Chapter 24
Dahan-dahang pinangko ng lalaki ang ang dalaga pababa ng hagdan,inilabas ng bahay kung saan isang kotse ang nakaabang.Inilulan ang tulog na dalaga at humarurot palayo ang kotse patungo sa kung saan.
Kinabukasan,nagtaka si Dana kung bakit wala ang kanyang ate sa higaan. Bumaba ito at nagtanong kay Oreng.
"Ate Oreng,nakita nyo po ba si ate Trisha?"~
Aba,kanina pa'ko nandito pero diko nakita ang ate mo,ah."
"Baka naman nasa CR."sabi ni Oreng.
Magtatanghali na ay wala pa rin ito,nagalala na sila,Hindi naman palalabas ng bahay ito.Silang apat ay nagtatanungan,kung nasan si Trisha ngunit bawat isa ay walang makapagabi kung nasaan ito.
Kaya nagpasya na lang sila na wag ng buksan ang karehan at hanapin na lang ang dalaga.
Nagtataka sila kung saan ito pumunta,at kung bakit basa ang semento,papasok ng bahay papuntang itaas at may bakas ng sapatos.
Maytatanghali na ay wala pa rin ito.Di na mapatigil sa kaiiyak si Dana,may nabuo sa isip ng bata.
Ate Oreng,kayo na muna ang bahala dito,may pupuntahan lang ho ako."
"Ha,?"ano bang bata ka,hindi na nga natin malaman ang gagawin....nawawala na nga ate mo tapos ngayon aalis ka pa?"
Antayin natin si tiya Mida at ngayon ang dating noon, siya ang bahalang gumawa ng hakbang hindi tayo."sabi ni Oreng,na kinakapitan na rin ng nerbyos.
"Oo nga naman,sabi ni Cita."
Hindi sumagot si Dana,umakyat ito sa itaas at muling bumaba.
"Sige po,ate Oreng ate Cita kayo muna ang bahala dito."tuloy-tuloy itong lumabas ng pintuan.
"Aba,hoy,Dana huwag kang umalis,bumalik ka dito."maluha-luha na si Oreng.
"Naku,Buboy,habulin mo si Dana baka kung saan magpunta ang batang 'yon!"
"Ano ba namang buhay 'to,parang 'madyik' lahat sila nawawala?"kamot nito sa ulo.
"Matapos ang lahat ganito pa ang gagawin niya at pati mga pamangkin ko,ang kawa-walanghiyaan ay hayuuup na lalaking 'yoooonn!!!
Nagtatagis ang bagang ni tiya Mida ng mabalita sa kanya ng isang kapitbahay kung pa'no nito nakita ang pangyayari ng isakay ni Grigo sa kotse ang dalaga habang tulog ito.
Inantay talaga ng babae ang pagdating nya para ito maibalita kay tiya Mida.
"~Sabi ko na nga ba't,habang nasa ibang bansa ako ay iba ang kutob ko,kaya ako nagmadaling umuwi."
"E,m-mabuti pa ate ireport na agad natin sa pulisya ang pagkawala ni Trisha."singit ni Oreng.
"O-oo,yun ang gagawin natin ngayun din!"ng maalala si Dana .
"Naku isa pa si Dana,wala bang sinabi sa inyo kung saan s'ya pupunta,Oreng?"
Wala ate,basta na lang umalis,pinipigilan ko nga pero ayaw papigil!"
"D'yos ko,ano bang nanyayari dito nawala lang ako ng dalawang araw,may nangyari na agad,saan nga ba dinala ng hayup na yun ang pamangkin ko at ano ang gagawin nya kay Trisha?"
"At si Dana saan nagpunta?"
Papalubog na ang araw ng dumating si Henry.Sakay ito bg kotse na kulay pula,pagkaibis ay may sinabi si Emang .
"Kuya may bisita ka nasa loob."
"Sino?"wala sa loob na tanong ng binata.
"Si Dana,kuya."
Napakunot-noo ang binata,nasa mukha ang pagtataka at pananabik.Pagtataka dahil magmula ng isinama niya ang magkapatid dito sa bahay ay di na naulit yon.
At malayo ang Maynila sa Pasig kung saan sila nakatira.Nagawang matunton ni Dana ang kanila?
Sumalit sa isip ni Henry na matalinong bata si Dana,maaaring nagtanong- tanong ito,pero ba't siya narito,di ba kasama n'yang lagi ang kanyang ate Trisha kahit san ito magpunta?
Pananabik ang nagtulak kay Henry kaya dali-dali itong pumasok sa kabahayan.Natagpuan niyang nakaupo ito sa sofa.
"DANA?!!"
Nagtaas ng tingin ang dalagita,ng makita si Henry ay bumunghalit ito ng iyak.Tumayo,sabay takbo at yumakap.
"Dana,bakit?"
"M-mang Henry...hu,hu,huhu.....a-ang ate ko po nawawala!"
"ANO?!!!"halos mabingi si Henry sa narinig,kinabahang bigla inalalayan ang dalagita patungo sa sofa.
Naramdaman ng binata ang panginginig ng katawan nito.Sa putol na putol na kuwento ni Dana ay nalaman nito kung paano nawala si Trisha.Siya man naligalig sa balita ng dalagita.
"Palagay ko di ka pa kumakain,kumain ka muna bago tayo umuwi sa inyo siguradong alalang-alala na si Mrs.Mariga sa'yo."
Niyakap ng mahigpit ni Tiya Mida ang pamangkin ng makita ito.
Lumilipad ang isip ni Henry,galit na galit ito kay Grigo,sa ginawang pagtangay nito kay Trisha.Ni anino ng taong ito ay hindi pa n'ya nakikita!
Kahit na naireport na ni tiya Mida ang pangyayari sa mga pulis ay hindi pa rin mapakali ang binata.
"Saan ho ba umiistambay ang asawa n'yo,Mrs.?"
"E--ewan ko,hindi ko alam ang pinag-gagawa ng hayup na 'yun,magmula ng maging abala ako sa pag-nenegosyo ay hindi kuna pinagkaabalahan pa kung saan siya nag pupunta at naglalagi lalo ng kami'y nagkakalabuan na."
"Pero hindi ko alam na may masama siyang balak kay Trisha."Malalim na buntung-hininga ang pinawalan ng binata,halos magsalubong ang kilay nito sa galit,at halos madurog ang ngipin nito sa pag tiim-bagang at pag-kuyumos ng palad.
"HAYUUUP KAAA,GRIGO!!!"sa'n mo dinala si Trisha?!!",usal nito maluha-luha.
Pagkuwa'y tumayo ito,nagpaalam sa magtiya.
"Magpapaalam muna ho ako,magbabakasakali ho akong hanapin si Trisha!"
"H-HA,saan mo hahanapin si Trisha?"
Tanong bi tiya Mida."Bahala na ho,ang mahalaga ay kumilos rin ako baka makakuha ako ng impormasyon."
"Sama 'ko,Mang Henry."ani Dana.
"Huwag na walang kasama ang tiya mo,'pag nakita ko ang ate mo iuuwi ko agad s'ya dito.Magiingat ka rin,ha,'wag kang maglalabas ng bahay,baka ikaw naman ang mawala."
Kinusot ang buhok ng dalagita.
"Mag-iingat ka rin,K-Kuya Henry!"
Napalingong muli si Henry at ngumiti kay Dana,may gaan sa puso nito,hindi pa man ay tanggap na s'ya ni Dana.
Lulugo-lugo,sari-saring emosyon ang nararamdaman,pananabik at pangungulila na makita ang nawawalang dalaga.Saang lupalop niya hahanapin ang dalaga,sa laki ng Metro Manila saan siya maguumpisa?"