Ang Mahal Kong Kulang

270 3 0
                                    

                     Last chapter

Author's note:

(Ang pangalan ng mga tauhan,lugar,mga pangyayari ay pawang mga kathang isip lamang,anumang pagkakahawig ng pangalan ng mga tauhan,lugar o mga pangyayari ay hindi sinasadya.Walang bahagi ng kuwentong ito ang pwedeng gamitin sa kahit na anong paraan ng walang pahintulot ang may akda.)

                  Chapter 39

Isang araw,habang abala sa pag-sasalansan ng mga bulaklak si Yoyi at Dana sa may bandang tarangkahan ay may naulinigan sila na humintong sasakyan.
     Napahinto ang dalawa sa ginagawa nagkatinginan kapwa hindi nakapagsalita.

"S--Sino po ang hinahanap nila?"tanong ni Dana.

"Dana,a-ang ate mo."

"S-sino po kay.......?"Hindi pa tapos ang sasabihin ay nakilala ni Dana ang kausap.

"Kuya Henry?"

Si Trisha noon ay nasa gawing gitna namumutol ng malilit na sanga at mga dahonng tuyo.Nakaupo ito sa silyang medyo mababa at namumutol ng mga bulaklak hawak ang isang gunting.

Gulat si Dana kasi hindi nya nakilala si Henry dahil mahaba bigote at balbas nito.

"Ang ate mo,nasan?"ulit nito.

Lumingon si Dana sa kinaroroonan ng ate n'ya.

"Ayun siya kuya."

Tumuloy na siya loob,walang kamalay-malay ang babae na papalapit si Henry sa kanya.Abalang-abala ito sa mga halaman.Nakasambalilo ito at pinapawasan.Biglang sumulpot sa harapan niya ang binata.

"Trisha?"

Napaangat ang ulo nito,nagulat sa pagsulpot ng binata.Tulad noong nabawi sya sa sindikato ay hawas ang mukha nito malamlam ang mga mata mahaba ang bigote't balbas.Ito ba ang iniwan nya?Hindi ba ito naging maligaya sa piling ng babaeng 'yon?

Nagulat man ay biglang tumayo ito at tatalilis sana ngunit maagap si Henry nahawakan nya ito sa balikat.Saka pa lang ito nakapagsalita.

"Anong ginagawa mo rito,puwede ba umalis ka na?"Tumutulo na ang luha nito sumasabay sa tulo ng pawis.

"Hindi,hindi ako aalis,hanggat hindi tayo nagkakaliwanagan!"Malungkot na sabi ni Henry.Nasa anyo ang labis na pagkasabik.Sabay yakap sa babae.

"P'wede ba 'wag mo akong yakapin,tapos na tayo!"Piglas nito.Ngunit mahigpit ang pagkakayakap ng binata.

"Walang natatapos dahil naging tayo,at ang naging tayo ay ipagpapatuloy ko hanggat muli mo akong tanggapin dahil wala naman tayong pormal na hiwalayan."

"Mahal na mahal kita Trisha,at hindi ko matatanggap na mawala ka sa buhay ko!"Tumutulo na kapwa ang kanilang mga luha.Si Trisha,mahal na mahal pa rin ang binata.ngunit sinisikil nya lang damdamin.Naroon parin ang pagmamahal nya sa lalaki,minsan man ay di nawala.

Hindi na napigilan ni Henry ang sarili hinalikan ang dalaga sa labi.Hindi na umiwas ang dalaga sa halik na 'yon.Ngayon ipaglalaban na nya ang pagibig sa binata,Hindi na nya papayagang sila'y magkahiwalay at handa na siyang ipaglaban ito.

Habang nasa di kalayuan si Dana at Yoyi na namasaid lang sa nangyayari.

Isang pares ng paa ang papasok sa bakuran,nagmamadali ito sa paghakbang parang alam na alam ang pupuntahan.Si Sofia ang babae,kanina pa ito naandon at pinagmamasdan sila Henry at Trisha.

Natakot naman si Dana dahil habang naglalakad ito paapasok ay may kinuha ito sa bag na tinamaan pa ito ng sikat ng araw na ikinasilaw ni Dana,sumasal ang dibdib ng dalagita.Parang baril ang kumislap nayon sa isip ni Dana dahil nakakita na s'ya ganon.

Naisip nito na baka ang ate nya ang tamaan ng baril.Sumugod ito para bigyan ng babala ang kanyang ate na nakatalikod.

Tumakbo ito,ngunit huli na  nasa gitna na siya ni Sofia sabay umalingawngaw ang isang putok.

"BANNnnngg!"

"Ateeeee....!Sumabog sa ere ang hawak nitong mga bulaklak.humandusay sa lupa ang katawan ni Dana.na iniharang ang sarili para sa kanyang pinakamamahal na kapatid.Ang kanyang ate na sa kabila ng kaanyuan ay kayang isakripisyo ang lahat,

Natulala si Sofia,ngunit saglit lang dali -dali itong tumakas pinaharurot ang sasakyan.

"Dana,kapatid kooooo...!Hagulgol ni Trisha habang kandong si Dana,agad namang kinarga ni Henry.

"Tena dali,dalhin natin sa ospital.!!"

"OK,na ang kanyang lagay,wala namang tinamaang vital organ sa kanyang katawan."sabi ng doktor.

"Salamat po doktor at salamat sa Diyos."Maluha-luha pa ring pimamasdan ang natutulog na kapatid.Hinahagod-hagod pa nito ang noo sa pamamagitan ng paa habang nakaupo ito sa gilid ng kama.

Nakatitig naman si Henry sa dalaga,damang-dama nito ang pagmamahal sa nagiisang kapatid.

Ang kanyang mahal,tulad din ng iba mapag-aruga at mapag mahal sa kanyang pamilya sa kabila ng kanyang kakulangan,nangingiti ito.Napansin iyon ni Trisha.

"Anong ngingiti-ngiti ka d'yan!"irap nito.

Sabay lapitvni Henry at niyakap si Trisha.

"Wala nangi-ngiti ako dahil ako na ang pinakaswerteng lakaki sa buong mundo,dahil minahal mo ako!"

Nang bigla'y bumukas ang pinto,bumulaga si Sofia yukod ang ulong aandap-andap na lumapit sa kanila.

"H--Henry,T--Trisha...."

"Anong ginagawa mo dito!!"asik ni Henry.iniharang ang katawan kay Trisha baka may kung ano na namang gawin ang babae.

"S---sorryy,Trisha,Henry,n-naparito ako para humingi ng tawad,a-at para di na kayo guluhin...napagtanto kong wala akong karapatan at dapat ko ng tanggapin ang aking pagkakamali.Tatanggapin ko kung ano mang parusa ang nararapat sa akin...s-sana ma-mapatawad n'yo ako."Matiim ang titig ni Henry.

"Hindi ka sa akin nagkasala..."tumingin ito kay Trisha.

"Sa kanya.. "

Tinanggap ni Trisha ang paghingi ng tawad ng babae.Niyap ng mahigpit ni Sofia ang dalaga.Umaagos ang luha nito,sa kabila ng nagawa niyang kasalanan sa "armless lady" na ito ay tunay itong may mabuting kalooban.  

"Salamat,salamat,s--sige magpapaalam na'ko..."!At lumabas ito ng pintuan.

Parang nabunutan ng tinik ang dalawa,sa haba ng pagtitiis,pakikibaka sa buhay at pagpapatawad.Naririto sila matatag na nakatayo at harapin kung ano pang pagsubok ang darating at kanila itong walang takot na susuungin.

Kay Trisha anumang pagsubok pa ang  dumating ay kanyang haharapin upang maipaglaban ang kanyang karapatan sa anupamang laban sa buhay,kahit wala siyang mga braso't kamay.

At ang kanyang pananalig sa Diyos ang kanyang gabay.

                  ●RCJ28●

                          «««WAKAS»»»

(Iniaalay ko ang kuwentong ito kay Mareng SusanBorja,kung saan ka man salamat sa inspirasyon.At kay teacher Lyka Mendiola at kay Carlo Libo,thank you sa inyo!

© Allrights Reserved 2019

Ang Mahal Kong KULANGWhere stories live. Discover now