Ang Mahal Kong Kulang

24 3 0
                                    

                       Chapter 28

Bagama't ganun ang babae,ay lagi naman siyang nagpapasensya.Siya lagi ang sumusuko dahil mahal na mahal niya ito.Marahil ay mas bata ito sa kanya ng kung ilang taon.Pero sa ngayon?Ewan niya....

Sumagad ang pasensiya nito,ng walang paalam itong nagtungo sa States,na hindi niya alam kung bakit.Pakiramdam niya ay ginamit lang siya at binale wala.

Isang beses lang sila nagkatawagan,at mula noon wala na silang komunikasyon.Nabuhay sa pangungulila ang binata,nanghihinayang siya sa pag-ibig na iniukol sa babae,na hindi naman nito sinuklian bg kapwa pagmamahal.

At ngayon naritong muli si Sofia,para ano,para paikuting muli ang kanyang ulo para maging sunod-sunaran sa kanya?

Wala sa kanya ang pagkukulang.Wala nga silang formal break-up ngunit wala na rin ang pagmamahal n'ya sa dalaga.Si Sofia na rin mismo ang gumawa ng dahilan,upang ang pag-ibig niya dito ay maglaho.

"Sorry,sweetheart sa lahat ng kasalanan ko sa'yo,ngayon ko lang naisip ang mga pagkukulang ko."Yumakap ito sa binata,kinabig ang batok at hinagilap ang labi,napapitlag sa pagkakaupo si Henry ng maglikot ang kamay ng dalaga sa kanyang harap.

Hindi naman maiwasan ang mga sulyap ni Bong sa salamin,nangingiti.Noon ay tinatakbo ng kotse ang daan patungong Norte.Nagmukha tuloy siyang drayber  dahil nasa backseat ang dalawa.

Sana nga ay magbago na ang babae para naman lumigaya na ang kaibigan at para malimutan nito si Trisha.

"Bakit ba,ang lamig -lanig mo sa akin?"kalas nito sa binata sa pagkakayakap sa kanya.

"Humingi na nga ako ng sorry sa lahat!"pasakalye ni Sofia,nakahalukipkip nasa anyo ang pagiging dominante pero nasa mababang tinig.

"Dapat ba akong matuwa,ginawa mo akong basahan,ni ha ni ho ay wala tapos ikaw pa ang magtatampo?"

"Naloko na mag-aaway pa yata ang dalawa."sa loob-loob ni Bong.

Ngayon lang nakita ni Sofia na nag re-act si Henry ng ganon,kung paano magkimkim ng tampo at galit.Natauhan yata,muling dumikit at yumakap sa binata,iniwaksi ni Henry ang mga kamay nito.

"Ewan ko,Sofia kung narito ka pa rin sa puso ko."

"Kaya nga humihingi ako ng tawad sa lahat ng mali at pagkukulang ko,pupunuan ko ulit ang lahat,'wag ka ng magalit ."sabi pa nito.

KATAHIMIKAN..

Si Sofia ang bumasag ng katahimikang iyon,bumalik ang pagiging mataras nito.

"Bakit Henry,may iba na ba akong kapalit,alam mo ang ugali ko di ako basta-basta nagpapatalo."pumormal ito ng upo,kumuha ng sigarilyo sa bag  sinindihan humarap kay Henry at ang hinitit ba usok ay ibinuga sa binata.

Tuloy-tuloy ang byahe,walang imikan ang tatlo,inihinto lang ni Bong kotse ng kumalam ang tiyan nito.Sa tapat ng isang restoran.

"O,kain muna tayo!"

Gayunman ang dalawang kasama ni Bong ay parang di magkakilala.Napapakamot na lang sa ulo si Bong sa mga nangyayari.

Mahabang biyahe pa ang itinakbo ng sasakyan,si Henry ay idinaan sa tulog ang paglalakbay.Si Sofia naman ay inis na inis sa di pag pansin ng binata sa kanya.

Ewan sa sarili ni Sofia kung hindi s'ya makapagwala ngayon,dati kahit anong bagay kapag ginusto niya ay hindi maaring hindi mapasakanya.Sa kanya lahat ang pabor,isang bagay na ikinagusto nya kay Henry ay binebeybi s'ya nito,kaya sunod lahat ng kanyang ibigin.Pero parang tameme s'ya sa ipinakikita ng nobyo.May kabang umusbong sa kanyang dibdib.

Ngayon pa bang naramdaman niyang mahal na mahal niya ang binata.Kahit marami syang nakarelasyon ay iba pa rin ang pagmamahal na nadama niya kay Henry.Oo,inaamin nya katawan lang niya ang gusto ng mga lalaki,na ginusto rin niya.
Pero ngayon gusto na niyang magbago,ibig na niyang iwan ang dating siya.At mangyayari iyon sa tulong ng kanyang pinakamamahal na si Henry.

Ang Mahal Kong KULANGWhere stories live. Discover now