Chapter Eighteen

45.5K 1K 35
                                    


"Diba syota mo iyong Neon? Bakit pinaalis mo?" binatukan ko si Ella. 

"Hindi ko syota iyong Neon. FYI, may asawa na sila lahat... except for Sir Robi..." I looked at Ella. Sinabi ko na sa kanya ang lahat. Wala na rin namang saysay ang itago pa sa kanya ang mga pangyayari sa amin ni Trey noon. Masyado nang lumalalim ang sugat, lalo na ngayon na ipinagpipilitan niya na mahal niya ako. 

Tinupad niya ang sinabi niya noon tungkol sa pagpunta dito araw-araw. 

Kaya tuloy araw-araw, aligaga ako... hindi ako mapakali sa takot na kapag humapon na makikita ko na siya. Ayoko siyang makita. Humihina kasi ang depensa ko. 

"Anong sabi mo sa kanya?" muling tanong ni Ella. 

"Ayun, sabi ko, kapag bumalik pa siya, sasampalin ko siya ng bangus." natawa ako. Umiling naman si Ella. 

"Hindi ba sumagi sa isip mo na baka mamaya mahal ka nga niya at kaya nagpupunta siya dito ay dahil gusto ka niyang makasama?" hindi ako nakasagot. Naisip ko na rin kasi iyon... 

Pero kaya lang... lagi naman nagigibabaw sa akin ang takot na baka mamaya, masaktan lang ako... 

"Huwag na lang natin pag-usapan. Na-stress ako.." nag-iwas ako ng tingin. Niyakag ko na lang si Ella na maglakad-lakad sa labas. Ayoko lang talagang maisip si Trey.. kailangan mawaglit siya sa isip ko...

"Saan tayo pupunta?" tanong pa niya. 

"Diyan lang, lika na..." naglakad-lakad kami.. okay naman ang lahat... tinungo namin ang daan patungo sa may tulay.. kahit paano hindi ko naiisip si Trey... kahit paano nalilimutan ko siya... ayos na rin... 

Napatigil lang ako nang mapansin kong may isang itim na sasakyan ang huminto sa harap namin. Kinabahan ako. Ayan na naman si Trey... 

"Ano na naman ang ginagawa ng unggoy na iyan dito?" kunot na kunot ang noo ko. Susugurin ko na sana pero biglang bumababa ang tao sa sasakyan. Hindi si Trey iyon... 

"Hi... Ikaw si Jenny Salaveria diba? Your Trey's lover..." tiningnan ko ang nagsalita mula ulo hanggang paa. Walang duda... Bading ito... 

"Paduguin ko kaya iyang bunganga mo?" inis na tanong ko sa kanya. He or she or it smiled at me. 

"Walang manners. What did Trey see in you?" 

"Teka nga, iniinsulto mo ako eh... sino ka ba?" kumukulo na ang dugo ko sa bumbunan.

"I'm Diego..." nakangiting sabi niya. Kumunot ang noo ko. 

"Sinong Diego? Iyong pinsan ni Dora?" sabay na tanong namin ni Ella. Natawa ako. Nainis naman ang Diegong iyon. 

"I don't have any idea what your talking about low lives" komento pa niya. Lalong nag-init ang ulo ko. 

"Sino ka ba kasi at anong ginagawa mo dito?" naiinis na talaga ako. How dare him insult me!

May inilabas siyang tarheta mula sa kanyang bulsa. 

"I'm Diego Lañario. Renowed Showbiz Reporter..." 

"Ahhh... so ibig mong sabihin, binabayaran ka para makipagtsismisan?" komento pa ni Ella. 

"Kung iniinsulto mo ako Miss, hindi effective..." 

"Siempre kasi makapal ang kulangot mo." sabi ko pa. "Anong ginagawa mo dito?" muling tanong ko. 

"I'm here because, I want to know the real score between you and Trey... Is he really your boyfriend? What really happened that night? Did you guys had sex already?" nanlaki ang mga mata ko. 

Talipandas na nilalang! Ang kapal ng mukha niyang tanungin ako. Hinatak ko pataas ang magkabilang manggas ng t-shirt ko. 

"Ang kapal ng mukha mong pumunta dito para itanong iyan sa akin! Talipandas! Kung ako sa'yo, aalis na ako dito dahil kung hindi, sasampalin kita ng daing na bangus! At kapag bumalik ka pa ulit dito, ipapahabol kita sa lahat ng tricycle drivers na kakosa ng mga kapatid ko! Hinding-hindi kita titigilan hangga't may lupa ka pang tinatakbuhan! Naiintindihan mo! Alis!" namutla ang Diegong iyon. Dali-dali siyang pumasok sa loob ng sasakyan niya at umalis. 

Ang kapal talaga ng mukha niya. Hindi pa ba nila naiintindihan na kaya nga bumalik ako dito s aprobinsya namin ay dahil gusto kong takasan ang mundo ni Trey? Pero hindi! Tumakas nga ako, sinusundan naman nila ako! Nakakainis!

---------------------------

"What do you want me to do, Trey?"

I was disappointed with the article that jerk Diego wrote about Jenny. It was painful to read.. it was excruciating. Ano ba ang kailangan niya kay Jenny? I thought I was the public property, pero ngayon, pati si Jenny, nadadamay na. It's not supposed to be this way.

"Kill him?" I said a bit tired. Nakakapagod na.. hindi lang physically kundi pati na rin emotinally. Hindi ko na nga alam kung paano pa ako tatagal. 

How could I make Jenny believe that I love her?

Because I do.. I do love her.. with all my heart. 

Ang tanga-tanga ko na para hindi agad iyon ma-realize.. Kunsabagay, lahat naman kami.. -----The Neon guys ---- pinagdaanan ang katangahan phase na iyon. James was very indenial back then, Ali was too... while Anton kept telling himslef that he disgust Rika for leaving him. Zach was too scared to name his feling for Audrina back then, because Drins was giving him a hard time... and Robi and Ian... hindi sila indenial... Adik lang talaga sila... 

"What the hell does he want?" Rika yelled. I closed my eyes.. suddenly the door opened and Anton entered. 

"Honey... wag kang sumigaw..." tumayo siya sa likod ni Rika at saka hinaplos-haplos ang balikat nito. 

"Nakakainis eh! I'll do everything just to make him stop! I'm willing to pay him tons of money just for him to retract every single thing he wrote about you! Especially about Trey!"

James and Robi entered the room too. Robi has this suspicious look on his face. 

"Diego again?" James said as he scanned the paper.

"Lets go beat him up!" Robi said. 

"I'll go call Zach and Ali." James took out his phone and started dialling. 

"Sige, I'll cover for the damages." Rika said. My mouth fell open. 

"Riks, stop this none sense. Hindi nila bubugbugin si Diego..." I said calmly. 

"Eh ano? Look what he wrote about Jenny..." I just sighed. I couldn't help but think about Jenny... hanggang ngayon ay nagagalit siya sa akin. Kahit naman minsan hindi ko naman inisip at mas lalong hindi ko sinasadya na masaktan siya. 

Back when she was still with me, all I know is that I'm so happy because I don't feel alone. I didn't realize that those smile, those tears, those innocent looking eyes and her sweet voice ---- were enough to melt the barrier I put around my heart. 

"Those things are not true. Alam natin pare-pareho na hindi siya gold digger. At kung sakali man na nandito siya, alam kong wala rin siyang gagawin. She has a good heart..." I smiled to myslef.. "And that's why I love her..." 

Everyone inside that room stopped. All I could hear was James' heavy breathing, Rika's obvious gasp and Robi's stomach. 

"What did you just said.?" Rika asked me. "Mapapaanak ako ng wala sa oras kapag hindi mo inulit ang sinabi mo!"

"Honey, calm down.." Anton held her by the waist. "Saka four months pa lang si Baby Melo... Huwag kang ganyan..." 

"I love Jenny..." muling sabi ko. 

"So, we really have to do something about that Diego!" Robi said again. James turned to him. 

"Bakit ba galit ka din kay Diego? May atraso ba siya sa'yo na hindi namin alam?" kunot-noong tanong ni James.... Hindi naman agad nakasagot si Robi. 

"Wala.. wala naman..." mabilis na sagot niya. 

"So gusto mo lang talagang makipagsuntukan?" muling tanong ni James. 

"OO... wala namang masama diba?" nag-iwas siya ng tingin. I shook my head. Knowing Robi, somethings up... he just doesn't want to say anything.
"Oh di tayong dalawa na lang." hamon ni James kay Robi. 
"Anton, ikaw ang malapit ikaw na ang bumatok sa mga kaibigan mo!" sigaw ni Rika. Binalingan ako ni Rika. "Look, I'll take care of it. Ako na ang bahala kay Diego. Trey, please do something about that love you feel for Jenny.." Rika spoke again. She was calmer now. She smiled at me. "I'm happy for you..." 

Ako rin.. masaya ako para sa sarili ko. Hindi ko nga akalain na isang Jenny lang pala ang kailangan ko para maalis ang libu-libong sakit na nararamdaman ko dito sa puso ko. Isang Jenny lang pala ang kailangan ko para gumaling at muling magkaroon ng kulay ang buhay ko... 

Mahal na mahal ko si Jenny... at ang isipin lamang siya ay tama na para kiligin ako.. 

What a pathetic life... A twenty eight year old man, still feeling kilig everytime he thinks of the one he loves... 

Sino pa kaya ang ganoon ngayon? 

Wala na... 

Ako na lang yata talaga....

The Last Neon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon