Chapter 10
Hindi na nakitaan ng pagkainteres ang binata,tahimik lang ito ni sulyap sa dalaga ay dina nito ginawa,
Ngunit wala iyon sa dalaga,binigyang katwiran ang pananahimik ng binata.Sino nga ba naman siya para pagukulan ng pansin,
"May mga taong umiiral ang kakitiran ng pag iisip!"sab,i nito sa sarili.Sanay na sanay na s'ya sa ganong pag sulyap-sulyap ng mga lalaki,kahit duon sa kanila kapag di pa alam ang tunay niyang kaanyuan,ang mga paghanga nila ay parang binuhusan ng malamig na tubig.
"Turn-off,sila ika nga,hindi na rin niya ikinasasama ng loob iyon. Kumbaga ay nasanay na rin s'ya.Katulad noon nag nobyo s'ya sa edad na dalawampu,ng matapos siyang ipakilala sa mga magulang ay bigla itong naglaho yun pala inilayo ng magulang.
Ano nga raw ba ang magagawa ng isang babaeng tulad n'ya? na walang braso't mga kamay,masakit iyon pero tinanggap niya ng maluwag sa dibdib.
At yun din ang nakita n'ya kay Henry ngayon, gaya ng iba pakitang tao!