Chapter 7
Ang kantin ay self- service pinakuha ni Trisha ng dalawang tray ang kapatid,pumila si Dana habang nag-aantay na nakatayo si Trisha at iniutos na bayaran ang nakuha nilang order.
"Oo,ate,"sabi ni Dana.
"A,e miss,bayad na ho yang inorder n'yo".Nagtatakang nagkatinginan ang magkapatid,at sabay ding nagtanong sa kahera.
"E,miss sinong nagbayad nito?"
"Iyon ho,o,yung mamang naka t-shirt ng blue,sabay turo ng kahera sa kinauupuan ng lalaki na nasa dikalayuan,at parang di pa rin ito kumakain.
Tumayo ito at papalapit sa kanila,nakangiti.
"O,halina kayo dito,share with me.Puno na halos ang mga table,kaya duon na lang kayo sa naokupahan ko".
"Ako na ang magdadala ng isang tray 'ne...anong pangalan mo?"tanong kay Dana.
"D-Dana po!"sabay tingin sa kapatid.
Hindi naman malaman ni Trisha ang iisipin,kung magagalit o matutuwa sa ginawang iyon ng lalaki.Nakalarawan sa mukha nito ang pangamba,di kaya ito isang modus operandi na gaya ng naririnig niya sa radyo at nababasa sa dyaryo?
Na ginagawa ng mga sindikato? Nahalata ba nitong ngayon lang sila luluwas ng Maynila,at isa itong bitag para sa kung ano man ang balak nito?
"Hindi mangyayari 'yon!"sa isip ng dalaga,pero wala siyang nararamdamang panganib,katunayan gentleman pa nga ang lakaki.
"Ate,ate,gutom na gutom na ko"...sabi ni Dana,hinila ang balabal ni Trisha.
"~HA,a,e ,o-oonga pala!"
Pagkaupo at maialis sa tray ang mga pagkain,agad na nilantakan ni Dana ang para sa kanya,na ikinangiti ni Henry,"gutom na nga".. wika sa sarili.
"P-pasensya na,kung naging presko ako.Pero di ako masamang tao,at wala akong intensyong masama sa inyo.Kung napapansin mo mang panay ang sulyap ko sa"yo sa bus kanina,yun ay dala lang ng paghanga dahil maganda ka!"
Hindi malaman ni Trisha kung paano itatago ang mukha dahil pakiramdam niya ay namula ng todo ang pisngi.Basta ang alam niya hindi sya makadiretso ng tingin sa lalaki.
At bolero pala talaga ang mamang ito sa loob-loob ng dalaga.