Chapter 37
"Hoy,malditang putol,kahit anong mangyari hindi mapapasaiyo si Henry.Akin lamang siya naiintindihan mo?!!"Nanggagalaiti ito sa galit.
Pumiksi si Trisha."Tsk,tsk,tsk,o,di nakita mo na,ikaw ang naghahabol gayung ayaw na sa'yo.Minsan-minsan naman pag-may time,mag-moved on ka na para hindi ka habol ng habol.Gayung ayaw na naman pala sa'yo!"Sabi ni Trisha sa kausap.
Galit na sumugod si Sofia,inihampas ang shoulder bag sa dalaga.Hindi matanggap ang balik insultong siya ang nagpasimula.Tinamaan si Trisha sa balikat,napasandal ito sa pader,muling taas ng kamay ni Sofia akmang ihahampas muli ang bag kay Trisha.Ngunit duon nagkamali si Sofia,dahil kahit saan mapasandal si Trisha iyon ang nagbibigay lakas sa kanyang mga paa para gamitin ito.
Isang matinding tadyak ang pinawalan nito,na dumapo sa tagiliran ni Sofia.Halos hindi ito makahinga.Sadsad ito sa harap ng counter,kung saan nasa loob si Tiya Mida,nanlalaki ang mga mata nito.Hindi makapaniwala sa nakikitang katapangan ni Trisha. Naghahalo ang tuwa't takot para sa pamangkin.Hindi pala padedehado ito kung may mang-aapi.
Sapo ni Sofia ang tagiliran,hindi akalaing malakas palang tumadyak ang babaeng walang braso't mga kamay.
Ng mahimasmasan ay agad itong tumayo at muling sinugod siTrisha,ngunit bago nakalapit ito ay isang sampal gamit ang paa ang dumapo sa pisngi ni Sofia.Putok ang labing nagsisigaw ito,dali-daling dinampot ang bag at tuloy tuloy na nagtatakbo palabas ng restoran.
"Hindi pa tayo tapos,babaeng kulang babalikan kitaaaaa...hayup kaaa!!!"
"Pagbabayaran mong ginawa mo sa akin,kayong lahatttt...!!!"duro nito sa mga nakapaligid.
Naiwang nakatulala si tiya Mida.Bilib na bilib naman si Dana sa kanyang ate.
"Yan ang ate ko,hindi patatalo kahit walang mga kamay.Ang galing mo talaga 'te,kayang-kaya mo yung babae kahit wala kang braso't mga kamay!"
Tuwang-tuwa itong pinagpag ang mga kamay,na animo siya ang nakipaglaban.Niyakap ni Tiya Mida ang pamangkin,hinayaang umiyak ito upang magluwag ang pakiramdam.
Maya-maya ay kalmante na ito,may nabuo sa isipan.Hinarap nito si Dana.
"Dana,magempake ka."
"B--Bakit,ate?""Aalis tayo!"
"Ha,!"Gulat ang reaksyon ni tiya Mida.
"B-Bakit di mo muna antayin si Henry at pakinggan ang kanyang side kung tutuo ang pinagsasabi ng babaeng 'yon!"Sabi ni tiya Mida.
"Hindi naman siguro susugod ang babaeng yon Tiyang,kundi tutuo ang kanyang sinasabi!"
Gayun pa man todo pigil pa rin ang tiyahin sa desisyon ng dalaga.
"Parang awa mo na pamangkin,dumito na lang kayong magkapatid.Kayo lang naman ang kamaganak ko.Wala na akong kasama sa buhay...hu,hu,hu."
"Tiyang,magkikita pa tayo pero hayaan n'yo munang makapag-isip ako ng mabuti at buo na ang pasya ko kailangan ko munang lumayo...sana maintindihan n'yo ako,tiyang..."Hinagod-hagod nito ang likod ng tiyahin inalo-alo ito.