Chapter Seven

50.9K 1.1K 40
                                    

"Bakit ba may taong nagpapa-mowhawk? Manong kung gusto nilang kalbo sila, magpakalbo na lang sila." inis na ibinalik ko sa estante ang magazine na hawak ko, kunot na kunot ang noo ko habang nakikipagtitigan ako sa drummer ng bandang iyon na may mowhawk.


"Hindi mo pa ba nakikita iyang mga iyan?" tanong sa akin ni Shasha. Nasa loob kami ng isang book store, tumitingin si Shany ng bagong libro na pwede raw niyang basahin at ibahagi sa klase niya.

"Kapag ba nakita ko sila, magkakapera ako?" tanong ko sa kanya. Sa halip na sumagot ay binatukan niya ako.

"They are called The Pastels, Bebang. At sila ang bagong brother band ng Neon." Brother band? Napabuntong hininga ako.

"Kahit sister band pa sila, mapangit pa rin siya, akala yata niya maganda iyong ganyang buhok. Kung ako sa kanya, nagpakalbo na lang ako." napailing ako, bakit ko ba pinproblema ang lalaking iyon? Nakakainis lang talaga kasi iyong hitsura niya.

"He's name is Kerky..." napakislot akop. Ano ba namang klaseng pangalan iyon. Hay nako.. ang mga kabataan nga naman ngayon. Pabirong hinatak ni Shany ang buhok ko. Binelatan ko naman siya, nagtungo na kami sa cashier.

"Oo nga pala, Bebang, namili ka na ng regalo para sa Sir Trey mo?" nilantungan niya ang pagbigkas sa pangalan ni Sir Trey.

"Bakit? Birthday niya?"

"Gosh!" sumigaw bigla si Shasha. "Ikaw ang nagta-trabaho dun! Kasama mo sila lagi, pero hindi mo pa rin alam?! Oo, bithday niya, bukas na nga iyon eh, pero wala ka pa ring kamalay-malay? Palibasa kasi namumuo iyang super junior sa utak mo! Grabe!"

Birthday ni Sir Trey bukas? Napangiti ako. Ang galing naman. Napangiti ko siya bago tumuntong ang araw ng kanyang kapanganakan. Ang galing... simula noong ngumiti siya, medyo gumaan ang pakikitungo niya sa akin. Kahit paano ay nagbago ang kulay sa kanyang mundo, kung noon ay kulay itim lang iyon, ngayon meron ng halos maliit na sparks of gold and blue. Unti-unti ay gumagaan na ang tingin niya sa buhay. At sa palagay ko, hindi na rin niya iniisip na wakasan ang sarili niyang buhay.

"Ang galing-galing mo naman, Shasha..." nakangiting sabi ko, pasimpleng kinurot ko ang tagiliran niya.

"Talagang magaling ako, number eight sa borad exam.." nadagdagan ng yabang ang tono niya. Umiling ako.

"Number six si Ella. Mas magaling siya sa'yo." kinindatan ko siya.

"Nangopya si Ella sa akin. Wag ka nang magreklamo." binayaran na ni Shasha ang mga pinamili niya. Pagkatapos ay tinahak na namin ang daan palabas ng mall. Dumadaldal pa rin siya, kung anu-anong sinasabi. Kung madaldal ako, mas madaldal siya. Kaya nga siguro kami nagkasundo kasi parehas ang character traits namin, pati na rin ang zodiac sign.

Gabi na nang makauwi kami sa bahay. Iniisip ko pa rin si Sir Trey... ano kayang ibibigay kong regalo sa kanya? Parang wala naman na kasi siyang ibang kailangan sa mundo, lahat na ng materyal na bagay makukuha niya, may pera at kayamanan naman siya. Isa lang ang wala sa kanya, HAPPINESS... at hindi ko naman kayang ibigay iyon. Kahit siguro isangla ko ang kaluluwa ko sa kahit na sinong Poncio Pilato, hindi ko pa rin kayang bumili ng happiness.

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Bling nang pumasok siya sa kwarto ko.

"Drawing lang.. gusto mo drawing kita?" nakangiting tanong ko. Pinadaan niya ang hintuturo niya sa ilalim ng ilong ko.

"Hoy, Bebang... baka naman, naiinlab ka na diyan sa boss mo?" Natigilan ako. Binalingan ko siya ng tingin. Nanlalaki ang mga singkit kong mata. AKO? IN LOVE? KAY SIR TREY?

UNACCEPTABLE!

Kahit na anong mangyari hindi ako maiinlove sa kanya.

Hindi dahil sa ayoko sa kanya. Mabait naman si Sir Trey at kahit na malungkot siya, nakikita ko pa rin ang kabutihan ng kanyang puso.

Ang ayoko lang ay ang komplikasyong hatid niya sa buhay ko, kung sakali man na mangyayari nga ang sinasabi ni Bling.

Obviously, he's still so in love with his wife, kaya nga mahirap para sa kanya ang pakawalan ito. Kaya nga hanggang ngayon, nananalaytay pa rin ang sakit s akanyang puso. Ang isa pa, mahirap makipagkompetensya sa alaala ng isang taong matagal ng wala. Ayokong mangyari sa akin iyon.

"Hindi ah! Birthday niya lang... kaya naggagawa ako ng gift para sa kanya." malakas na sigaw ko. Natawa si Bling.

"Wala namang masama kung mai-in love ka nga sa kanya. Mukha namang mabait iyon eh, saka malay mo, siya ang destiny mo."

"May iba siyang destiny, at hindi ako iyon. Pero tutulungan ko na lang siyang hanapin ang destiny niya habang magkasama pa kami." napabuntong hininga ako. Hindi ko naman balak magtagal sa trabahong ito, makaipon lang ako ng sapat, babalik ako sa probinsya namin, tapos doon na lang ako. Matagal ko naman nang balak ang umuwi sa amin. Miss na miss ko na rin ang Nanay at Tatay ko, ayoko lang talagang umuwi ng walang laman ang bulsa ko. Sa estado ng trabaho ko ngayon, mukha namang makakaipon na ako... Ms. Rika is a very good boss... and she pays good too.

"Hindi mo rin masasabi iyan. Sige na matutulog na ako, night, Bebang." nalukot ang ilong ko.

"Eww... don't call me that name!" naiinis na sigaw ko. Nang makalabas si Bling ay saka ako napaisip.

Posible ba na mahulog ang loob ko kay Sir Trey?

Arghh! Ayokong mag-isip. Ako kasi iyong tipo ng tao na kapag nag-iisip, nangyayari. Ayoko ng ganoon. Natatakot ako na baka mangyari nga. Hindi ako dapat mahulog sa kanya...

"Ayoko... ayoko.. ayoko..." bulong ko.. napapaili na itinuloy ko na lang ang ginagawa ko... sana magustuhan niya ang drawing ko... Nalilibang na ako sa ginagawa ko nang biglang mag-ring ang alaga kong decepticon.. inabot ko ang cellphone ko saka tiningnan.. num,ber lang iyon. Sino kaya iyon? Sasagutin ko ba? Naku paano kung jejemon iyong tumatawag sa akin?

Pero parang gusto ko pa ring sagutin, paano kung hindi pala jejemon iyon? Paano kung si Jollibee iyon? "Waahh sasagutin ko na nga!"

"He-hello?" kinakabahang bungad ko... gosh sana hindi jejemon ito..

"Hey, Jenny. It's Trey.." tila biglang naging musika sa aking tainga ang kanyang tinig. It's Trey... Parang gusto kong magkikisay sa kama ko... alam kong mali pero bakit kinikilig ako?

"Si-sir Tr-trey.... b-bakit ho?" tanong ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit niya ba ako tinawagan, may golay! At bakit hindi ako mapakali???

"Nothing, I just..." I heard him sigh. "I can't sleep, so I asked rika for your number, I hope it's okay..." natunaw ang puso ko... bakit? Bakit ako nagkakaganito?

"O-okay lang ho. May kailangan ho ba kayo?" umubo ako saglit, para kahit paano ay hindi niya mahalat ang kilig sa tinig ko.

"I just need someone to talk to. Nasaan ka ba? I'll pick you up.." nakaramdam ako ng kuryente sa aking katawa. I'll pick you up daw." kung susunduin niya ako, saan naman kami pupunta? "But if it's not okay, I'll just call Ro-----"

"Okay lang ho sir. Nandito na ho ako sa bahay namin eh.. alam ninyo ho ba?" kinakabahang tanong ko.

"Yeah, I knw where that is. Just wait for me sa labas ng gate ninyo, I'll be ther in fifteen minutes." pagkasabi niyon ay tinapos na niya ang tawag. Natutulalang binaba ko sa aking tabi ang cellphone ko.

Susunduin niya ako... pero saan kami pupunta? Bakit ako ang tinawagan niya? Ang dami naman niyang friends,.... pero ako pa ang tinawagan niya?

Kikiligin ba ako?

Pero bakit? Wala naman akong gusto sa kanya... Pero kahit ayoko ay nakakaramdam nga ako ng kilig.

"Grabe, wag ka ngang lumandi." bulong ko sa sarili ko, dali-dali akong nagpalit ng damit. Kinuha ko ang bag ko, at saka ang regalo ko kasy sir Trey, inilagay ko iyon sa isang brown envelop pagkatapos ay isinama ko na rin ang maliit na kahon na noon ko pa laging dala. Hinatak ko rin mula sa likod ng pintuan ko ang aking jacket at saka isinuot iyon. Nagmamadaling lumabas na ako ng kuwarto.

"Saan ka pupunta, Bebang?" tanong ni Shany. Paakat pa lang siya noon.

"May emrgency sa trabaho. Sige diyan ka na." Tinahak ko ang daan papunta sa main door ng bahay. Patakbong lumabas ako ng gate at tumayo roon. Kakasarta ko pa lang ng tarangkahan ay may nakita na akong isang nakakasilaw na liwanag galing sa isang motorsiklo. Dumagundong ang puso ko. Tumapat siya sa akin at saka itinaas ang salamin sa helmet niya.

"Hey.." simpleng bati niya. Itinaas ko ang kanang kamay ko at saka kumaway.

"Eoew pfuh..." biro ko.. napailing siya at saka inabot sa akin ang extra helmet niya.

"Wanna know where we're going?" he asked me. I stared at him. Oo, gusto kong malaman kung saan kami pupunta, hindi lang iyon, gusto ko ring malalamn kung anong tumatakbo sa isipan niya. Gusto kong malaman kung anong tingin niya sa akin, gusto kong malaman kung hanggang ngayon ba ay nagluluksa pa rin siya...

Pero sa dami ng mga bagay na iyon, ngiti lang ang naisagot ko.

"Hindi na sir... Alam ko naman, when I'm with you, I'm safe..." nakangiting sabi ko. He did not speak. I couldn't even see his reaction, naka-helmet kasi siya. Sinenyasan niya na lang akong umangkas sa likod siya. Inilagay ko ang mga kamay ko sa kanyang balikat...

But then... Trey I mean Sir Trey took my hands and put in on his waist. Hindi lang iyon, nang nasa baywang na niya ang mga kamay ko, hinatak niya ako bigla, hayun tuloy, nakipag-face to face ako sa likod niya. Pinag-krus niya ang mga kamay ko at saka sinabing.

"Hold tight, Jenny, we're going to fly..." hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Dapat ba akong matakot dahil sa sinabi niya pero bakit parang hindi ako makaramdam ng kahit na ano? Dahil yata iyon sa distansya ng katawan ko at ng likod niya....

My heart was beating fast and my hands were sweating... why am I being like this? I just... I just really think that me... being ths close to him is fatal.. gustong-gusto ko naman ang pakiramdam na ganito kami kalapit sa isat-isa.

Ayan ka na naman Jenny.. hindi ka na naman makapag-isip.... bakit ba kasi? Bakit ba?

________

Sir Trey brought me to that nameless place again. Napapangiti ako, mas maganda kasi ang view ngayon doon kaysa noong huli kaming napunta. Gabi na kasi, at mula sa kinaroroonan namin, kitang-kita ang siyudad sa ibaba, kitang kita ang mga naggagandahang ilaw na nagmimistulang maliliit na bituin..

"Ang ganda..." namamanghang bulong ko. "Ang galing..." Binalingan ko si Sir Trey, nakatayo siya sa tabi ng motorsiklo niya, at tahimik na minamasdan ang view sa ibaba... Napanguso ako, quiet time pala ngayon, nakalimutan ko. Ang buong akala ko kasi kaya niya ako tinawagan kasi gusto niya ng kausap. Mali na naman ako.

Akala ko pa naman huli ko na ang ugali niya. Akala ko kahit papaano ay nakikilala ko na siya, nagkamali ako. Hay... Sumalapak ako sa damuhan at saka tumingala. Naalala ko noong bata pa ako, madalas kaming umakyat ng sangko ko sa bubong tapos binibilang namin ang mga bituin... kamusta na kaya iyon ngayon...

"One thounsad, two hundred forty - five..." bilang ko. "one thousand two hundred forty six..."

"Anong ginagawa mo, Jenny?" biglang tanong niya. Nakita ko na lang na nakatabi na pala siya sa akin at ang lapit-lapit na ng mukha niya sa mukha ko.

"Nag-uh,, bibilang po ng stars..." mahinang sagot ko, inilayo ko ang mukha ko sa kanya. Tumango si Sir Trey... "Ayaw ninyo na naman pong ngumiti.."

"I'm lonely, Jenny.." agad na sabi niya. Napabuntong hininga na naman ako.

"Alam ko naman po iyon, Sir..." hinawakan ko ang kamay niya..."Pero habambuhay na lang po ba kayong malulungkot? Hindi naman po sa nakikialam ako, pero somehow, you have to let her go.... kahit po mahirap.. kahit po nakakalungkot..."

"I haven't cried..." biglang sabi niya. Napaawang ang labi ko. Anong ibig niyang sabihin? Hindi pa siya umiiyak mula ng mawala ang asawa niya?

Maybe that's why it's so hard for him to let her go.. hanggang ngayon ay hindi pa rin niya tanggap ang pagkawala nito..

Kaya hanggang ngayon naghihintay siya...

"I cried once in the hospital but that's it... I haven't cried since then..." muling sabi niya.

"Why?" hindi ako makatiis na hindi magtanong.

"I just don't want to feel the pain of losing her..." hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya.

"That's just so sad..." bulong ko... He turned to me, this time his eyew were not empty at all, it was full of sadness, longing and pain.

"You know what's sad?" he asked... "She died in my watch, Jenny..." huminga siya ng malalim. "Fuck! I couldn't do anything.." napasinghap ako ng makita ko ang mga luhang nag-uunahang lumandas sa kanyang mga pisngi.

"She died in my fucking arms and I couldn't do anything. I wanted to save her... I wat to take away all her pain... but I can't... wala akong magawa." sinabunutan niya ang sarili niya. Napahikbi ako. "I kept calling her name... I kept begging her to comeback to me... "

Kinuha ko ang mga kamay niya at hinawakan iyon. Pilit siyang kumakawala...

"Sir... sir.. please..." bulong ko... He stared at me... I think that was the last of it... he just cried... and it was an agonizing sight.

"I wanted to save her... but how could I do that? It was so sudden... i thought...." he whimped. "She was pregnant! We were going to have a family. Fuck!" he said. He was still crying. Kulang na lang ay lumabas na ang puso niya sa sobrang pag-iyak habang ako, hawak ko pa rin ang kanyang mga kamay at pilit pinipigilan ang aking mga luha...

Pero hindi ko magawa.

"One ... one moment we were happy and the next thing I knew... I'm all alone, lonely and broken..." napahikbi na rin ako. Heto na naman siya, ang lungkot-lungkot na naman niya.

"Sir... tama na..." I consoled him. He turned to me, hilam na siya ng luha. Nakaramdam ako ng kakaibang sakit sa aking puso. Hindi ko talaga kayang makita siyang nasasaktan ng ganito. Kung bakit ay hindi ako alam, pero ayaw ko talaga ng ganito siya. So I kneeled infront of him, I don't know if it's okay for him to be hug by someone like me, but he's in so much pain and I want that to go away...

I embraced him, tightly... I let him cry on my shoulders. He rested his head on my chest...

"I love her... I still love her..." a sharp pain crawled in my chest... I just ignored that.. nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil nakikita ko siyang ganito, hindi ako dapat masaktan dahil sa ibang rason. Iyon lang at wala nang iba pa...

"I thought we had forever..." he said again. I just keep caressing his back.. I was silently praying that he won't say those four dreadful words I hate the most...

"I'm falling to pieces, Jenny.." lalong humigpit ang yakap ko sa kanya. He said it, the words I didn't want to hear... he said it... I cupped his face. Dahan-dahan kong pinunasan ang luha niya.

"Naalala ninyo ho ba iyong sinabi ko? I told you that I'm gonna buy you Super Glue, tapos, pupulitin kita isa-isa at ididikit... at kahit imposible, ire-repair ko iyang broken heart mo... pero sana, hayaan mo akong gawin iyon... kasi kahit hindi ko ho alam kung bakit,sa tuwing sinasabi mong "I'm falling to pieces..." parang nahuhulog rin iyong piraso ng puso ko... doble ang sakit na nararamdaman ko kapag nasasaktan ka..." umiiyak na sabi ko..

Trey just looked at me. He didn't say anything. He was just staring at me. I guess he undrestood what I said. He nodded. And then he hugged me.

In my head I was arguing with myself... I keep telling my heart not drown, not to fall... not to let him penetrate that part of my heart. But it's too late.

Cause he's already in. and i just fall... and now I'm screwed...

The Last Neon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon