ipinsalubong sa akin ni Ella nang umagang iyon. Nakakainis. Kung anu-ano ang ginawa niyang kwento tungkol sa akin --- lahat naman hindi totoo! Nakakabwisit!
"Ang kapal ng mukha ng baklang pinsan ni Dora. Huwag na huwag siyang babalik dito sa Tortugas kundi papatayin ko siya pagsapit ng alas sais!" kulang na lang ay lumabas ang litid ko sa leeg kakasigaw.
"Ay friend, bakit hapon na? Agahan mo naman..." binalingan ko siya.
"May naka-schedule ng alas kwatro eh..." naniningkit ang mata na sabi ko.
"Sino?" muling tanong niya. Tinitigan ko siya.
"Ikaw!" nasamid si Ella. Kundi lang talaga ako badtrip, tatawa na sana ako.. pero badtrip ako kaya walang epekto.
"Huwag mo naman akong patayin, made-depress iyong mga estudyante ko..."
"Bebang, may naghahanap sa'yo!" boses iyon ng kapitbahay namin.
"Sino na naman ba iyon?" Inis na bulong ko. Lumabas ako ng bahay. Umakyat lahat ng dugo sa utak ko nang makita ko ang Baklang si Diego.
"Lecheng plan na panis! Ikaw na naman?!" bungad ko sa kanya. He smiled.
"I can very well see that you have read my article." tumawa pa siya. "You know, pwede kong bawiin iyan... kung ibibigay mo sa akin ang gusto ko..." nadedemonyong tinitigan niya ak. Bigla ay napayakap ako sa sarili ko.
"Virgin pa ako at hinding-hindi ko ibibigay sa isang halamangh dagat ang puri ko!" sigaw ko sa kanya. Nalukot ang ilong niya.
"You are not my type." he said calmly. "I need infrmation about Trey... give me that and I'll retract what I wrote about you.."
"At kung hindi?" nang-iinis na sabi ko.
"Magsusulat pa ako ng ikasisira mo." nakangising tugon niya. Nagdilim ang paningin ko. Nilapitan ko si Diego at saka sinapak siya. Sapul sa mukha. Iyon ang naging dahilan ng pagkabali ng salamin niya sa mata.
"Gago ka! Sige, magsulat ka pa ng magsulat ng kahit na ano tungkol sa akin, pero kahit anong gawin mo! Wala kang mahihita! Gusto mo ng impormasyon? Mahal ko si Trey! At kahit na gaano pa kasakit ang ginawa niya sa akin, mahal na mahal ko pa rin siya!" napahikbi ako.. "Kahit na yata anong gawin niya sa akin, kahit na sabihin ko sa sarili ko na hinding-hindi ako aasa na mamahalin niya rin ako, umaasa ako. Kasi alam mo kung bakit? Tanga ako eh! tanga ako!" napapahikbing sabi ko.
"Wala kang manners!" sabi niya habang pinapaampat ang pagdugo ng ilong niya.
"Sa ating dalawa ngayon, sino ang walang manners? Ako na ginagawan mo ng kwento o ikaw na nagsisinungaling sa buong Pilipinas?" nang-uuyam na sabi ko. He looked at me. His eyes were very dark. Nagagalit yata.
"Hey Diego..." Nanigas ang likod ko nang makilala ko ang boses ni Trey. Bigla ay naramdaman ko ang kamay niya sa baywang ko. Napatitig ako sa kanya. "You want an issue?" he grinned at him. "Then write about this..."
And just like that, he kissed me fully on the mouth...
I don't know how to react... I just started crying, in my mind, I was silently wishing for a wormhole to just appear and suck me... gustung-gusto kong mawala dahil sa ginagawa ko. I kept saying na titiisin ko na siya, pero anong ginagawa ko? He heard what I just said... I poured my heart infront of him again...
Ako na naman ang masasaktan.. nagpapakatanga na naman ako...
Sabi ko sa susunod na halikan niya ako, hindi na ako tutugon, pero hindi naman iyon ang ginagawa ko...
Malinaw na malinaw na sa akin ang lahat...
Oo, mahal ko talaga siya at kahit anong gawin ko, matagal bago iyon mawawala...
----------------------------------------
"Huwag ka na kasing umiyak."
Trey kept telling me that, but I just couldn't stop. Matapos ang ginawa niyang eksena sa harapan ng Diegong iyon, hinatak niya ako papaalis sa lugar na iyon at sapilitang ipinasok sa sasakyan niya. He drove away, I just kept silent. I didn't not have the heart to ruin our moment.
Yes, we did have a moment, the time when his lips crushed through mine and I realized that I'm so in love with him.
Wala na... hulog na hulog na ako. Matagal ko naman nang alam na malala na ang sitwasyon ko, ang hindi ko lang matanggap ay ang katotohanan na maski na ano ang gawin ko, hindi ako mamahalin ni Trey...
But he said he loved me...
Sapat na ba ang mga salita niya para maniwala ako?
Hindi ko nga alam kung bakit napakahirap para sa akin ang maniwala sa kanya.
Alam ko na may posibilidad na tama si Ella. Baka nga totoo ang sinasabi ni Trey sa akin, baka nga mamaya, mahal niya ako... baka mamaya, pinipigilan ko lang ang sarili ko na maniwala sa kanya dahil takot na takot ako na baka kahit mahal na niya ako, hindi pa rin iyon sapat para makalimutan niya ang sakit na nararamdaman niya.
"Moment ko... moment ko.. Akin.. kaya wag kang epalness ha?" humihibing sabi ko. Napailing siya.
"Kahit na umiiyak ka, nakakatawa ka pa rin.." napapangiting sabi niya.
"Ganyan naman ang tingin mo sa akin diba? Clown ng buhay mo, laruan na kapag naiinip ka, pupuntahan mo lang para maaliw ka." iyon naman ang totoo. Noong una, ayaw niya sa akin. Kulang na lang ipagtabuyan niya ako, at sa natatandaan ko, sinabi rin niya na kaya niya akong alisan ng trabaho..
Ang buong akala ko, kaya nagbago ang lahat ay natanggap niya na hindi ako ganoon kadali paalisin, mali pala ako... he kept me around so that he can have something for his amusement.
Laruan...
Kahit nakakainis at napakasakit. Iyon ang tingin sa akin ng lalaking mahal ko.
"Hindi iyon ganoon..." mahinang sabi niya. Binalingan ko siya.
"Eh ano? Kaya nga nandito ka diba? Kasi inip a inip ka na sa Maynila. At kaya nga sinasabi mo na mahal mo ako kasi wala ka nang kalaro.. Iyon lang naman iyon diba? Ang simple-simple ng sitwasyon, ginagawa mong komplikado." biglang inihinto ni Trey ang sasakyan. Tumingin siya akin.
"Ikaw ang nagpapakomplikado sa sitwasyon natin, Jenny..." huminga siya ng malalim. "Hindi ba madaling intindihin na mahal kita? Simpleng salita lang naman iyon.. hindi naman iyon Math Problem na ginagamitan ng formula, x or y o kaya man chemistry solution na kailangan ng substance... MAHAL KITA... isang salita lang iyon. Tagalog pa, pero bakit hindi mo kayang intindihin?" malumanay na tanong niya. Napipilan ako.
Oo, madaling sabihin at intindihin ang sinasabi niya, pero napakahirap, paniwalaan noon. Base sa nakita ko.... he built a shrine for his late wife...
At kahit kailan, hinding-hindi ko mapapantayan ang bagay na iyon.
He loved her, she loved him back.
They were married.
They had a life together.
He thought of spending his FOREVER with her.
He even wanted to die just so he could be with her....
Anong panama ko roon?
"Ano bang gusto mong gawin ko? Magsibak ng kahoy? Mag-igib ng tubig? Mangharana? Maging baboy o kaya man tumalon sa pinakamataas na billboard ng Neon?" he held my hand. "Jenny, please, sabihin mo lang kung ano ang gusto mong gawin ko.. gagawin ko talaga, maniwala ka lang na mahal kita..."
"Iuwi mo ako..." mariing sabi ko.
"Kapag inuwi ba kita, maniniwala ka na mahal kita?" biglang tanong niya.
"Hindi." mabilis kong sagot. Huminga ng malalim si Trey. Hindi siya kumibo, ni hindi rin siya gumalaw.
"Iuwi mo ako.." muling sabi ko.
"No..." he said firmly.
"At bakit?" he looked at me.
"I've been trying to be patient, pero dahil ang tigas-tigas ng ulo mo, naiinip na ako. Gustung-gusto na kitang makasama, gusto na ulit kitang mayakap at makatabi sa pagtulog ko, pero ayaw mo naman, so I'm going to try Zach's technique." kumunot ang noo ko. Zach's technique?
"Ano iyon?" he grinned at me.
"Zach locked Audrina inside their house for almost a month. That was before they surrendered to each other."
Locked? As in kinulong? Nanlaki ang mga mata ko.
"Anak ng ahas na hugis ocho! Ikukulong mo ako?!!" sigaw ko sa kanya.
"Hindi..." mabilis na sagot niya. "ever heard of the word, ABDUCTION?" Trey grinned. Kulang ang sabihin na nagulat ako sa mga pinagagagawa niya. I was very shocked with whatever he was trying to do right now. He started the engine and drove off.
"Iuwi mo ako!" sigaw ko sa kanya.
"Hindi nga.. Abduction nga ito... Come to think of it, this was James' technique.. he kidnnaped Irish and trapped her inside that Island.. gawin ko kaya iyon sa'yo? Ikukulong kita sa island ni Jaime, tayong dalawa lang.. then maybe I could be like Anton.." he grineed even more.
Si Sir Anton? Diaskeng Manok.. gugustuhin ko pa bang malaman kung ano ang kabalbalan na ginawa ni Sir Anton noon?
"A-ano namang ginawa ni Sir Anton?" biglang tanong ko. Trey looked at me.
"He got Rika preganant." he smiled evilly. "Then I'll try Ali's, I'll tell your father that something already happend to us, so that he will force you to marry me and then we could live happilly ever after!"
Happily ever after...
Ang mga salitang laging kalakip ng mga fairytale na pambata... mga kwentong paasa.. mga kwentong nagpasimula sa paniniwala na ang tunay na pag-ibig ay maaring matagpuan sa isang prinsipe... Hindi lang nila sinabi na hindi totoo ang happily ever after dahil walang pag-ibig na natutugunan sa tamang paraan.
Napaiyak ako...
Hanggang sa nauwi iyon sa hagulgol..
Again, Trey stopped the car...
"Jenny..."
"Alam mo ba? Gustung-gusto kong maniwala sa'yo.. gusto ko nang yakapin iyang sinasabi mong happy ever after... pero Trey sana huwag mo akong gawing tanga..." napahikbi ako...
"Ang hirap kasing maniwala eh.. lalo na..." I gasped for air. "I saw your room. I didn't mean to snoop around but I saw it.."
I knew that moment that Trey realized something. I just didn't know what it was, but I could see it in his empty looking eyes.
"What do you want me to do?" he asked me. I don't want to hear that question, pero ito nakalatag na sa harapan ko.
"Isang tanong, isang sagot... Ano ba ako sa'yo?" pinahid ko ang aking mga luha. "Hindi ko naman gustong palitan si Angelika sa buhay mo. Hindi ko gustong pantayan siya, dahil alam kong wala pa ako sa kalingkingan niya. Pero Trey, ang hirap makipagkumpetensya sa isang alaala. So I just want to know, where do I stand in your life? Ano ba ako sa'yo?" he fell silent.
Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan....
"Kung masasagot mo siguro ang tanong ko. Siguro kaya ko pang maniwala... pero ngayong na hindi mo pa alam ang sagot... huwag ka na munang lumapit sa akin..." bumaba ako ng sasakyan. Hindi ko alam kung nasaan ako pero kailangan kong lumayo sa lugar na iyon...
Kailangan kong makalayo kay Trey..
Kailangan kong kalimutan ang araw na ito, dahil alam ko.. ito na marahil ang huli naming pagkikita...
BINABASA MO ANG
The Last Neon (COMPLETED)
RomanceSantiago Emilio III a.k.a. Trey Emilio - Neon's drummer had a tormented past. He trapped himself inside a world where loneliness and pain dwells his being. But what if one day, an outsider comes into his life and tries breaking the barriers he build...