Chapter 36
Isang araw,may dumating na babae ipinarada ang sasakyan sa gilid ng bangketa,pagala-gala ang paningin sa ibang sasakyang naroon.Ng matiyak na wala sa mga iyon ang hinahanap ay tuloy-tuloy sa loob ng restoran.
Paikot-ikot ang tingin sa loob ng restoran.Umupo sa isang mesang naroon malapit sa pinto,na parang may pinaghahandaan.Maganda ang paligid ng kainan masasabing hindi nalalayo sa ibang kainan na class.
Nilapitan ng isang waiter ang babae na walang iba kundi si Sofia.Iniabot ang menu,ngunit iba ang pakay ng babae.
"Narito ba si Trisha?"tanong nito.
Luminga ang waiter sa counter.
"Sandali lang po,Ma'm."anang waiter.
"Tiya Mida,may naghahanap po kay Ma'm Trisha."
Huminto si tiya Mida sa ginagawa inalis ang reading glass.Tumayo ito,sinipat si Sofia na noon ay papalapit sa kanila.
"Puwede ba siyang makausap?"may kasupladahang sabi nito sabay taas ng kilay.
"Anong kailangan mo sakanya,Miss."
Naaantipatikahan si Tiya Mida sa babae,walang tiwala dito."Pakisabing ako si Sofia...ang fiancee ni Henry."Walang ligoy na sabi.
Nabigla si tiya Mida,sa kaprangkahan ng babae.Kinutuban tuloy sya sa ikinikilos ng babae.Parang may hindi magandang gagawin si Sofia.
"Ah,e,Miss,wala sya dito."Pagsisinungaling ng babae.
Siya namang paglabas niTrisha galing sa loob.Bumuntunghininga si Sofia,sinipat si Trisha mula ulo hanggang paa.Napako ang paningin sa balikat nito.Ang nasa harap niya ay isang babae na walang braso't mga kamay,ngunit saglit lang ang pagkabigla nito.
"'Wag mong sabihing,ikaw si Trisha?"
Panghuhuli nito."O--oo,ako nga,b--bakit kilala mo ako?"
"Ooh,what a nightmare!"sabi nito.
"Pamilyar ka sa akin,eh."Iniisip kung saan nya ito nakita.Ikinukumpas pa nito ang mga kamay.Napapitik ito.
"Oo nga,tanda ko na,napanood na kita sa...karnabal...at ikaw si Sarah the fantastic lady?"
"At ikaw rin si,Trisha na kinalolokohan ni Henry?"sarkastikong tugon nito.
"Napahumindig si Trisha,sino ang babaeng ito na bigla na lang darating at inaakusahang kinalolokohan ni Henry.Ano ang kaugnayan nito sa binata?tanong ng isipan ni Trisha.
"Hmm,well,alam ko hindi mo ako kilala kaya magpapakilala ako...ako lang naman si Sofia,ang fiancee ni Henry at malapit na kaming ikasal!"Taas ang kilay nito at akala mo nakakainsulto pa ang ngiti nito habang sinasabi iyon sa dalaga.
Halos mabingi ang dalaga sa narinig.Wala siyang alam na babae o nobya ito maliban sa kanya at yon ang alam nya.Marami pa pala siyang hindi alam sa binata,paano naman kung gawa-gawa lang babaeng ito ang kanyang pinagsasabi.
A,hindi sya basta-basta maniniwala sa babaeng ito.
"Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit siya pumatol sa kagaya mong "disabled",a carnival queen kuno,ha!"
Ismid pa nito."Miss,tinanggap ka namin dito ng tao at sana'y magpakatao ka,maganda ka pa naman at mukhang edukada pero sa nakikita ko,daig mo pa ang walang pinagaralan!"sabi ni tiya Mida.
"Ewan ko,kung ano ang ipinakain mo kay Henry,gayung maganda ka lang sa tingin pero "out of this world" naman ang itsura!"Hirit pa nito.
Ibig ng mapatid ang hinahon ng dalaga,ngunit nanaig pa rin ang kahinahunan nito.
Si Trisha naman ang humirit.
"Eh,ikaw naman kaya,bakit inayawan ka ni Henry at ipinagpalit ka sa isang tulad ko?"Namula si Sofia.
"At marunong palang sumagot ang putol na ito!"insulto pa ni Sofia,at dinuro-duro pa ito.