Chapter 33
"Hindi mo s'ya bibitiwan?!!"nangangalit ang bagang na sabi ni Henry sa tomboy.Yung lapit nito ay binigyan ng matinding suntok ang tomboy sa nguso.Sapul!
Nabitawan si Trisha,na animo lantang gulay na bumagsak.Si Eva naman ay nakuha pang tumayo at sumigaw,sapo ang namumusargang nguso na dumudugo.
"Huakk,'yong patakashinnn shi Sarahhhh...!!!!"parang nauulol nitong sabi.Sapo pa rin ng kamay ang ilong at bibig.
"Dali,Trisha sa kotse!"akay nito sa dalaga.Na kahit nanlalambot ay nagawa pa rin nitong tumakbo palabas ng karnabal.Nabigla ang mga nagsusugal,kaya hindi agad nakahuma ang mga ito.
"Guwardd,guwardddd...!!"pangongong sigaw ni Eva."Havbulin nyooo..havbulinnn...!!"
Nakalabasng gate ang dalawa,
Ang gwardya naman noon ay tiyempong tinawag ng pangangailangan,tumawid ito ng kalsada at duon nanubig sa tapat ng talahiban.
Nagulat naman si Bong na nasa manibela,sa biglang bukas ng pinto sa likuran dahil pabagsak na sumara iyon.
"Pare,andar na,hinahabol tayo.!!"Walang sabi-sabing pinaandar ni Bong ang sasakyan upang makalayo sa lugar na'yon.
Nagtaka naman ang gwardya sa biglaang pangyayari.Dahil napansin nitong mabilis ang takbo ng kotse.
"Hoyyy,tigil...!!"pinaputok paitaas ang baril nito bilang warning shot,ngunit hui na malayo na ang kotse.
Siya namang paglabas ng mga humahabol sa pangunguna ni Eva kasunod ang dalawang lalaking sapo rin ang tiyan at ang isa naman ay sapo ang tinamaang tagiliran.
Sumalubong na lang sa kanila ang makapal na usok na nilikha ng humaharurot na kotse.Sa loob ng kotse walang patid ang pagluha ni Trishsa.Nakasubsob ito sa dibdib ng binata.Awang-awa naman ang binata,hinagod-hagod ang likod ng dalaga.
"Sshhh,shhh...wala na ligtas ka na wala na ang mga humahabol..."alo nito sa dalaga.Siya man ay napapikit at taimtim na nagpasalamat sa Panginoong Diyos.
"Diyos ko,maraming maraming salamat po..."nangingilid ang luha nito.
Kalmado na ang dalaga,wala na ito sa pagkasubsob sa dibdib ng binata.Nang magsalita si Bong.
"Pare,ano ba't hinahabol kayo noong mga taga karnabal?"Napanganga ito ng matapunan ng tingin si Trisha sa salamin,inisip kung saan nakita ang dalaga.Lumingon ito at nakita ang kabuuan ng dalagang walang braso't mga kamay,biglang bumalik sa alaala ang gabi na namasyal sila sa karnabal.
"I--kaw s--si,Trisha...yung tinatawag na Sarah the fantastic lady?!"di makapaniwalang sabi nito.
Tango ang tugon ng dalaga,habang humihikbi pa rin ito.
NASAGOT LAHAT,ang mga katanungang noon pa pinagtatakhan ni,Bong,ang misteryong nakatago sa katauhan ng dalaga.Kaya pala iba na ang trato ng kaibigan sa mga 'disabled' o PWD,'di mapigilang mapailing ng binata.Bulag talaga ang pag-ibig sa isip nito.
Ng magsalita ang dalaga."H--henry,pwedeng dumaan tayo sa simbahan?"
"Ha,oo,sige..."
Pagkagaling sa simbahan at magpasalamat ay tumuloy sila sa isang restaurant,at dito ay napagmasdang mabuti ni Henry ang paraan ng pagkain ng dalaga na noon ay di 'nya pinansin at bagkus ay pagkainsulto ang hatid sa kanya.
Gilalas at paghanga naman ang nararamdaman ni Bong patungkol sa dalaga.Ngunit may iba pang bagay ang naglalaro sa isip nito.
Nagkasarilinan ang magkaibigan ng magpaalam si Trisha na mag-si-CR.
"Linsyak pare,bilib naman ako sa'yo,oo,aminado akong maganda s'ya at pangmodelo ang katawan pero bakit siya na walang mga kamay ang...."
Hindi na naituloy ni Bong ang sasabihin dahil matiim na titig ang ipinukol nito sa kanya.
'Iniisip mo na wala ako sa sariling bait at isang tulad nya lang ang iibigin ko?"Tumaas ang tono ni Henry na ikinabigla ni Bong,sabay lingon sa paligid.Buti na lang iilan pa lan ang mga kumakain.Itinaas ni Bong ang mga kamay tanda ng pagsuko.
"P--pare,I--I just want to be honest,and I realize na tutuo pa rin ang kasabihang love can moved mountains,at hindi talaga nadidiktahan ang puso,Kung sino ang dapat ibigin."Tinapik ang balikat ng binata at nag-sign ng thumbs-up.
Bumaba ang tinig ni Henry,ng marinig ang sinabing iyon ng kaibigan.Naisip na concern lang talaga ang kaibigan sa kanya.
"Kaya pala,kahit mga institusyon ng mga PWD ay ginalugad natin,na iyong kinamumuhian,sa isang iglap ay nasagot ang aking mga katanungan.iniisip mo siguro na pinagtatawanan kita."sumeryoso si Bong.
"Ang inaalala ko ay si Sofia,kilala natin ang babaeng yon.Desperada,gagawa at gagawa ng paraan para bumalik ka sa kanya.Lalo na ngayon,siguradong umuusok ang bumbunan noon sa galit,dahil iniwan natin s'ya."
Luha at kagalakan ang namayani sa bahay ni Tiya Mida,tuwang-tuwa si Dana lumabas na naman ang katabilan nito.
"Sabi na sa'yo ate,mabait talaga si K-ku....pwedeng kitang tawaging kuya?"
"Aba,oo,gustong-gusto ko!"maluwang ang pagkakangiti ng binata.
"Kita mo na ate,mabait talaga si kuya Henry,at hindi mo ba napapansin,ate siya ang hero mo?"pilya ang pagkakangiti ng tumingin ito sa kisame.
"A-anong hero?"kunwa'y tanong ni Bong.
"E,di yung hero,parang si Superman,tapagligtas,parang knight in a shining armour."kinilig pa ang dalagita.
Tatanngo-tango si Bong nakiayon kay Dana.
Namumula naman ang dalaga,hindi malaman ang sasabihin.Saglit na katahimikan.
"A,Dana,halika ng matulog,mag-eenrol ka pa bukas."Tumayo si Tiya Mida at sumunod si Dana.
"Goodnight ate,goodnight kuya Bong,goodnight kuya Henry."sabay kindat sa binata at nag-sign ng okay,nangiti ang binata.
"Sige goodnight."sabi ni Trisha.
"Pare,magpapahangin lang ako sa labas..."paalam ni Bong.
"Excuse me,Trisha."
"Sige,pare,."sabi ni Henry.
Matagal na katahimikan ang bumalot sa malamig na paligid,naasiwa ang binata.Ang dalaga na rin ang bumasag ng katahimikan,umiiyak ito pumatak ang luha.
Pinahid ng kanang paa ng dalaga ang pisgi habang nakadekwatro ito.
"Bakit,Trisha?"
Pormal na tumingin ito sa binata na sinagot ng titig ng lalaki...