Ang Mahal Kong Kulang

58 3 0
                                    

                     Chapter 31

Muling siniil ng maalab na halik ang binata,At minsan pa muling humulagpos ang init ng pagnanasa nasa isip ng lasing na binata ay si Triha ang kaniig nito ng mga sandaling iyon.

Msakit ang ulong bumangon sa kama ang binata,nagulat ito dahil katabi na naman niya ang dalaga na himbing na himbing,hinawi ang kumot at nakita ang sariling hubo't hubad.

'Ang ulo ko,ang sakit...!"hagod nito sa noo.Namataan nitong may sariling banyo ang kwarto,kinuha ang twalyang nakasampay sa may upuan,itinapi at tuloy na naligo sa banyo.

Nakalabas na siya ng banyo ay tulog pa rin si Sofia.Lumipat s'ya sa kabilang kwarto upang makapagbihis.Wala duon si Bong,ng makapagpalit ng damit ay namintana ito.Binuksang mabuti ang bintanang yari sa kapis,upang makapasok ang bago pa lang sumisikat na araw.

Nakadama ng ginhawa ang binata,dahil sa sariwang hanging umaga na sa siyudad ay di mo na malalanghap.Iginala nito ang paningin kitang-kita duon ang kagandahan ng paligid,mga naglalakihang puno ng akasya na hindi kayang yakapin ng tatlo katao.Mga naglalakihang bahay kastila.

Napagawi ang paningin nya sa bakuran,Namataan niya si Bong na nag-e-exercise,kasama nito si Carding sa gitna ng bakuran ay nagwawalis si Carmen.At sa may bandang pathway ay naroon si Rica,kakuwentuhan nito ay dalawang kabataan ding babae na kaedad ni Rica.

Hindi nya masyadong maintindihan ang pinaguusapan ng mga ito,dahil may kataasan ang bahay.Sa ibaba,isang kakuwentuhan ni Rica ang napatingala sa bahay,napansin si Henry.Napasunod si Rica na tumingin din sa itaas,ngumiti kay Henry,kumaway.Gumanti ang binata ng kaway.

Pagkuwa'y ipinagpatuloy ipinagpatuloy ng tatlo ang huntahan.Hindi agad inalis ni Henry ang tingin sa tatlo,natatawa siyang iiling-iling,dahil kaaga pa e,kuwentuhan agad ang inaatupag.

Ngunit napatitig ito sa ginagawa ni Rica,na animo'y may iminumuwestra.Sumalampak ng upo sa upuang semento,ang pagkakaupo parang gaya ng sa mga Hapon.ang dalawang babae ay nanatiling nakikinig,pinagmamasdan ang ginagawa ni Rica.

Sumikdo ang dibdib ng binata,nagmamadali itong bumaba ng bahay,nadaanan nito sa kumedor si Aling Marta ang ina nila Carding.

"Good morning,po Ma'm."bati nito.

"Uy,gsing ka na pala Henry,naghahanda ako ng agahan para sabay-sabay na kayong mag-almusal."wika ng matanda.

"Sige ho,bababa muna ako sa hardin."

"Oo,pero wag na kayong lalayo,ha?"

"Opo."

Binagtas nito ang malapad na salas,palabas ng bahay.Kinakabahang di mawari.Sa may banda nila Rica agad pinukol ang paningin at tuluyang lumapit duon.Tuloy pa rin ang pag-kukuwento ni Rica.

"Talaga,ganun siya kagaling?"magkasalikup pa ang mga kamay ni Mikay.Amaze na amaze sa kinukuwento ni Rica.

"Oo,ang galing-galing ng mga paa niya,kayang-kaya niyang ipatong ang flowerbase sa kanyang ulo....ganito,o dahan-dahan niyang itinataas ang kanyang kanang paa  sa kanyang ulo,ngunit dahil hindi naman sanay ay na-out of balance ito,sabay-sabay na napasigaw ang dalawang kakuwentuhan.Buti na lang maagap si Henry,agad niyang nasalo ang dalagita na kinabahan din dahil semento ang babagsakan.

"S-salamat kuya Henry."sabi ni Rica.

"Pwedeng malaman kung sinong pinagkukuwentuhan n'yo,Rica?"

"A,yung ano kuya,yung babaeng nag-so-show sa karnabal,ano na ngang pangalan non ate Carmen?"lumingon ito sa kapatid na noo'y nagliligpit ng kalat sa mesa.

"A,kuwan,Sarah,The fantastic Lady ang pangalan ng babae,wala siyang dalawang braso at kamay at mga paa ang gamit n'ya sa....."

Hindi pa natatapos si Carmen sa pagsasalita ay muntik mapasigaw si Henry.Lumiwanag ang mukha nito,lumuwang ang pagkakangiti,Hindi na narinig pa ang ibang sinasabi ni Carmen.

"S--Trisha..."bulong sa sarili,pero Sarah ang narinig niyang binanggit na pangalan ni Carmen?

"E-excuse me,girls..."paalam nito.Dali-dali itong tumalikod.Pinuntahan sa di kalayuan ang kaibigang nag-e-ehersisyo."Pare,pare....."takbo ito kay Bong.

Nagulat din si Bong."Ha,saan tayo pupunta?"

"Basta halika samahan mo'ko,kunin mo ang susi ng kotse mo!"

Takang-taka ito sa ikinikilos ng kaibigan,ang ligayang nakarehistro at nakabadha sa mukha nito ay ngayon lang niya nakita.Animo nakakita ito ng kayamanan.

"T-teka pare,mag-sho-shower lang ako."

"Wag, na!"sabi ni Henry.

Iiling-iling si Bong,gayunman ay tumalikod na rin ito para kunin ang susi.Pati siya ay natatarantang di mawari.Hindi na ito nakapagbihis pa.

Humahangos na sumakay sa kotse ang  dalawa.Kumaway pa si Henry sa mga naiwan.

"See you,girls and thank you..!"nag-flyingkiss pa ito.

"Saan ba tayo pupunta p're."tanong ni Bong,habang minamaneho ang kotse.

"Sa karnabal pare,dali...bilisan mo pa.!"

"Sa karnabal,anong gagawin natin du'n?"

"Si Trisha,pare,nasa karnabal!"nasa tinig ng binata ang kagalakan.

Hindi na nag-usisa si Bong at pinabilis pa ang takbo ng kotse at maging siya ay na-excite,naglalaro sa isip nito paanong nasabi ni Henry na nasa karnabal si Trisha,at anong ginagawa ni Trisha duon?

At last,makikita na n'ya ang babaeng misteryo para sa kanya!

Pagkahinto ng kotse ay agad bumaba si Henry,luminga-linga ito,akmang susunod si Bong ngunit sinansala ito niHenry.

"Pare dito ka na lang,at ibante mo sa banda 'ron ang kotse .Talasan mo ang pakiramdam mo,remember matagal ng nawawala si Trisha at sanay tutuo ngang nandito siya.

Tatango-tango si Bong,nasakyan agad ang ibig sabihin ng kaibigan

"Okay pare,akong bahala."At naalerto si Bong,humanda sa kung anumang mangyayari.

May guwardya sa gate ng karnabal,nakaupo ito sa bangko.Halatang antok pa ito.

Lumapit ang binata,tumayo ang bantay."May kailangan kayo,sir?"
Tanong nito.

"A,pwedeng pumasok sa loob,may titingnan lang ako."

"E,sir,hindi pa po open,at halos tulog pa mga tao sa loob."

"Ganun ba?"kunwa'y nagisip ang binata.

"P-pero sandali lang ako,may titingnan lang ako."

Hindi na nagatubili ang guwardya,dahil ang tingin naman sa binata ay disenteng tao ito.

"Sige sir,pero wag lang kayong magtagal."

"Salamat,boss."sabi nito sa gwardya.
Tuloy-tuloy itong pumasok sa loob,huminto ito sa pinakagitna ng backdrop,kung saan ang labasan at pasukan ng mga tao.Iginala ang paningin,sinipat ang kabuuan ng karnabal,may kalaparan yon.

Ibat-ibang uri ng rides ang makikita,sa magkabilang panig bukod sa panooran at circus,maaga pa walang makikitang taong naglalakad na taga-karnabal.Katatapos lang ng fieta,asahan mong babad ang tao sa pagtulog dahil sa magdamag na puyat.

May nakita s'yang nagwawalis sa di kalayuan,matandang babae,iniipon ang mga kalat ng nagdaanng gabi.Lalapit sana siya sa matanda at magtatanong ngunit nagbago ang kanyang isip,baka magkaproblema pa.

Sa bandang kaliwa na may mga kubol ay may nagsusugal,mga lima katao.Hindi lang pansinin ang mga nagsusugal kung nasa entrada ka ng karnabal.Lumakad pa papunta sa gitna ang binata.Iginalang muli ang paningin,nagbakasakaling makita si Trisha.Ayaw naman nyang magtanong  sa nakitang mga tao.

Pero may naisip ito,animo nasa gitna ng gubat.Itinaas ang dalawang kamay,itinapat sa bibig at sumigaw

"Trishaaaa......Trishaaaa.....!"

Ang Mahal Kong KULANGWhere stories live. Discover now