Chapter 3
Matagal na nagisip ang dalaga,may nabubuong balak. Pupunta sila ng Maynila,sa kapatid ng kanyang ama
na mas bata na minsan ay nakita na niya noong dumalaw ito sa kanila.
Siya ay nasa second year high school pa lang noon.Matapos ang babang luksa ay nagpasya ang dalaga,
Hinalungkat nito ang luma nilang kabinet kung saan tanda niyang isinulat sa papel ang address ng tiyahin at isiningit sa mga damit.
Na baka kung sakali raw ay maisipan nilang magbakasyon duon
sa Maynila.Ipinagkibit balikat lang niya ang sinabing iyon ng tiya,ni sa hinagap ay hindi n'ya inisip na lumuwas ng Maynila.Ngunit ngayon nga ay nagpasya na siya,lilisanin nilang magkapatid ang kinalakhang bayan.
Isang linggo matapos ang libing,nabuo ang pasya ni Trisha,inihabilin at pinatirhan niya ang 'di kalakihang bahay sa kamag-anak ng kanilang kapit-bahay na bagong kasal,nag kataong naghahanap ng matitirhan.Wala siyang binanggit kung kelan sila makakabalik na magkapatid.Ipinakiusap lang niya na kung maaari ay ituring nilang kanila at huwag pababayaan ang bahay bilin sa magasawang titira.
Tuwang-tuwa naman ang bagong kasal,mayroon na silang pansamantalang matitirhan.At umasa raw ang dalaga na hindi nila pababayaan ang bahay at mga tanim nitong halaman.