalan rin ako ng malay.. saka isa pa, kasalanan ko iyon, bumaba kasi ako sa hagdan na parang si Sadako - imbes na patayo ako bumaba, pagapang. Hindi ko nga alam kung bakit ko ginawa iyon, parang gusto ko lang -itry.

"Madalas ba iyong block out mo, Bebs?" tanong ni Domeng. "kasi kung laging ganyan, baka may problema sa utak mo..." 

"Matagal nang may problema si Bebang sa utak..." inirapan ko si Shany, pagkatapos ay binalingan ko si Domeng. 

"Gusto ko ng umuwi, na-mimiss ko na si Kulet..." hinawakan ni Domeng ang kamay ko saka ngumiti. 

"Yaan mo, Bebs, bukas kung hindi ka pa lalabas dadalhin ko si Kulet dito para di ka na malungkot. Gusto mo massage kita?" if there's one thing I like the most about this guy was the fact that he's very thoughtful and caring and he gives a mean massage!

"Okay!.." sinimulan na niyang hilutin ang kamay ko.

"Meng ang sarap...." natatawang wika ko... noon ko napansin na bumukas ang pinto... iniluwa niyon si Sir Trey.. 

"Hi, Sir Trey!" masayang bati ko sa kanya. "lalabas na ho ba ako?" hindi siya sumagot, nakatitig siya kay Domeng na minamasahe pa rin ako... 

"Oo nga pala, Sir, mga friends ko. Si Shany po, tapos ito si Domeng tapos si Bling... siya iyong boss kong matigas ang ulo na gusto pa rin akong ikulong dito kahit wala akong sakit..." sinadya kong iparinig ang huling sinabi ko. Ayoko na talaga kasi dito. Nakakainip. pero hindi ko naman magawang makapagreklamo sa kanya... noong napasok kasi ako dito sa nakakainip na ospital na ito, lalo siyang bumait sa akin. 

Ewan ko kung anong nakain ng ungas na ito. Mula nang ma-confine ako, hindi siya umaalis, pwera na lang kung maliligo siya at magpapalit ng damit. Noong unang gabi ko nga dito kung hindi pa siya pinauwi ni Ms. Rika hindi siya aalis. Ang akala ko talaga noon, hindi na siya babaik, pero kinabukasan, pagkagising ko, nadoon na naman siya, nakahiga sa couch, natutulog... 

Kinilig talaga ako noon... 

Siguro kaya minsan nagdadalawang isip ako kung uuwi na ba ako o hindi ay dahil rin sa kanya... inaalagaan niya kasi ako kahit ilang beses ko nang sinasabi sa kanya na wala naman akong sakit... 

Minsan nga, iniilusyon ko pa na kaya niya ginagawa iyon ay dahil espesyal na rin ako para sa kanya... 

Ilusyon lang iyon, alam ko namang hindi mangyayari iyon dahil hanggang ngayon ay minamahal niya pa rin ang kanyang asawa. 

At ako? Ako lang ang hamak na si Jenny... isang singkit na babaeng maganda na nagmamahal sa isang tulad niya.. 

Langit siya, hampas lupa ako... 

Kumbaga sa fairytale, siya ang prinsipe at ako naman ang daga ni Cinderella na nangangarap rin ng wagas na pagmamahal. 

"Uhm, Jenny, Parang kailangan naming umuwi ni Domeng eh..." kumunot naman ako noo ko. Agad? Bakit? Ayoko pang umalis si Shasha.. at saka di pa tapos ang massage ko.. 

"Isasama mo na si Mengmeng?" nakangusong tanong ko. 

"Natural. Eh di kapag iniwan ko iyan, maglalakad ako! Tara na nga..." binalingan ni Shany si Sir Trey. "Nice to meet you po..." he nodded, but did not speak. Domeng tapped my head. 

"Bye, Bebs... text mo ko kung lalabas ka n o hindi ha?" tapos noon ay tumalikod na siya. Tinanguan na lamang niya si Sir Trey.. nakakapagtaka talaga ang taong ito, bakit ganito ang reaksyon ng mukha niya? He looked angry?

Ibinalibag niya ang pinto at saka dumiretso sa couch na nasa gilid ng hospital bed. Hindi siya nagsasalita, hindi niya rin ako tinitingnan. Anong problema nito?

"Sir Trey, okay ka lang?" tanong ko, wala dedma... Kumuha siya ng dyaryo at binasa iyon, napanguso naman ako, ang sungit ha... 

"Sir, kumain ka na?" tanong ko. Hindi pa rin ao pinansin. Bad trip siya? Bakit? Nainis ako... hay nakoo! Noon ang problema ko, paano ko siya mapapangiti, ngayon pinoproblema ko naman kung aano ko maiiwasan ang bad trip niya. 

Sa sobrang inis ko ay binato ko siya ng unan. Tumama iyon sa mukha niya, pero hindi pa rin niya ako pinansin. Wala. Walang reaksyon, pasimpleng tinabig niya lang ang unan at saka nagbasa ulit...

"Arghhh... kainis.. kung ayaw mo akong pansini eh di wag... bahala ka. Adik!" I looked away.. hindi ko rin siya papansinin. Akala niya.... 

Minutes turned to hours... hindi pa rin siya nagsasalita, Nainis ako. Tumayo ako at saka sinuot ang tsinelas ko. Lalabas ako ng kwartong ito, kung ayaw niya akong pansinin eh di wag. I was about to turn the door knob when he said something.. 

"Go back to bed, Jenny." he said coldly. I looked at him. 

"Lelang mo... tse!" binuksan ko ang pinto pero hindi ko pa man din naitatapak ang paa ko s alabas ay hinatak na niya ako. 

"I said, go back! Hindi mo ako naiintindihan?!" he shouted. Kumunot ang noo ko. Bakit ba siya nagagalit?

"Sira ulo! Anong balak mong gawin sa akin? Ano? hihiga na lang ako dito hanggang sa may mahanap na kakaibang sakit iyong mga doktor na iyon? Eh wala nga akong sakit eh! Okay lang ako! Okay lang ako!" tumalon ako at saka nagpa-ikot-ikot... ""Ayan oh! Okay lang ako!!" 

"You we're unconsious for 20 fucking seconds, Jenny! tapos sasabihin mong okay ka lang?!" nanggagalaiting sigaw niya.

"Oo! 20 seconds lang iyon! May mga tao ngang nahihimatay pero mas matagal pa silang nawawalan ng malay pero okay lang sila! At hindi sila kinukulong ng boss nilang matigas ang ulo sa ospital kasi WALA NGA SILANG SAKIT! bwisit!" ganting sigaw ko. Hindi pa rin nawawala ang inis sa kanyang mukha. Napailing siya. 

"You wouldn't let me take care of you and yet you let that guy touch you!" biglang sigaw niya. "he even called you babes!" napapailing na sabi niya. Napamaang naman ako. 

"Ano bang sinasabi mo? Gago ka?" inis na tanong ko. 

"So ngayon bigla akong naging gago dahil gusto kong maging okay ka?!" his voice roared. Then suddenly the anger in his eyes vanished, napalitan na naman iyon ng kalungkutan. "Do you know how my wife died?" hindi ako nakasagot. He gave me a disappointed look. 

"She was shot. Wala akong nagawa. I wanted to do something but it was too late. Wala ma siya.Wala na rin ang baby..." he looked at me with those empty eyes. "kaya sana naiintidihan mo kung bakit ko ito ginagawa.. I don't want to lose you, Jenny. Sa ngayon, gusto kong panghawakan ang pangako mong hindi mo ako iiwan..." 

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiiyak sa sinabi niya. He was actually scared for me... natatakot siya na baka... baka matulad ako sa asawa niya... nagyuko ako ng ulo. 

"Pero Sir, okay lang naman talaga ko..." mahinang sabi ko. 

"Hindi ka talaga papatalo sa akin noh?" tila dismayadong pahayag niya. Nag-angat ako ng tingin. 

"Hindi naman sa ganoon, kaya lang kasi..." natigilan ako ng hawakan niya ang kamay ko. 

"Just let me take care of you... please...." nagsusumamong sabi niya. Napatitig lamang ako sa mga mata niyang kay lulungkot... ano bang pipiliin ko? Ang ma-confine sa apat na sulok ng ospital na ito o ang lumaya at mas lumungkot pa ang mga matang iyon? 

"Sige na nga...." napangiti na siya... 

Oo, mas pipiliin kong makulong dito sa ospital na ito, basta makita ko lang siyang masaya... 

"Pasalamat ka, mahal kita..." bulong ko. Nanigas ang likod ko nang humarap siya sa akin.. 

Gosh.. narinig niya ba? May Golay!

"Anong sabi mo?" nakahinga ako ng maluwag. Hindi niya pala ako narinig... yes!

"Wala.. sabi ko ho, ayoko ng gulay..." napatango na lamang si Sir Trey... nagtaka naman ako, bakit parang disappointed siya?

_________

"She's not sick?" naninigurong tanong ko. The doctor nodded. James tapped my back. "Eh bakit nawalan siya ng malay?" 

"You told me that she fainted after she bumped her head in the door. So maybe the reason why she suffered from syncope ay dahil panadaliang nawalan ng oxygen ang isang parte ng utak niya.. We did some tests, pero wala naman kaming nakitang kakaiba. Wala siyang sakit, Mr. Emilio. She's as healthy as a carabao. Maaari ninyo na siyang iuwi." Nginitian ko ang doctor. So Jenny is not sick. What should I do now? Iuuwi ko na siya. Iyon ang tamang gawin pero bakit parang ayoko? 

Ayokong iuwi siya sa kanila. I want her to be with me to make sure that she's safe and nothing bad will ever happen to her.

Pero tama bang gawin ko iyon?

"Thanks doc..." kinamayan ni James ang doktor, pagkatapos noon ay lumabas na kami ng clinic niya. 

"Ano na namang tumatakbo diyan sa isip mo, Santiago?" biglang tanong niya. Hindi ako sumagot. "Wag mo akong daanin sa ganyan, Trey. Kilala kita. Kapag nakakunot iyang noo mo, nakikipagtalo ka sa sarili mo." I stopped and turned to him. 

"I don't want to send her home." I said. James shook his head. 

"She's not sick dude. Dapat nga una pa lang nakinig ka na sa kanya. Kung merong dapat nasa ospital ikaw iyon, para kang tanga eh..."

"I just want to make sure..." naiinis na sabi ko. Alam ko namang hindi ako naiintindihan ni James. Hindi niya naiintidihan ang takot ko. Hindi niya kasi alam ang pakiramdam. 

"Look, I know you're worried. But the doctor said--------"

"I don't care what that fucking old man said! I just don't want to lose her!" I hissed at him. James stared at me... 

"Are you in love with her?" he asked with disbelief. Natigilan ako. Am I?

"Of course not.." mabilis na sagot ko. "I love my wife..." 

"I know, but if you're feeling for Jenny, it's okay, Trey we want you to be happy. " napailing ako. Nagpatiuna akong maglakad. 

Does he need to bring that up? Of course I'm NOT in love with Jenny. I will never fall in love with her or with anybody else. It was not because I care for her, or I wanted her to be okay or because I want her around me doesn't mean I'm in love with her. 

I love my wife. I promised her that I will love her forever. And that's what I'm going to do. I'm going to love her forever even if that means growing old alone.

Jenny, she's just someone I met. Someone who can make me smile. At hindi kataka-taka iyon dahil nakakatuwa talaga siya. She's a silly girl, she likes making fun of herself at kahit anong mangyari, hindi niya mapapalitan ang asawa ko. 

Angel will be forever in my heart, she's still my wife and I'm still wearing my wedding ring so for me, nothing has change. 

Kuntento ako sa kung anong meron ako. At iyon ay ang kalungkutan. I taught myself to be happy with what I have. And that's NOTHING. I'm happy with nothing. I'm contented with sadness. 

And a glimpse of happiness will not change that. 

"Trey..." humarap ako kay Jaime. 

"I'm not okay? I'm not in love with her and I will never love Jenny that way! I might care for her, but that doesn't mean that I'm falling in love. As far as I know, I'm still falling to pieces and I have not time for falling in love cause I'm still busy picking myself up!" gigil na gigil ako. Hindi na muling nagsalita si James. I took a deep breath and walked towards Jenny's room. 

I saw Robi coming. I nodded at him then I opened the door only to find an empty bed.

___________

"I will never love Jenny that way! I might care for her, but that doesn't mean that I'm falling in love...

Ang yabang ng lalaking iyon. Ang yabang niya. Ang akala yata niya makikipagpatayan ako para lang sa pagmamahal niya. Nakakainis. Ang yabang niya. Hindi daw niya ako mamahalin kahit kailan. 

Ano naman sa akin? Kung ayaw niya akong mahalin, eh di wag. Kailangan sabihin niya pa talaga sa harapan ni Sir James? Hindi niya ba naisip na sa lakas ng boses niya maari ko siyang marinig?

Malamang hindi kasi kung naisip niya iyon hindi niya isisigaw. 

Pero wala akong pakialam. Wala akong pakialam kung hindi niya ako mahal kahit na mahal na mahal ko na siya... 

"Nakakainis naman eh..." pinahid ko ang aking mga luha. Bakit ba ako naiiyak? Nasaktan ba ako dahil sa sinabi niya?

"Siyempre nasasaktan ako. Iiyak ba ako kung hindi?"

He said that he's still falling to pieces. Ang akala ko pa naman kahit paano ay medyo magaling na siya. Nagkamali na naman ako.. 

Lagi na lang niyang sinasabing he's falling to pieces. Nakakasawa na. Akala yata niya guma-gwapo siya kapag sinasabi niya iyon. 

"Sasakay ka miss?" dumungaw ang konduktor ng bus. Tinitigan ko siya. 

"Hindi kuya, gagapang ako. Gagapang ako pauwi!" Asar na binuhat ko ang bag ko at saka sumampa na sa lumang bus na iyon. Sa isip ko, naakikita ko pa rin ang reaksyon ng mukha ni Sir Trey habang isinisigaw niya sa buong mundo na hindi niya ako kayang mahalin. 

Gustung-gusto kong itanong sa kanya kanina kung bakit. Itatanong ko sana kung may standards siya. Pero naisip ko, wala na ring sense iyon. Nasaktan na ako.

Siguro nga hindi niya sinasadya, hindi naman niya alam na mahal ko na siya.

"Pero kahit na, wala ba siyang compassion?" biglang tanong ko. Binalingan ako ng konduktor. 

"Ano iyon miss?" tumikwas ang nguso ko. 

"Kinakausap ka? Hindi mo ba nakikita, nag-moment ako?" inismiran ko ang konduktor pagkatapos at pinahid ko ang mga luha ko. 

"Bayad mo." Inirapan ko ang konduktor. 
"Kakasakay ko lang. Excited ka maningil?" naluluhang sabi ko. Mataman akong tinitigan ng konduktor at saka umalis. Akala siguro nito, baliw ako.

It was just so painful. Ganoon kasakit – iyong tipong may pasa ka na, sinuntok pa uli. Ang hapdi, ang sakit. Gusto ko ngang maging manhid lang kahit sandali, pero hindi naman pwede. Naisip ko rin, kung iuuntog ko ulit ang ulo ko, mawawalan ako ulit ng malay, hindi ko na mararamdaman ang sakit.. 

Pero kapag ginawa ko iyon, tanga na ang tawag sa akin. 

"Hindi ko naman sinabi na mahalin niya ako, pero bakit parang diring-diri siya kanina habang sinasabi iyon?" sagana pa rin ang luha sa aking mga mata. Napahagulgol ako. Hindi ko na mapigilan, kahit alam kong may ibang tao sa bus na iyon, hindi ko mapigilan ang mapaiyak. 

"Hoy miss, para kang ano. Tumahimik ka nga diyan!" inirapan ko ang konduktor. 

"Moment ko ito! Kung gusto mong magkamoment, tumalon ka sa bintana! Tapos sisigaw ako ng yehey!" sigaw ko habang umaatungal. Mukha akong tanga, pero paki ba nila? Naiiyak ako. Wala silang magagawa. Itinakip ko sa mukha ko ang aking mga palad. Ang sakit. Wala na akong maisip na salita kundi masakit.. 

Ganoon lang pala iyon noh? Sa loob ng dalawang araw, lalong lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko nga alam kung bakit, siguro kasi dahil sa mga pinakita niya. Ang bait niya kasi, he's too sweet, too caring and I thought na kaya siya ganoon kasi he cares for me.

Hindi naman pala.

Pinahid ko ang ibaba ng ilong ko, tapos ay pinahid ko rin ang mga luha ko. 

"Akala mo gwapo ka ang kapal ng mukha mo! Mas may hitsura pa si Mowhawk sa'yo kahit nakakatawa iyong mukha niya." inis na sabi ko. Tumingin ako sa labas ng bintana, tanghaling tapat pa lang pero sa isip ko, madilim na.

Nasira ang pagmo-moment ko nang may tumabing lalaki sa akin. Hindi naman huminto ang bus kaya sigurado ako na kanina pa siya nakasakay roon. Tinapunan ko siya ng tingin. 

"Kokey?" kunot noong tanong ko. He turned to me and gave me a white hankie. 

"It's Kerky, not Kokey, and I heard what you said kanina, mas gwapo ako kaysa dyan sa iniiyakan mo so bakit mo pa siya iniiyakan?" nakangising tanong niya." Bakit? Bakit?"

"Eh kasi nga mahal ko siya." napahikbi ako. Iniladlad ko ang panyo niya saka suminga. "Alam kong katangahang magmahal ng taong may mahal ng iba pero hindi ko naman kontrolado ang puso ko. My heart pumps blood involuntarily at kapag pinigil ko iyon, mamamatay ako, ganoon din sa pagmamahal sa taong iniiyakan ko. Kapag pinigil ko iyong puso kong mahalin siya, pwede ko rin iyong ikamatay..." naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko... 

"At ayoko pang mamatay." humikbi ako.. "Virgin pa ako, Kokey! Ayokong mamatay ng virgin!" 

"Ha?" tumingin ako sa kanya. 

"Bobo ka! Hindi mo ba alam ang ibig sabihin ng virgin?" humihikbi pa rin ako pero bintukan ko siya. Hinayaan ko na lang lumabas ang mga luhang iyon. Iiyak ako ngayon, mamayang gabi at mamayang madaling araw. 

Pero bukas sa muling pagharap ko kay Santiago Emilio III, hinding-hindi ko ipapakita sa kanya ang sugat na natamo ng puso ko at ang mga luhang iniiyak ko para sa kanya. 

Pipilitin kong maging manhid. Pipilitin kong turuan ang puso ko na huwag na siyang mahalin at susubukan kong hindi na pulutin ang mga piraso ng puso niyang sawi.

Because like him I'm busy picking up the pieces of my heart. 

He broke my heart and I should hate him, but the thing is I couldn't.
I couldn't hate him. 

The Last Neon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon