Chapter 12
Hindi alintana ng dalaga na kung sakaling sa kabilisan ng kanyang takbo ay masubsob siya.Basta ang nasa isip n'ya ay mabawi ang pera kahit anong mangyari.
Nagulat pa ang isang lalaki sa mabilis na pagdaan ng dalaga sa kanyang harapan,na ang lalaki ay walang iba kundi si Henry,na sukbit ang may kalakihang bag,nagaabang ito ng sasakyan sa di kalayuan ng terminal.
"Wheww"!,akala ko'y ipo-ipo yung nagdaan"!sabi sa sarili.
"Mas mabilis pa duon sa unang nagdaan dito,a!"
"Tsk,tsk,"kamot pa nito sa ulo.Ng di kawasa"y eto si Dana,at pilit ding humahabol sa kapatid,umiiyak hirap na hirap sa dala-dalang bag.Hindi nakilala ang binata dahil sa kalituhan.
"Hu,hu,huhu,-mama,mama,t-tulungan n'yo ang ate ko,hinahabol po yung umagaw sa pera namin,para na po ninyong awa,hu,hu,hu!"
Nanlaki ang mga mata ni Henry ng makilala ang dalagitang humihila sa kanyang damit,Diyata't ang mabilis na tumatakbong iyon ay si Trisha?
Dala ng habag sa bata,ay agad na nagpaalam ito,
"DANA,'wag kang aalis dito ha,babalik agad ako!!"
Hindi na inantay pang sumagot ang dalagita,humarurot din siyang tumakbo tungo sa direksyong tinakbuhan ng dalawang nauna,iniwan ang kanyang bag.
Samantala,malapit ng abutan ni Trisha ang isnatser sa direksyong patungong Tramo,nangagtanga ang mga tao sa paligid,ang akala ay may shooting ng isang teleserye.
Ang iba namang nakikiusyoso ay nakikihabol na rin..Mangha sila sa tumatakbong dalaga.Sa pakiramdam ng isnatser ay malapit na s'yang abutan."Hayup sa takbuhan ang babaeng ito,hah,hah,hah!"sabi ng isnatser sa sarili.Kailangang makalayo ako sa kanya,at tumawid ito sa kabilang kalsada upang iligaw ang babaeng walang mga kamay.