Ang Mahal kong Kulang

40 2 0
                                    

Chapter 2

Hindi maiwasan sumagi sa ala-ala niya kung paano silang magkapatid ay napunta sa poder ng tiyahin .
        Namatay ang kanilang mga magulang sa isang aksidente ,minsang nag -luluwas ang mga ito ng mga gulay, Sakay ng dyip na punong  - puno ng gulay , bumaliktad ang sasakyan dahil sa iniwasang  bus na nawalan ng preno , bukod sa bumaliktad ay nahulog paito sa bangin, at ang bus naman ay sumalpok  dsa isang puno , kalunos - lunos ang tagpung iyon .
         Halus hindi nakayanan ni Trisha ang pangyayari .Dinamdam niya ito ng labis , matagal bago niya natanggap,kundi lang naisip ang dalagitang kapatid na si Dana,na nangangailangan din ng kanyang kalinga. Masisipag ang mga magulang,nagsusumikap ang mga ito na maitaguyod ang kanilang pamumuhay ,lalo na at nakikita ng kanyang mga magulang ang kanyang pagsusumikap na makatapos ng pag-aaral,sa kabila ng kanyang kaanyuan.
    Siya na may talino rin naman.Hindi ipinag-kait ng Panginoon sa dalaga ang lahat,binigyan pa rin sya ng tamang pag-iisip at katalinuhan ,maging gawain ng isang normal na tao ay kaya niyang gawin.Edukasyon ang gusto niyang kunin ngunit nangyari nga ang aksidente,noong unang tuntong niya sa kolehiyo. Paano silang magkapatid,paano na ang pangarap niyang maging maestra?Dadalawa lang silang mag-kapatid,at wala
naman silang  alam na kamag-anak,maliban sa isa si tiya mida nga,pero nasa malayo ito sa Maynila na kailanman ay di pa nila nararating.
                                                              

Ang Mahal Kong KULANGWhere stories live. Discover now