Ang Mahal Kong Kulang

29 2 0
                                    

                        Chapter 14

Matapos maipa-blotter sa pulisya ang nangyari hindi na nagsampa ng reklamo ang dalaga laban sa isnatser.

Palabas nasila ng police detachment ng humirit si Henry.
       
       "Ihahatid ko na kayo,saan ba ang inyo dito sa Maynila?"

Nagkatinginan ang magkapatid....maagap naman si Trisha.
          "A,e,wag na k-kami na lang ng kapatid ko,k-kaya na namin malaking abala sa iyo at maraming salamat sa tulong at pati kanina sa foodterminal duon sa pagkain salamat din pala".

             Hindi naman nakatiis si Dana sa narinig,sa ganong malapit ng kumagat ng dilim ay nakaramdam siya ng pagkabalisa sa kapaligiran.Sa unang tuntong pa lang ng  kanilang mga paa sa Maynila.Sabihin pang bumulaga sa kanya ang kagandahan ng paligid,ang ibat-ibang ilaw na patay sindi,mga matataas na gusali.

        Sa kanila sa probinsya,maagang naghahanda ang lahat sa pagtulog matapos kumain.
         Sa nangyari kanina nakaramdam na siya ng takot.Hindi s'ya nagatubiling magsabi kay Henry."A-ang tutuo ho Mang Henry,h-hindi pa namin alam ang pupuntahan."
            Alang ligoy na sabi ng dalagita.Nanlaki ang mata ni Henry sa narinig.

             "Ano, ang ibig mong sabihin ngayon lang kayo nakatuntong ng Maynila?!!"
                "O-opo,Mang Henry."
"Jesus!!!"Napatapik sa noo ang binata.

  
"A,e....hindi nakaimik ang dalaga napatingin lang ito sa kapatid.
 
"I'm,very,very sorry,sa lahatTrisha,d-dapat lang akong mag apalogize sa inyong magkapatid sa inasal ko kanina sa pagiging ungentleman ko,sa kakitiran ng aking pag-iisip.

"Buti alam mong makitid ang isip mo."bulong sa isip ng dalaga.
 

"Isipin na lang na kung may mangyari sa inyong magkapatid,hindi ko mapapatawad ang aking sarili!"tutuo sa loob na sabi ng binata.

"What a fool I'am,...shhh..t!!"bulong sa sarili,tiim bagang.Matamang tinitigan ni Trisha ang binata.

Ang Mahal Kong KULANGWhere stories live. Discover now