Chapter 23
Samantala,nasa isang malayong lugar muli si Henry,isa itong engineer.Naisipan niya muling tumanggap ng project,may gustong patunayan sa sarili,at gusto niyang matiyak ang isang bagay tungkol sa kanyang damdamin.
Umiibig ba talaga kay Trisha o hanga lang siya sa ganda at katawan nito?Si Trisha na katulad din ng ibang "PWD" na kinamumuhian niya ng labis.Na ng dahil sa isang "PWD"ay naloko sya at tinakasan.Dala ang malaking halaga ng kanyang savings sa banko,na 1~2~3 s'ya nito.
"Disabled na nga,manloloko pa!" Tiim bagang nito,Hindi nya akalain na mga tao palang kahit "PWD"ay nakapanloloko pa ng kapwa.
Kaya ngayon,kapag nakakakita sya ng "PWD"ay iba na ang kanyang pakiramdam.kumukulo na ang kanyang dugo,kulang na lang ay ipagtabuyan niya ang mga ito.Lalo na't ito ay nasa kanyang harapan.Ngunit heto siya ngayon,sa isang iglap ay nakakilala s'ya ng isang masasabing "PWD"bagamat 'inborn' ito.Sa katauhan ni Trisha na muling nagpapagulo sa kanyang isipan.
Ang isang katulad n'ya,isang succesfull engineer iibig sa isang 'PWD'?Pagtatawanan sya ng mga kakilala't kaibigan.
Ngunit di nya maiwaksi ang tunay na damdamin sa dalaga,at tunay na pagibig 'yon na ngayon lang niya nadama at tiyak niya iyon sa sarili walang duda.
Ngayon nga'y,sabik na sabik s'yang makita ito.Bahala na, uuwi s'ya at ipagtatapat n'yang umiibig s'ya dito.Hindi lang umiibig mahal na mahal niya ang dalaga.Bukas na bukas din ay uuwi s'ya ng Maynila.
Isang gabi....ang huling gabi ni tiya Mida sa ibang bansa.Isang pares ng mga paa ang nagmamadaling lumiligid sa karehan,umuulan noon,tinumbok nito ang pintuan sa kusina.Walang ingay na binuksan ang pinto sa pamamagitan ng duplicate key,tuloy-tuloy ito sa loob papunta sa sala paakyat sa ikalawang palapag.Alam na alam ng anino ang pupuntahan.Walang kamalay-malay sila Oreng at Cita na magkatabing natutulog sa kwarto sa ilalim ng hagdan,at si Buboy naman ay duon sa loob ng karihan natulog nakahalang ang higaan nitong folding bed sa pintuan.
Sarap na sarap sa pagtulog ito,nakanganga at naghihilik,Dala marahil na ang panahon ay malamig at umuulan.
Muling ginamit ng anino ang duplicate key para sa kwarto,ng mabuksan ay dahan-dahang pumasok
"At last,wika nito na dili-ibat kundi si Grigo,Sa malamlam na liwanag ng lampshade ay nakikita nito ang dalawang nakahiga tulog na tulog.
May kinuhang maliit na bote si Gringo mula sa bulsa kasama ay isang panyo.Pinagsawa nito ang mga mata sa alindog ng dalaga,takam na takam ito.Kung tutuusin ay makukuha niya ang gusto nito ngayon,ngunit naisip nitong hindi ito ang tamang panahon.Marami pang pagkakataon,wika sa sarili.
Dahan-dahan nitong inilapit sa dalaga ang panyolitong may likido at itinakip sa ilong.Nagising ito at nagpapalag,ngunit tumalab na ang pampatulog.Ewan ba naman kung bakit di magising si Dana,marahil napagod ito sa pagtulong sa karehan,kaya ngayon kasarapan ng kanyang tulog ay hindi nararandaman ang nangyayari,dagdag pa nito na malakas ang ulan sa labas.