Chapter 26
Mula noon walang tigil sa paghahanap ang magkaibigan sa dalagang nawawala.Kung minsan ay lumiliban na rin si Bong sa kanyang trabaho,para lang masamahan ito.
Maging si Henry ay di na muna tumatanggap ng project.
Kalaunan naging malulungkutin ito,nahilig sa paginom at napabayaan ang sarili.Malaki ang ipinangayayat.Hindi matanggap sa sarili na wala na [o,nawawala si Trisha.]Bigong-bigo s'ya na ito'y matagpuan,para sa kanya si Trisha ang kanyang buhay,ang lahat-lahat.
Hindi lingid sa ina ang nangyayari,maging ito ay apektado sa nangyayari ngayon sa binata.
"Ihinto mo na sana ang kaiinom mo,Henry.Lalong walang kahihinatnan ang paglalasing mo,anak."
"Ewan ko ba naman sayong bata ka...ako'y di tutol kay Trisha kung siya ang nagugustuhan mo...pero nasan s'ya,halos isang taon na s'yang nawawala?
Hindi natin alam kung saan na napunta,pati paghahanap ng mga pulis ay wala pa ring nangyayari...ipinadyaryo na natin,sa kagustuhan mo,pero ayaw mo namang ipabanggit na wala itong mga braso't mga kamay,na ito ang palatandaan n'ya e,paano makikita yon?"Nahilam na sa luha ang ina ni Henry.Suminghot-singhot ito,pinapahid ng hawak na panyo ang luhaang mga mata.
'P-pati sarili mo napapabayaan mo na,pa'no naman kami ng mga kapatid mo.H-hindi ka dating ganyan."
Ni isang kataga ay walang lumabas sa bibig ng binata,nanatili itong nakatungo.
"Ayaw kong panghimasukan ang loob mo anak,hindi makukuha sa ganyan ang problema,hindi yan ang kalutasan,hu,hu,hu,...sumusuko ka na ba at sa ganyang paraan mo dinadaan ang lahat?"
Sa huling tinuran ng ina,waring nagising sa pagkakatulog ang binata,ano nga ba itong ginagawa n'ya?Hindi nga ito ang kalutasan bagkus ito ay karuwagan na harapin ang katotohanan.
Tumingala ito,tumingin sa ina,tumayo at lumapit niyakap ito."S-sorry 'Ma,promise magbabago na'ko."
Mahigpit ding yumakap ang maunawaing ina sa binata tinapik-tapik ang likod nito.
Maging si Bong ay natuwa ng makita ang pagbabago ng kaibigan,ngayon ay maayos na uli ito.Bagong ahit,kahit hawas ang mukha ay naroon pa rin ang kakisigan nito.
"Pare dating gawi,!"
"A--nong dating gawi?"Taka si Bong,naisip na baka yayayain na naman siyang magpakagumon sa alak.
"Akala ko ba magbabago ka na?""
"Eh,ano ba sa tingin mo?"sagot ni Henry.
"Di ba yayayain mo na naman ako sa bar?"Ipinakita ang pagkainis sa binata.
"Luko-luko,!!"Tawa ni Henry.
"Hahanapin uli natin si Trisha!""A,yun ba...akala ko eh...sige okey?"
At nag-give me five ang dalawa,at sumakay sa kotse nagkatawanan.
Kung saan-saan sila nakararating,pasok uli sa mga bar,nightclubs,sa mga simbahan,sa mga palengke sa mga malls baka sakaling maispatan nila si Trisha.
Maging ang lugar na kinaiinisan ni Henry ang lugar ng mga PWD ay pinasok nila.Ngunit ni anino ng dalaga ay wala.Napagmasdan ni Henry ang mga PWD Ang katayuan ng mga ito na kapuspalad,sa loob-loob niya ay hindi nga s'ya naging makatarungan,iisa lang ang taong nagkasala sa kanya.Hindi dapat,na ang iba ay madamay at agad na mahusgahan.
Bago sila lumabas ng "bahay-kalinga",ay nagabot ng konting halaga ang binata para sa mga kapupalad na PWD,abot-abot naman ang pasalamat na madreng pinagbigyan.
"Patnubayan kayo ng Panginoong Diyos,mga iho."
"Salamat,po."sabi ng dalawang lalaki.
Nagtataka naman si Bong,ang alam niya galit ito sa mga PWD dahil nga naloko ito,pero hindi na lang ito nagusisa.
Huminto sila sa isang park,nakatingin sa malayo si Henry,nakayupyop sa manibela,nasa anyo ang kabiguan,ang kawalang pagasa.
Si Bong ang bumasag ng katahimikan ."Pare,hindi sa pinanghihina ko ang loob mo,palagay ko n-nagsasayang na lang tayo ng panahon,kung saan-saan na tayo nakarating,pero wala,ni bakas ng Trishang yon ay di natin makita,para tayong naghahanap ng karayom sa isang bunton ng dayami.
Malungkot na tumugon ang binata,sa malayo pa rin nakatutok ang mga mata."Ibig sabihin suko ka na rin sa paghahanap?"sabi nito.
"H--