Ang Mahal Kong Kulang

80 3 0
                                    

                     Chapter 32

           Ikinatigil ng mga nagsusugal ang sigaw na'yon,sabay-sabay na napalingon ang mga lalaki.ngunit saglit lang at ipinagpatuloy muli ang pagsusugal.Sa mga kubol ay inis na nagbukas ng bintana ang isang lalaki.

"Hoyyy,ano ka ba,nakakabulahaw ka a,tulog pa mga tao dito.!!"Inis na muling isinara ang bintana na isang parlorgame.

Kunot-noo rin ang matandang babae na nagsisiga,lumapit sa binata.

"Sino ba ang hinahanap mo,Amang?"Tanong ng matandang babae.

Samantala,sa bandang dulo ng karnabal,kung saan ay naroon ang isang tila bahay na pinaglalabasan ng isang uri ng "wondershow"ay naroon ang sinasabing Sarah....na walang iba kundi si Trisha.Naalimpungatan ang dalagang natutulog,akala n'ya ay tutuo ang panaginip.Napabalikwas ito  dahil sa panaginip niya ay may tumatawag sa kanyang pangalan.Kinabahan ito dahil parang nasa malapit lang ang tumatawag.Pinakiramdaman ang paligid,iginala ang paningin.

Sarado ang pinto at mga bintana,nakaharang duon ang mga bantay,Bilanggo si Trisha sa panoorang iyon,Bukod duon ay inaalipin s'ya ng mga taong nagbabantay sa kanya sa kabila ng kanyang kalagayan.Siya ang pinakikilos sa mga gawain,paglalaba,paglilinis at kung ano-ano pa.Ni hindi niya makita kung ano ang itsura ng paligid.

Duon siya dinala ni Grigo,ang may karnabal ay may casino rin kung saan natalo ito ng malaki at si Trisha ang ipinambayad nito.Mula noon ay di na nakita ni Trisha ang walanghiyang amain.

Hindi s'ya basta-basta nakalalabas ng panooran.Dahil nakakandado ang lahat,sinisiguradong hindi s'ya makakatakas.

Masasal ang kaba ng dibdib,hindi mawala sa isip ang tumatawag.Pakiwari niya ay nasa malapit lang ito.Napalingon siya sa likod may daan doon patungo sa kusina,pero nakakandado rin.

"O,saan ka pupunta."naalimpungatang sabi ni Asya.Nakahiga ito sa foldingbed na halos katabi lang ni Trisha.

"H--ha,a,e,iinom lang ako."anang dalaga.

"O,sige,dalian mo ha,..ho....hummm."hikab pa ng babae halatang puyat at antok na antok pa,nag-tong-its sila ng mga kasamahan,Ang iba ay tulog na tulog.Maliban sa tomboy na si Eva,na bagong gising at ito ang nagboluntaryong magluluto ng almusal.Tumayo ito at nagtuloy sa kusina.

Nakita ni Trisha na hindi mapigilan ang msidhing antok ni Asya,ilang minuto s'yang nakiramdam.at ng makitang nakapikit na ito ay dahan-dahang pumunta sa kusina,nanlaki ang mata ng dalaga dahil wala roon si Eva.Marahil ay nag-CR ito na nasa labas ng panooran,Ganun ang routine ng tomboy araw-araw.

Pero sinisigurado nitong mababantayang mabuti si Trisha,tiwala ito dahil sinabihan nya si Asya na bantayan ito kaya hindi na nya ikinandado ang pinto ng siya ay lumabas.Yun ang akala nya dahil si Asya ngayon ay himbing na himbing.

Laking pasasalamat ng babaeng putol ng hindi makita si Eva.Ito na ang kanyang pagkakataon.Hindi mapatid ang pagtawag nito saPanginoon na sana ay walang magising.

Dumaan ito sa likod,binay bay ang gilid ng panooran papunta sa harapan,Abot-abot ang kaba,napasandal ito sa ding-ding,kung mayroon lang itong mga kamay marahil ay nakasapo  na ito sa dibdib sa nerbyos na inaabot.Naroong mapapikit ito ng mariin at muling mananalangin.

'D'yusku po..!tulungan n'yo po ako!"

Ilan beses na rin s'yang nagtangkang tumakas,ngunit bigo ang mga iyon.At ang kapalit ng mga pagtakas na iyon ay mas matinding parusa.Naroong latiguhin ng ilang ulit ni Eva,at masahol pa sa hayup kung siya ay parusahan.

Nag-iisip si Trisha kung saan siya gagawi,kung sa likod ng karnabal ay may gate din duon para sa mga trabahador at sa mga ipinapasok na kagamitan at mga inilalabas,kung saan ay katabi nito mismo ang CR.na posibleng kinaroroonan ni Eva.

Kung sa harap naman siya dadaan ay mahaba rin ang kanyang tatakbuhin.At siguradong makikita s'ya ng mga gising na.At maraming nakahambalang na mga kiddie rides at parlor games sa gitna.Kaya bago siya makarating sa gate siguradong may sisita na sa kanya.

Pinili ng dalaga ang harapan papunta sa maingate,kung saan ay duon nya rin naulinigan ang tumatawag sa kanya.Abot-abot ang panawagan ng dalaga na hindi s'ya pababayaan ng Panginoong Diyos sa mga oras na'yon.

Wala itong balabal,nakasuot lang ito ng t-shirt na walang manggas at nakasuot ng jogging pants.kaya kita ang kabuuan nito.Lakad takbo ang ginawa ng dalaga,at pagkuwa'y tumigil sa gitna,Napamulagat siya ng dalawang tao ang nakita nyang itinutulak ang isang lalaki na pinapalabas ng karnabal.

Nanlaki ang kanyang mga mata.Gumuhit sa kumakabog na dibdib ang tuwa at halos mapaiyak ito.Hindi sya maaaring magkamali si...Henry ang lalaking iyon.At ito ang tumatawag sa kanyang pangalan? Kung gayon ay hindi sya nananaginip,tutuo nga!At hinahanap pala niya ako?Tumulo na ang luha ng dalaga sa matinding pagkasabik at kaligayahan.

Akmang tatakbo siya patungo sa binata ng makarinig siya ng sigaw mula sa likuran.

'Hoy,Sarah,saan ka sa akala mo pupunta?!!"galit na galit ito.

Nataranta ang dalaga,ngunit nanaig dito ang pagtakas at lumakas lalo ang loob ng makita si Henry.Kaya kumaripas ito ng takbo sa direksyon ni Henry,paikot-ikot ang takbo dahil maraming nakahambalang sa gitna.

"Henry.....!!!!!"sigaw nito ng malapit na sa binata.Habang si Eva naman ay pinindot ang busina ng isang kiddie car para lumikha ng ingay.

"Hooyy,hooyyy.....magsigising kayooo...si Sarah nakatakas!!!"

Narinig ni Henry ang sigaw ng dalaga.Awtomatikong naintindihan ng dalawang lalaking nagtataboy kay Henry na magkakilala ang lakaki at dalaga kaya agad na sinuntok ng isa ang binata.Maagap na nakayuko si Henry,Akmang susuntok ang isa pa ngunit nasalag ito ng binata,at hinila ang braso ng lalaki sabay sipa sa may tiyan.Timbuwang ito sumadsad sa bakod ng karnabal.

Lumingon ito sa dalaga."Trisha,sa kotse dali takbo sa labas.!!"

Papalapit naman si Eva.Hindi siya papayag na makatakas si Trisha.

'Wag,n'yong patakasin si Sarah.....!!!"sigaw nito.At eto na ang tomboy,iyong hila sa buhok ni Trisha sabay kawit ng braso nito sa leeg ng dalaga.

'B-bitiwan mo,aakooo...hakk..!!"
Hindi makapalag ang dalaga sa pag-kakasakal ng tomboy.Halos mapugto na ang hininga nito.

"Saan,ka pupunta ha!"gigil na sabi bi Eva.

Muling sumalakay kay Henry ang dalawang lalaki.Pumorma ang mga ito,Isang matinding "flyingkick"ang pinawalan ng binata at pagikot niya ay isa pa uling tadyak ang pinawalan na tumama naman sa isa,tumba pareho ang mga ito.

Agad binalingan  ng binata ang dalaga,"Bitiwan mo s'ya!"utos nito sa tomboy.

"At sino ka para utusan ako,ha?!"

Ang Mahal Kong KULANGWhere stories live. Discover now