Ang Mahal Kong Kulang

16 1 0
                                    

Chapter 19

"Duon sa Mama niya naniniwala akong mabait,pero sa kanya...never".
Tumulis pa ang nguso nito.

"Pero ate, nakikita ko namang mabait,dahil kung hindi di n'ya tayo tutulungan at patutulugin dito sa kanila.

"Hay,naku Dana,basta sa akin hindi s'ya mabait pakitang tao lang yun,hindi mo ba napansin duon sa terminal na kumain na tayo,at hanggang bumaba na tayo dito sa terminal sa Maynila,pinansin paba tayo?"

Tumingala sa kisame siDana,humalukipkip at inilagay ang hintuturo sa labi,

"Oo,nga pero tinulungan naman niya tayo dun sa isnatser,di ba 'te?"
Pangongonsensya sa kapatid.

"A,basta bawas-bawasan mo minsan yang katabilan mo at pakikipagusap sa kanya.

Lumabi lang ang dalagita,hindi s'ya kumbinsido sa sinabi ng kapatid.

Matapos makapagayos ang dalawa,lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan,bitbit ang mga dala-dalahan.

Sa papasok naman si Henry at namataan ang dalawa,bagong ligo na ito at bihis na.

"Good morning,Trisha,Good morning,Dana!"

"Good morning din po,Mang Henry."
Sagot ni Dana.

Tsinek ko lang ang kotse, kung p'wede ng gamitin.Tumingin ito kay Trisha.
I'ts too early,wag nyong sabihing aalis na tayo,magkape muna tayo,Trisha,Dana?"

"Kung maaari sana,gusto na naming makarating sa aming pupuntahan,hindi pa naman kami nagugutom."

"Naka,si ate magkakape lang naman,a."

"A,e sige kung yan ang gusto mo Trisha."

Luminga-linga ang dalaga parang may hinahanap.
"Kung si Mama ang hinahanap mo,gaya ng sabi n'ya kagabi,may lakad siya ngayong umaga.Gusto nga nya sanang makipag kuwentuhan pa sa inyo.Ang mga kapatid ko naman mamaya pa babangon,alam nyo na bakasyon sa eskwela kayq bumabawi ng tulog.Hindi nila alam na may dumating,may aalis na magagandang babae dito."

"Naka,si Mang Henry pati ako
binobola!"

"Aba,hindi kita binobola tutuo sinasabi ko."

Hindi kumikibo ang dalaga,"Bolero ka talaga,"sa isip nito.

Hindi naman sila nahirapang hanapin ang bahay ng tiyahin ng dalawa.Ang bahay ay nakatunghay sa kalsada,na ang kabila at katapat ay isang plasa,na maymga nakaparadang sasakyan.Karaniwan ang nakaparada ay mga jeep.

Masasabing malaki ang bahay kumpara sa mga katabi nito.Naisipan ng t'yahin ni Trisha na gawing karinderya ang ilalim ng bahay may kalaparan kasi ito.

Abot-abot ang pasasalamat ni tiya Mida kay Henry,ng malaman ang pangyayari,si Dana halos ang nag kuwento,tuwang- tuwa sa pagkabibo ng pamangkin.Pagkatapos ng kumustahan,kuwentuhan habang kumakain ay nag paalam na ang binata.

"Sana hindi ito ang una't-huling pasyal mo dito,Henry."ani tiya Mida.

"Aba,oho."sulyap ito sa dalaga.

"Pangako yan,Mang Henry,ha?"sigunda naman ni Dana.

"Oo,ikaw pa takot ko lang sayo."~sabi nito kay Dana.

"Dana,ang mga tao ay may kanya kanya ring oras na nakalaan sa ibang bagay.Maraming-maraming salamat mang Henry sa lahat lahat,di ko alam kung pa'no kami magpapa salamat sa'yo."

Bagamat naroon ang sinseridad ng pasasalamat ng dalaga ay hindi naramdaman ni Henry na gusto nitong lumawig pa ang kanilang pagkikilala.

"Magpapaalam na po ako,Mrs.Mariga."

Ng palabas na ng bahay ang binata may kirot na naramdaman si Trisha.Napabuntunghininga ito.

Ang Mahal Kong KULANGWhere stories live. Discover now