Namumugto pa rin ang mga mata ko, kanina hirap na hirap akong pigilin ang pag-iyak ko. Hindi ko nga alam kung bakit eh, pero noong makita ko kung gaano kalungkot si Sir Trey, affected na affected naman ako.
Hidden ability ko yata kasi talaga ang ganoon. Noong college ako, madalas sabihin sa akin ng prof ko na, isa akong interpesonal na tao. Parang ang nais niyang iparating ay madali para sa akin ang makisimpatya at bigyang halaga ang nararamdaman ng ibang tao. Hindi ko rin naman kayang ipaliwanag ang mga bagay-bagay na madalas mangyari sa akin, pero ganoon yata talaga ako.
Hindi ko rin maintidihan kung bakit naisipan kong yakapin si Sir Trey kanina. Damang-dama ko kasi ang sakit sa puso niya. I just thought that if I embrace him, it might help him feel better, pero lalo lang yata siyang naasar.
Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Namumula pa rin ang singkit kong mga mata. Ano kayang nangyari kay Sir Trey Bakit ganoon siya kalungkot? Sobrang lungkot na gusto niyang wakasan ang sarili niyang buhay.
"Life is a big joke, Jenny.."
Bakit kaya niya sinabi iyon? Kung sakaling hindi siya hinatak pababa, tatalon nga kaya siya? Pero bakit?
"Ikaw si...." napatingin ako nang may marinig akong magsalita. Isang lalaking mapakanindig balahibo ang kagwapuhan ang nakatayo sa harap ko. He smiled.
"J-jenny po.."
"Right... Trey's P.A. I'm Anton. Rika's husband.." inilahad niya ang kamay niya sa akin.
"Mawalang galang na Sir, ah.. Kagagaling ninyo lang ho ba ng CR?" tanong ko. Tumango naman siya. Napangiwi ako.
"Ahh.. eh di hinsi kayo ma-o-offend kapag hindi ko kaya kinamayan..." saglit na natiglan siya. Tila nag-iisip. sa huli napatango na lang siya at ibinaba ang kanyang kamay.
"Sorry.. nakalimutan ko eh..." natatawang sabi niya.
"Okay lang ho..." mahinang sagot ko... Tumayo siya sa tabi ko at tulad ko, itinuon rin niya ang pansin sa salamin na nasa aming harapan.
"Rika said you're one tough girl. And that made you so qualified for this job." nagyuko ako ng ulo. Pero sa tingin ko napansin na rin niya ang pamumugto ng akong mga mata. "Trey is one lonely man, Jenny. He needs someone like you... kaya sana intindihin mo siya... Be strong for him, kasi alam mo, nagpapanggap lang siyang kaya niya pero alam naming hindi."
"Mawalang galang ho ulit, Sir Anton..." tumingin ako sa kanya. "Hindi... ano..." huminga ako ng malalim. Paano ko ba itatanong sa kanya kung anong sapak ng kaibigan niya? He gave me a sad smile...
"His wife died a year ago..." biglang tugon niya. He just shrugged. "Rika, told me that you don't know anything about Neon so I figured that you don't know about that too.."
Napatango ako. That explains everything. His empty eyes, his sadness, his disgust with life... everything. That's why he said that ig he die, he'll be with her... Pinahid ko ang mga luha kong gusto na namang mag-running pababa sa aking mga pisngi.
"Ang lungkot-lungkot ho niya..."
"Oo... we tried everything, pero wala eh.. He trapped himslef in his own world and it seem na wala siyang balak na papasukin ang kahit na sino sa amin."
"He loved her so much..." mahinang bulong ko. "And when she died, he fell apart..." ang lungkot-lungkot... Noong isang buwan, wala akong ibang naiiisip kundi kung gaano kalungkot ang buhay ko dahil nawalan ako ng trabho, pero ang hindi ko alam, may taong mas malungkot pa sa akin. Iyong taong nawalan ng minahal, iyong taong gustong wakasan ang sarili niyang buhay dahil sa sobrang kalungkutan.
He thinks his all alone in this cruel world...
Ang buong akala niya, wala nang taong kayang magmahal at umintindi sa kanya.
"Salamat ho ah..." muli ay tiningnan ko si Sir Anton. Kumunot ang noo niya.
"Para saan?" nagkibit-balikat ako.
"Sa pagtulong sa akin para mas lalo ko pa hong maintidihan si Sir Trey. Kahapon ho kasi, naaasar ako sa kanya, kasi ho ang sama ng ugali niya..." natawa si Sir Anton.
"My wife is right. You're one of a kind..." tatawa-tawang sabi niya.
"Ewan ko ho sa inyo..." biglang sabi ko. Kailangang magtawa? "Sige Sir Anton, diyan ka na.. hahanapin ko pa ho si Sir Trey..." napabuntong hininga ako. Kailangan ko talagang makita ang taong iyon kasi baka mamaya kung ano na naman ang maisip niyang gawin.
Siya na yata talaga ang pinakamalungkot na taong nakilala ko. Kung ikukumpara ko siya kay Mang Ramiro ------- iyong security guard sa school na pinagta-trabahuhan ka noon, lalabas na may pag-asa pa sa buhay si Mang Ramiro, kaysa sa kanya. Pareho lang naman sila ng sitwasyon. Pero si Sir Trey... hay...
I wish I can do something to make him feel better. Wala namang nagawang maganda ang pagyakap ko sa kanya. Nag-init lang ang ulo niya pero pagkatapos noon, malungkot na naman siya.... hay talaga....
Lumiko ako, hindi ko alam kung saan patungo ang daang tinatahak ko, nagbabaka-sakali lang naman ako na baka makita ko si Sir Trey dito...
"Ikaw na naman?" muntik na akong mapasigaw nang marinig ko ang boses niya. Nakaupo siya sa tabi ng vendo machine, nakayuko, habang may hawak na isang bote ng tubig. "Don't worry, sa ngayon wala pa ulit akong planong magpakamatay..."
Was that supposed to be a joke? Kung sakaling nagbibiro man siya, pwes hindi ako natatawa.
"Hindi kayo nagibibiro no? May plano ho talaga kayong magpakamatay?" tanong ko. Hindi siya sumagot. He looked at me, his empty eyes looked sadder and colder now.
"Hindi mo ba maintindihan iyong phrase na Leave me alone?" sarkastikong sabi niya. Umiling ako.
"Sa tingin ko ho, hindi ninyo rin naiintidihan iyong phrase na Hindi ko kayo pwedeng iwanan. Kumbaga sa transfomers, ako na ho si Bumblebee at kayo na ho si... " napapalatak pa ako. "Ano bang pangalan ni Shia doon? Ah basta, kayo na iyong lalaki, at kahit anong mangyari, hindi pwedeng iwan ni Bumblebee si Shia kasi..." napakamot ako ng ulo.
"Kasi ano?" biglang tanong niya. Huminga ako ng malalim.
"Ewan ko. Nakatulog ako noon sa sinehan, tulo laway pa nga ako eh..." I was trying to make him smile but all I got was a simple smirk.
"Nalulungkot pa rin ho ba kayo?" muling tanong ko. Sumandal siya at inilapat ang kanyang ulo sa pader.
"That's the under statement of the year, Jenny. I'm not sad. I'm grieving and as the days passed by, I'm slowly falling to pieces." ayan na naman... nararamdaman ko na naman ang sakit sa dibdib niya. Umupo ako sa kanyang tabi at ginaya ang posisyon niya.
"Bibili na lang ho ako ng super glue..." mahinang sambit ko. Napatitig siya sa akin, nagtatatanong ang kanyang mga mata. Tila hindi niya maintidihan ang ibig kong iparating. Nagkibit-balikat ako.
"You're falling to piecese diba ho? Kaya bibili ako ng super glue, pagkatapos, pupulutin kita isa-isa at ididikit ang bawat piraso mo, para hindi ka na mag-fall to pieces... "
I looked at him again. Somehow, I wanted to believe that the smirk on his face was a simple smile. He's just to shy to let me see that....
__________
Please be strong Jenny. Iyon kasi ang kailangan ni Trey sa ngayon, isang taong mapaghuhugutan niya ng lakas.."
Iyon ang ibinilin sa akin ni Miss rika, bago niya tapusin ang usapan naming dalawa. Hindi nga ako makapaniwala na ang babaeng walang black heads ay nakikiusap sa akin na maging malakas para kay Trey. Kung anu-ano pa ang sinabi niya sa akin kanina, ayon sa kanya, hindi naman daw talaga ganoon si Sir Trey.
Masayahin daw itong tao at mapagbiro. Sa katunayan daw ay si Trey ang pinakamakulit sa lahat... but i guess that changed when his wife died. Tahimik na lumabas ako sa kanyang opisina at naglakad patungo kung saan para hanapin na naman ang alaga ko. Iyong kumag na iyon, kung saan-saan nagpupunta. Tumingin ako sa aking relo, mag-a-alas kwatro na pala ng hapon.. Nasaan na kaya ang kumag na iyon?
Naghintay ako sa lobby ng building, nagbabakasakali na makita ko si Sir Trey, pero nainip lang ako wala pa rin siya... Sa sobrang inip ko, naisipan kong ipasak na lang sa tainga ko ang I-pod na lagi ko namang dala-dala.. iginalaw-galaw ko pa ang aking ulo..
"Yeah... bounce to you, bounce to you..." ipinikit ko ang aking mga mata.. Iniimagine ko si KYU HUN habang sumasayaw ng Bonamana... ihh, ang gwapo niya talaga...
Napamulat ako ng biglang may humatak ng isang headset ko.
"Anak naman ng mga magulang oh! Muntik mo ng tanggalin iyong headset ko eh..." tiningala ko ang taong nakatayo sa harapan ko. Ang naka-kunot na noo ni Trey ang sumalubong sa akin.
"You look stupid." he said. Ngumiwi ako.
"Stupid? Ikaw Adik." tumayo ako. Nakakainis, sa imagination ko, malapit na naming matapos ni Dong Hea ang dance of love namin tapos eeksena ang gunggong na ito.
"Eksena bells ka masyado..." bulong ko. Isinukbit ko ang bag ko sa aking balikat. "Sabi ni Miss. Rika, um-attend ho daw sa gig ninyo."
"What are you listening to?" he asked. Nakakunot pa rin ang noo niya.
"Wala ho... halika na ho. Kailangan nating magpunta dun sa gig nila." tatalikod na sana ako ng bigla niyang pigilan ang kamay ko. Tumaas ang kilay ko. "Bakit ho ba?"
"Dito kasi iyong daan hindi diyan." agad rin naman niyang binitiwan ang kamay ko. Naglakad kami patungo sa parking lot ng building. Lingon ako ng lingon, hinahanap ko ang kotse niya pero hindi ko naman makita. Napansin ko na lang na huminto siya sa tapat ng isang big bike.
"Diyan tayo sasakay?" tanong ko.
"Oo, bakit takot ka sa motorbike?" he asked me. Wala pa ring emosyon ang mga mata niya.
"Hindi ho." bakit naman ako matatakot doon? Adik yata talaga ito. Inabot niya sa akin ang extra helmet, isiuot ko iyon habang in-start na niya ang makina ng motor. Walang kaabog-abog na umangkas ako sa likod niya at saka ipinatong ang mga kamay ko sa balikat niya.
I felt his stiffnes, tila naninibago ang katawan niya sa haplos ko. Ngumuso ako.
"Ang arte..." bulong o pa. Muling ibinaba ko ang aking kamay.
"Bakit mo inalis? do you wanna die?" he asked sarcastically.
"Eh sorry... akala ko ho kasi nag-iinarte kayo." ibinalik ko ang kamay ko sa kanyang balikat. Hindi na niya pinansin ang huli kong sinabi. Pinatakbo na niya ang motor bike... maya-maya ay lumalabas na kami ng building...
Nakakatuwa... ngayon na lang ulit ako naka-back ride... Ngiting-ngiti ako habang tinatahak namin ang malawak na kalsada ng siyudad. I love the feel of the wind on my hair. Sobrang natutuwa ako, tuwang-tuwa na hindi ko napansin na lumagpas na pala kami sa dapat naming destinasyon.
"Hoy! Hoy! lagpas na tayo.." Pilit kong hinahatak ang balikat niya. Hindi ko kasi alam kung naririnig niya ba ako o hindi. Lumiko siya sa isang kanto, hindi pa rin niya ako pinapansin.
"Hoy! Ungas toh! Lagpas na nga tayo eh!"
"Alam ko. Sinabi ko bang doon tayo pupunta?" kumunot ang noo ko. Ibig sabihin nagoyo lang niya ako? ibig sabihin wala talaga siyang balak magpunta doon? Hay naku.. kasarap batuklan ng taong ito...
Muling kaming lumiko. Napansin ko na pataas ng pataas ang daan na tinatahak namin. Saan ba pupupunta ang mokong na ito? Nasagot ang tanong ko nang huminto kami. Agad kong inalis ang helmet sa ulo ko at saka bumaba... Mula sa kinatatayuan ko ay nakikita ko na ang buong siyudad... Pagabi na noon at unti-unti nang lumiliwanag ang mga ilaw ng bawat building... napangiti ako... maliit na ilaw... mumunting mga bituin.. ang ganda...
"Nasaan tayo?" nagtatakang tanong ko. Nakita kong may kinuha siya mula sa secret comparment ng motor niya.
"Hindi ko alam. At ayokong alamin." he looked at me. "I come here every night just to drink." Hinagis niya sa akin ang isang lat ng beer. Nasalo ko naman iyon.
"Ang lakas naman ng trip mo." napapailing na sabi ko. Binuksan ko ang beer at saka nilagok iyon. Hindi ko maiwasan ang tingnan siya. Hanggang ngayon ay nakikita ko pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata.
Naalala ko tuloy iyong sinabi ni Ms. Rika. Sana talaga noon ko na lang siya nakilala.
"Kilala mo ba si Doreamon?" tanong ko sa kanya. Sumalampak si Trey sa damuhan.
'He's that guy who has a little pocket that holds a lot of things..." malungkot ang kanyang tinig.
"Tama!" Tumabi ako sa kanya.
"Do you know my wife?" natigilan ako. Hindi ko inaasahan na tatanungin niya iyon sa akin.
"Hi-hindi po..." nagyuko ako ng ulo. Naramdaman kong nakatingin siya sa akin.
"Really? Bakit? Hindi ka nanonood ng t.v. o nagbabasa man lang ng tabloids?" umiling ako. "Are you for real?"
"Kahit naman ho hindi ko siya nakilala, alam kong mabait siya. Alam kong espesyal siya sa inyo at alam kong mahal a mahal ninyo siya." muli akong binigyan ni Trey ng lata ng beer. Binuksan ko ulit iyon. Silence filled the distance between us. Hindi na siya nagsalita, hindi na rin ako kumibo. Nagpatuloy lang ako sa pag-inom, ganoon rin naman siya.
Again, I felt his sadness.
"Why did you pulled me that day?" biglang tanong niya. "Naawa ka sa akin?" dama ko ang pait sa kanyang tinig.
"Hindi... hindi ninyo naman kailangan ng awa, diba? I pulled you down because I don't want you to die. I pulled you down kasi naniniwala ako na may pag-asa ka pang maging masaya. Ginawa ko iyon kasi ayaw kitang mamatay, hindi dahil sa naaawa ako sa'yo."
"Good..." nilamutak niya ang lata ng beer na para bang papel lamang iyon. He sighed. Nagbukas ulit siya ng isa pang lata at saka tinungga iyon... Tahimik na pinapanood ko siya. Nag-iisip.
Ano kayang pwede kong sabihin para mawala ang lungkot niya kahit ngayong gabi lamang... Paano ko kaya siya mapapangiti.
"Sir..." untag ko sa kanya.
"Shut up, Jenny. Ayoko ng maingay kapag umiinom ako." maangas na sabi niya, I sighed. Kainis naman... magjo-joke pa naman sana ako.
Minutes have passed.. nililibang ko na lang ang sarili ko, sa tuwing mauubos ko ang binibigay na alak sa akin ni Trey ay inaabutan ulit niya ako ng bago..
Ilan kaya ang stars sa universe? Tanong ko sa sarili ko...
The minutes turned to hours...
Kakausapin pa kaya ako ng kumag na ito? Pasimpleng tiningnan ko siya. Nakatingala siya sa kalangitan... tila nag-iisip... parang binibilang rin niya ang mga bituin... Napamulagat ako ng bigla siyang sumigaw.
"Ibibigay ko lahat ng kayamanan ko, makita lang kita uli!" Ibinato niya kung saan ang hawak niyang lata. Nag-init naman ang mga mata ko.
Hayaan na naman ang kalungkutan niya... nararamdaman ko na naman ang bawat sad molecules sa katawan niya.
"I'm stupid.." he said. I shook my head.
"No.. you're not stupid." You just love her so much... gustung-gusto kong sabihin iyon, pero hindi ko magawa. Matamang tumitig ako sa kanya.
"Hayaan ninyo, Sir... hahanapin ko ho si Doreamon, tapos kapag nakita ko siya, hihiramin ko iyong time machine niya tapos sasamahan ko ho kayong magpunta doon sa oras kung saan maari ninyo pa siyang makasama muli..."
Dahan-dahan niya akong nilingon. Napapapikit ako... nakakaramdam ng kaba dahil baka mamaya, hindi niya nagustuhan iyong sinabi ko...
But when I saw that faint smile on his face... I couldn't help but to feel good. And then, things got more better wwhen he said,
"Thanks, Jenny..."
Habang nakatitig ako sa kanya... bigla kong naisip kung ano ba talaga ang gusto kong gawin habang magkasama kaming dalawa...
Naisip ko, habang magkasama pa kami, gagawin ko ang lahat para lumaki ang ngiting iyon... para marinig ko ang halakhak niya... para bumalik ang dating Trey na sinasabi ni Ms. Rika...
Tama! Keri bells iyon..
I'll do everything just to heal his wounded heart....
BINABASA MO ANG
The Last Neon (COMPLETED)
RomanceSantiago Emilio III a.k.a. Trey Emilio - Neon's drummer had a tormented past. He trapped himself inside a world where loneliness and pain dwells his being. But what if one day, an outsider comes into his life and tries breaking the barriers he build...