Ang Mahal kong Kulang

31 3 0
                                    

Chapter 4

Sakay ng bus patungong Maynila ang magkapatid,galing ng "south",labing dalawang oras ang biyahe mula sa pinanggalingang probinsya,mga ilang oras na ang natatakbo ng bus ng magtanong si Dana.
       "ate,hindi kaya tayo maligaw sa pupuntahan natin?"pakurap kurap na tanong nito sa kanyang ate.
         "Hindi naman siguro", anang dalaga,nasa anyo nito ang katatagan sa tinuran.
          "Siguro ang ganda ganda ng Menila,ano ate?"
            "Biruin mo,makakarating na rin ako sa Menila na noon ko pa gustong marating!"
     Kitang- kita sa mukha ni Dana ang kasiyahan,makikita narin niya ang Maynila. Nawala ang agam-agam,ibinaling nito ang paningin sa labas ng bintana ng bus,siyang siyà na tinatanaw ang mga nadadaanan.
       Natutuwa naman ang dalaga para sa kapatid,natupad ang isang pangarap nitong makarating ng Maynila.
       Sa katapat na upuan sa kaliwa,kanina pa pasulyap-sulyap sa dalaga ang isang lalaki,minsan ibababa nito ang hawak na dyaryo at kadalasan ay susulyap sa.Napansin rin ng dalaga iyon ng minsang lumingon ito at nagkatinginan sila ng lalaki.Agad binawi ng lalaki ang paningin at muling itinutok ang mga mata sa dyaryong binabasa.
         Binulungan naman ni Trisha ang kapatid at pinag sabihang huwag masyadong naguusisa para hindi sila mahalatang noon lang luluwas ng Maynila,naintindihan naman 'yon ng dalagita kaya hindi na s'ya masyadong nagtatanong sa kapatid.
           Inabala na lang ang sarili sa labas ng bintana sa mga tanawin....

Ang Mahal Kong KULANGWhere stories live. Discover now