Chapter 17
Nag doorbell ang binata...maya-maya ay may sumilip sa butas ng pinto.
"Ay,si kuya pala!"agad na pinagbuksan ng kasambahay ang mga bagong dating.
Bumulaga sa magkapatid ang kapaligiran,bagamat gabi na,sa tulong na rin ng maliwanag na ilaw sa bawat sulok ay makikita parang isang munting park at kitang kita ang kagandahan ng kapaligiran.
Sa gitna ay isang katamtamang laki ng swimming pool,na ang paligid nito ay nababalutan ng bermuda grass sa magkabilang panig ay sementong daan kung saan kung lumalabas o papasok ang sasakyan.
At sa magkabilang panig pa rin ng bakuran sa palibot nito ay ibat-ibang uri ng halaman at mga bulaklak ang karamiham ay mga orchids na nakadapo sa mga driftwoods.At mga ito ay nakukulambuan, mga bulaklak na iba't-ibang kulay.
Gandang-ganda ang dalaga,napansin ni Henry na panay ang tingin ni Trisha duon.
"A,yan ang libangan ni mama ang paghahalaman at pagaalaga ng orchids. Sa kanila sa probinsya ay ito rin ang libangan nya ang pagtatanim ng mga bukaklak,at mga dapo ay pinakakapit lang niya sa puno.Sabi nga ng mga nakakakita sa kanyang paghahalaman,ay malamig daw ang kanyang mga "paa"sa pagaalaga,kaya namumutiktik at magaganda ang mga bulaklak...na miss tuloy nya ang mga alagang halaman.
"Sana naman wag mapabayaan."~bulong nito sa sarili.Pupungas-pungas naman si Dana,hindi nya pansin ang paligid,maging ang dalawang magagarang kotseng nasa garahe ay hindi nya napansin,ngunit pagpasok nila ng kabahayan ay napabulalas ito sa nakita,nawala ang antok.
"B-bahay nyo ito,mang Henry?"gilalas na tanong nito sa binata nanlalaki ang mga mata,manghang-mangha!
"Ang ganda,.....ang ganda -ganda,parang palasyo.....!pinagsalikup pa nito ang mga palad at napapikit animo nasa wonderland.Maging Trisha ay natulala at nalula sa ganda ng kapaligiran.Bigla tuloy napaatras ito,
"N-nakakahiya naman yata M-mang Henry,hindi mo sinabing m-mayaman kayo!!"
"Ngayon ka pa ba mahihiya,narito na tayo,at saka hindi kami mayaman,nagkataon lang na nag karon kami ng bahay na ganito."pa-humble pa ng binata.Ang kabuuan ng bahay ay masasabing sa magasin lang makikita,magmula sa carpet sala set hanggat sa ibat-ibang paintings na nakasabit sa dingding at mga pigurin na halos lahat na kahit sino ay alam na mamahalin.
"A,Emang si mama?"
"Nasa itaas na kuya,tulog na ho,pati si Dodie at si Grace pero ipinagbilin ni Ma'm na kung dumating ka na raw kuya,ay gisingin siya."
"O,sige,ako na lang ang aakyat sa taas,ipaghanda mo na lang kami ng mamimeryenda,"."Opo,kuya,"
"Tena kayoat maupo,gigisingin ko lang si mama.""Naku,huwag na po Mang Henry,baka magalit pag ginising nyo!"
'Di ba sabi ni Emang pag dumating ako ay gisingin sya?"
"Sige,sandali lang,ha?"kinusot ang buhok ni Dana at nagpaalam din kay Trisha.
"Excuse me!"kiming tumango ang dalaga hindi tumitingin sa binata.